"Uhhwaahh ahh ha! Ha! Waah!"

'Hindi totoo yan! Hindi ako papatayin ni Martina!' pilit na sigaw ko tsaka sana babangon nung nagmamadaling inalalayan ako nito at animo'y pinapakalma.

"Demetria, ano ba?! Wag kang tanga pwede ba?!" iritang tanong nito bago nito mahinang niyugyog ang mga braso ko. "Walang ibang tutulong sayo kundi ako lang! Ako lang dahil kapatid mo ko!" mariin ang mga salitang sabi nito sakin pero hindi na ako maniniwala pa rito.

Si Josefa! Isa siyang malaking sinungaling! Manggagamit! Isang malaking baliw!

"Kumalma ka muna pwede ba?" buntong-hininga nito tsaka ako binitawan at umupo sa upuang nakapwesto sa malapit sa kama ko. "Pasensiya na sa kung anuman ang nangyari nung nakaraan bago ka mawalan ng malay, okay? Nung mga panahong yon..." sandali itong natigilan. "Nung mga panahong yon ay hindi maayos ang lagay ko." may pag-aalinlangang sabi nito na hindi ko lang inimik. Dahan-dahan lang akong tumigil sa ginagawa ko kanina tsaka muling maayos na humiga sa kama ko.

" Patawarin mo ako at ikaw ang napagbuntunan ko ng galit ko sa ating ina. Hindi ko yun sinasadya." animo'y sabi nito sa malungkot na boses. Pero agad ding nawala iyon nung tila animo'y may galit na muli itong nagsalita. "Pero hindi mo naman ako masisisi, Demetria. Kamukhang-kamukha mo ang demonyong siyang dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon! Ang taong siyang dahilan kung bakit ang tingin sakin ng mga tao ngayon ay isang baliw!"

Tulalang napatitig nalang ako sa puting kisame ng kwartong to.

Hanggang kailan ba ako hahabol-habulin ng animo'y bangungot na nakaraan dahil lang sa kamukha kong sinasabi ni Josefa na siyang aming ina?

Hanggang kailan ba ako gagamit-gamitin ni Josefa na siyang animo'y isang baliw na ngang talaga?

Napapagod na ako...

Nakakapagod na to.

Napabuntong-hininga ako' t napapikit sa mga isiping iyon pero agad ko rin iyong minulat muli nung makita kong muli ang imahe ni Josefa na nakadungaw na pala sa sakin habang nakatayo sa gilid ng kama ko.

Sobrang lakas ng naging kalabog sa dibdib ko nung makita ko ang mga matatamis na naman nitong mga ngiti na pamilyar sa alaala ko. Ang mga ngiti niya na siyang kamukha nung mga ngiting binibigay niya sakin nung mga panahon bago ako nito turukan ng 'di ko malamang gamot.

"Buhay ka pang talaga matapos mong nakatanggap ng ganon karaming gamot?" nankangising tanong nito dahilan para kabahan ako.

Ano itong pakiramdam na 'to na tipong ngayon lang niya nalaman na nagising ako?

"Hanga talaga ako sa talento ni Josefa. Naibalik niya pa sa dating hugis ang katawan mo kahit pa'y isang buwan ka ng nakaratay sa kamang yan." nakangising turan nito dahilan para namutla ako.

Isang buwan? Isang buwan na akong nakaratay rito? Pero sandali...

Bakit parang ibang tao ang pagtukoy niya sa sarili niya? Bakit parang—

Parang hindi siya si Josefa na siyang kausap ko kanina?!

Nahihintakutang napausog ako palayo rito.

"Shi— oo ahh!"

'Sino ka?' sigaw ko rito dahilan para mapahalakhak lang ito.

"Masyado ka naman atang takot sakin, Demetria? Hindi ba't tatlong taon mo rin naman kaming nakasama ng mama Josefa mo? Bakit pakiramdam ko'y mas gusto mo pang kasama si Josefa na minsanan mo lang naman makasalamuha? Porke ba animo'y tinatrato ka nito ng tama?" sarkastikong sabi nito tsaka may kinuhang syringe sa bulsa nito dahilan para lalo akong mamutla at makaramdam ng panginginig sa takot mula rito.

Sino bang hindi matatakot? Si Josefa— yung mama Josefa o kung sino pa man ang tawag sa katawang siyang nakasama ko noon, isa lang ang masasabi ko. Isa siyang baliw!

Kung baliw si Martina sa pagpatay ay masasabi kong kalahati lang ang pagkabaliw ni Martina kumpara kay Josefa na hindi ko maapuhap ang takbo ng utak.

Mabuti pa si Martina at animo'y may trigger point lang sa sentido. Pero itong si Josefa? Animo'y isa itong baliw na bigla-biglang nagpapalit ng pagkatao!

Ano ba namang mundo 'tong meron ako. Wala ba talagang normal sa mga taong nasa paligid ko?

"Hmm. Mukhang pampalakas 'tong gamot na dala ni Josefa para sayo ah?" animo'y nag-iisip na ani nito habang tila sinusuri ang laman ng syringe na hawak niya.

Maya-maya pa'y kumibit balikat ito. "Nevermind. You don't need this thing, Demetria. Mamamatay ka kung mamamatay ka. Papaniwalain ko nalang si Josefa sa ganong paniniwala." sabi nito bago tinungo ang basurahan sa gilid ng kwarto at maingay na tinapon niya ang syringe doon.

"Ay oo nga pala." nakangiting humarap itong muli sakin na animo'y may naalala. "Gusto ko lang sabihin sayo na Centenary ang tawag sa lugar na to. Ang lugar na pinamumunuan ni Josefa. Kaya sakali man, huwag ka ng mag-aksayang tumakas pa. Tsaka isa pa pala! Hindi ko parin nagagantihan ang Martinang yon. Magmula kase nung mawalan ka ng malay ay si Josefa nalang palagi ang nagko-kontrol ng katawang 'to. Kaya nama'y wala akong t'yansang harapin si Martina. Pero huwag kang mag-alala. Dahil pinangako ko na sa mama Josefa mo na gagantihan ko si Martina, sisiguraduhin kong mangyayari 'yon. "

Sandali itong muling tumingin sa basurahan na tinapunan niya ng gamot bago siyang muling naglakad pabalik sa pwesto ko. Pagkatapos ay ngumisi muna sakin bago ako nito tinabihan sa kama at nahiga rin.

" Matutulog na muna ulit ako, Demetria. Hanggang sa muli nating pagkikita." malambing sa sabi nito sakin bago ito tumagilid patalikod sa pwesto ko.

Ilang sandali ko pang kinalma ang kabado kong dibdib. Hanggang sa ilang minuto lang ang lumipas ay naramdaman ko ang muling pagbangon niya sa tabi ko.

Tahimik itong umupo. Bumaba ito ng kama at pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin. Ilang sandali lang ako nitong tinitigan bago ito naglabas ng isang syringe mula sa bulsa nito tsaka iyon sinuring mabuti bago tinusok sa ugat ko sa pulso ng kaliwang kamay. Pagakatapos nitong gawin yon ay tumalikod na ito at tahimik na lumabas ng kwartong yon.

Mabilis lang ang mga nangyari. Ngunit kanina, nung sandaling makita ko ang malamig nitong mga matang nakatuon sa akin, doon lang ako may nakumpira.

Si Josefa Lavigne...

May iba't ibang katauhan ang katawan niyang iyon at masasabi kong hindi lang isa o dalawa ang naroon. Dahil marami. Marami sila.

I am a Huntres (HIATUS!)Where stories live. Discover now