CHAPTER TWENTY-TWO: Things are about to change

Comincia dall'inizio
                                    

Hindi sumagot si Jungkook. Sa halip ay hinawakan niya ang pala-pulsuhan ni Taehyung at tinitigan ito sa mga mata. Napalunok naman si Taehyung at sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maalis ang tingin dito.

"Jungkook."

"Huwag na natin pahirapan ang sarili natin, Taehyung." saad niya saka bahagyang humigpit ang paghawak kay Taehyung.

Magsasalita pa sana si Taehyung para tanungin kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit natigilan siya nang maramdaman niyang may gumagapang na lamig sa palapulsuhan niya na hawak ni Jungkook.

May binubulong ito ngunit hindi maintindihan ni Taehyung. Sinusubukan niyang kumalas sa hawak ni Jungkook ngunit sa hindi malamang dahilan ay malakas ito at hindi man lang natitinag.

Nagsimulang sumakit ang ulo ni Taehyung at pakiramdam niya ay buong paligid niya ang umiikot. Para rin siyang nasusuka at bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Napaisip tuloy siya kung dala ba 'yon ng ininom niya kanina kahit pa kakaunti lang naman 'yon.

What the fvck is happening?

"Jungkook!"

Tila nagising siya roon at nabaling ang tingin ni Taehyung sa may hagdanan dahil sigaw na umalingawngaw sa buong bahay. Natagpuan niya si Hoseok na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at nakita na lang ni Taehyung na hindi na hawak ni Jungkook ang palapulsuhan niya. Wala na rin iyong lamig na naramdaman niya, 'yong pagkahilo at pananakit ng ulo.

"Kookie, tama na!" pag-awat ni Hoseok nang subukan muling hawakan ni Jungkook si Taehyung. "Please, tama na."

"Hobi." mahinang tawag ni Jungkook habang pilit na inaaninag ang kaibigan niya. "Paano mo nalaman na-"

"Naramdaman ko." pabulong na sagot ni Hoseok bago hinarap si Taehyung. "Ako na ang maghahatid sa kaniya sa kwarto niya. Mabuti pa siguro at matulog ka na rin dahil talagang nakakapagod ang araw na 'to. Salamat at pasensya na sa abala, Tae." matamis na ngumiti si Hoseok bago inakay si Jungkook at nagsimula silang maglakad paakyat ng hagdan.

Sa kabilang banda, tulala lang si Taehyung at pino-proseso pa ang mga nangyari. Napatingin siya sa dinaanan nina Jungkook at bago pa man sila tuluyang maglaho sa paningin niya ay nakita niyang lumingon pa si Jungkook sa kaniya at tipid na ngumiti.

Sinuklian niya rin ito ng ngiti at binulong ang mga salita na kahit malayo na sina Jungkook ay narinig pa rin nito.

"Good night, Kookie."

Napabuntong hininga si Taehyung nang mapagtanto niyang mag-isa na lang siya saka ito dumiretso sa guest room kung saan siya matutulog. Agad siyang napahiga roon at ilang minutong nakipagtitigan sa kisame habang hindi mawala-wala sa isipan ang mga nangyari kanina.

~♡~

Nang makapasok sa kwarto ay agad na pinahiga ni Hoseok si Jungkook. Saka lang siya nakahinga nang maluwag matapos niyang maihatid sa kwarto ang kaibigan sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya dahil una, mabigat si Jungkook at mas lalong bumigat dahil halos lahat ng timbang nito ay binigay niya na kay Hoseok habang naglalakad sila kanina.

Agad na inasikaso ni Hoseok ang kaibigan hanggang mapalitan niya na ito ng mas kumportableng damit. Inayos niya rin ang unan at kumot para kahit papaano'y maging mahimbing ang tulog nito.

"Kookie." tawag ni Hoseok kay Jungkook. Kahit pa alam niyang tulog na ito at imposibleng marinig pa siya ay pinagpatuloy niya pa rin ang sasabihin niya.

"Huwag na huwag mo na uuliting magtangka na burahin ang mga ala-ala ni Taehyung." nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Alam mong hindi natin puwedeng gawin 'yon."

In Another Life | TaeKookDove le storie prendono vita. Scoprilo ora