18. Josefa

16 5 0
                                    

Chapter 18

Isang araw, muli akong nagising na animo'y nagmula ako sa isang napakahabang tulog. Ramdam ko ang panlalambot ng katawan ko pero sa pagkakataong to, alam kong nakakontrol ko na ang katawan ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Tanging katahimikan at tunog ng makina sa gilid ko ang siyang sumalubong sakin.

Ilang ulit akong napakurap-kurap hanggang sa pinilit kong ibuka ang mga bibig ko.

"Aaa-aah." pagtawag ko pero animo'y hindi ko pa kontrolado ang dila ko. Pero marahil ay may censor silang nilagay sa kwartong ito dahil nung sandaling magsalita ako ay siyang pagtunog ng alarm sa gilid ko.

"VIP room. Room 11. Patient has woken up. I repeat. VIP room. Room 11. Patient has woken up."

Kalmado akong napalingon sa pinto. Inaabangan kung sino ang mga papasok mula roon. Ngunit sa hindi inaasahan, gulat lang akong napatitig sa mukha ng babaeng huling nanloko sakin bago ako makulong mula sa isang mahabang pagtulog.

Josefa!

" Ho— ho ahh. " pilit na pagtawag ko sana sa pangalan ng babaeng papalapit sa higaan ko pero hindi ko manlang masabi ang tamang mga salitang gusto kong sabihin.

"I'm glad you're now awake, Demetria." nakangiting sabi nito bago ito naglabas ng panyo mula sa bulsa nito at masuyong pinunasan ang laway na kanina'y lumabas na pala sa mga labi ko.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mong magsalita. Aabutin pa ng isang linggo bago tuluyang bumalik sa dati ang kondisyon ng katawan mo. Isa pa, magaling narin naman ang saksak sa tagiliran mo kaya wala kang dapat ipangamba." anito bago tinignan ang kondisyon ko mula sa mga mata ko, dila at palapulsuhan ko. At habang tinitignan ni Josefa ang kondisyon ko, doon ko lang napansin na nakasuot ito ng doctor's robe.

Maya-maya pa'y narinig kong tumawa si Josefa pagkatapos niyang tignan ang kondisyon ko.

"Naninibago ka ba sa ayos ko, Demetria?" nakangiting sabi nito bago ito umikot na animo'y natutuwang ipakita sa akin ang suot nito.

"Mukha bang may bago sakin?" ngiting-ngiti na tanong nito habang nakapameywang na animo'y isang modelo sa harap ko.

Napatitig lang din naman ako rito dahil alam ko, tulad ng dati, magki-kwento lang ito ng magki-kwento kahit di ko na siya sagutin pa. At tama nga ko dahil hindi ako nito hinintay na sumagot. Muli na naman itong nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit? Kase malapit ko ng malaman kung saan matatagpuan ang tatlong isla!" natatawang sabi pa nito bago ito muling lumapit sakin at naupo sa gilid ng kama ko. Unti-unti ay minasahe nito ang mga braso ko. "Cordia, Briedo at Aphro. Diba iyon ang mga pangalan ng tatlong islang pinagdalhan sa inyo noon?" matamis itong ngumiti. "Alam mo bang matagal ko ng hinahanap ang lugar ba yon? Ang lungga nina Freya at Rick." sandali itong tumigil at animo'y may naalala. " Hindi kita pipiliting maalala kung saan matatagpuan ang mga lugar na yon Demetria dahil kapatid kita at alam mong mahal kita, hindi ba? " kinapa nito ang mukha ko tsaka niya ito ilang beses na hinaplos." Kaya nama'y nung makita kita noon, nilapitan agad kita para sana sa impormasyon ukol sa tatlong isla. Minalas lang at wala ka na palang ilang mga alala ukol sa mga islang yon. Marahil ay ginusto mong kalimutan ang mga yon o ano, hindi ko alam. Pero ngayon, ayos lang yon, Demetria. Dahil sa wakas, tatlong Huntres na ang natagpuan ko dahil sayo. "

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Josefa dahil sa mga sinabi nito.

Talagang niloloko lang ako nito noon!

Interesado lang pala siya sa tatlong isla. At ngayon, mukhang pati ang ibang nga Huntres ay idadamay pa nito sa mga plano nito.

"Bakit ganyan ang mga tingin mo, Demetria?" nangunot ang noo nito. "Wala kang dapat katakutan dahil hindi kita sasaktan. Tandaan mo, sila ang kalaban natin. Sila ang may gustong saktan ka! Muntik ka ng mapatay ni Martina, naaalala mo pa ba?"

I am a Huntres (HIATUS!)Where stories live. Discover now