Chapter XVI

31 1 0
                                    

Dahil Sabado, umaga ang klase ngayon ni Sela. Kaya lang wala naman silang prof sa third period kaya napagpasyahan ng ibang kaklase niya na tumambay sa bagong bukas na karaoke booth sa isang mall. May discount raw dahil opening.




"Sama kana ghorl, minsan lang naman. Para bonding na rin," si Lula na kaklase ni Sela habang hinihila ang sleeves niya.



"Oo nga. Kahit hindi kana mag-ambag sa rent fee. Pretty please?"



May nagsecond the motion naman kaya nagpatianod na lang si Sela.



"OMG! Sinong nakabingwit ng gwapong lalaki na 'yan!"




Kilig na sigaw ng isang babaeng kaklase. Napatingin tuloy lahat sila sa direksyon ng lalaki. Sela's heart became frantic.




Anong ginagawa ng lalaki na 'yan dito?!




There standing like a dazzling prince charming, near the school entrance was Arthur. A bouquet of flowers on his hand. Nakatingin pa ang gago sa direksyon niya.




Mabilis na inalis ni Sela ang pagkapit ni Lula sa kanya. Agad siyang nagpaalam sa grupo na may gagawin. It was a good thing na nasisilaw pa sila sa kagwapuhan ni Arthur at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasama niya kaya nakaalis siya nang walang tumitigil.




Habang naglalakad palayo, minumura niya si Arthur sa isipan niya. Bakit ba kasi naghahanap pa ito ng problema? Gets na niya ang sitwasyon kaya kusa na siyang umiiwas. Ayaw niya maging extra sa lovestory ng dalawang taong meant to be! Pero ang loko gusto yata mamangka sa dalawang ilog!




"Yuck. Diba kanina pa siya riyan sa loob?"





May nasagap na tsismis ang tenga ni Sela. Mahigit kalahating oras na siyang tumatambay sa loob ng restroom. Oo nagtatago siya. Nakaupo lang siya roon sa cubicle habang naglalaro ng word puzzle. Buti na lang abot sa restroom ang pinagmamalaking free wifi ng school nila.





"Sinabi mo pa! Like it's super gross baka hindi niya ma-ire sa sobrang laki ng... ew! I can't even say it."



Nagpantig ang mga tenga ni Sela sa narinig na tawanan. Siya ba ang tinutukoy ng mga bruha? Is it a crime kung tumae siya? Eh tumatambay lang naman siya dito in the first place!





Tumayo siya at inayos ang sarili. Nabigla pa ang mga binti niya dahil medyo nag-numb ito sa pag-upo niya nang matagal. Lumabas siya ng cubicle at hinarap ang mga bruha.




They were crowding the sink and mirror kaya sinadya niyang isiksik ang sarili sa gitna nila. Basing on their IDs, mula tourism department ang mga ito. No wonder ang kakapal ng nga make-up at ang aarte pa. Kilala kasing OA ang mga tourism students sa university nila. Number one hater at basher niya. Ewan niya kung bakit. Madalas siyang gawing thirdparty ng mga bruha tuwing may mga break-ups.





She washed her hands slowly. "Nakaka-drain pala ng energy ang---"




"Ew no stop it!"



"Shut up. We don't want to hear it!"



"Let's go girls. I can't bear the smell anymore."



Tuluyan ng umalis ang mga clown sa CR. It was peaceful once again. Pero naiwan ang matapang na perfume nila.



"Ang aarte. Sasabihin ko lang sana na nakaka-drain maglaro pero iba agad ang nasa isip. Hmp! Mga judgemental."



"Parang ikaw lang. Judgemental."



"Ayyy naku po!"



Napahawak sa dibdib niya si Sela dahil sa gulat. Tumingin siya sa doorway at nakita niya doon si Arthur. Dala pa nito ang bulaklak.



Pinaglihi ba ito sa kabute at sumusulpot na lang ito kung saan-saan?


"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis?"



Arthur did not answer her question. He directly shoved the flowers to her kaya walang nagawa si Sela kundi tanggapin ito. Hindi pa rin ito nagsasalita at bigla na lang siyang hinagit palabas ng restroom.



"Sandali lang! Saan ba tayo pupunta? May klase pa ako ng 3 pm."



Natatarantang sabi ni Sela kay Arthur. Hindi siya pwede magskip ng klase. Lagot siya kay prof Romero!



"Sa lugar kung saan hindi ka makakatakas sa akin," ang tanging sagot ni Arthur sa kanya.




"Huh?"

Not Like the MoviesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora