Chapter X

31 2 0
                                    

Sa nakalipas na mga araw sa likod ng restaurant na si Sela dumadaan. Simula nang mapansin niyang parating nakaabang si Arthur sa kanya sa harapan ng restaurant.


Hindi siya nag-assume. Narinig niya mismo isang araw nang nagtanong ang lalaki kina Beth at Teri patungkol sa kanya. Gusto raw siya nitong ihatid. Agad siyang nag-U turn at sa likod na dumaan.


Arthur looked decent. But may gut feeling talaga si Sela about him. It was telling her not to get involve with the likes of him. Granted na tinulungan siya nito one time but she still got the feels.



"So this is your alternate route," a familiar voice said.


Si Arthur!


Muntik nang matapilok si Sela buti na lang hindi siya gaanong lampa. Nakasandal pa si Arthur sa hood ng kotse nito.


Sela schooled her shocked face.



"Arthur, ba't dito ka nagpark? Parking space 'to ng botique hindi ng restaurant."


"Yes. You're right," simpleng sagot nito. "I'm a client that's why I parked my car here obviously."



Tama nga naman. Mali siya. This time, aminado si Sela na nag-assume siya.



Inayos ni Sela ang ilang takas na buhok. "Oo nga naman. Um... sige ah, una na ako. I still have class."



"Good. Sabay kana sa'kin para hindi ka na hassle magcommute." Sabi nito habang nilalaro ang susi ng kotse.



"No, hindi na. Abala pa sayo kasi sa south ka diba ta's doon naman ang university ko?" sabi niya sabay turo sa direksyon ng university. Hindi yon convenient kay Arthur. Magkaiba ang direksyon nilang dalawa.



Tumuwa lang si Arthur at pumasok na sa loob ng kotse. Binuksan nito ang pinto at sinilip si Sela sa labas.



"Hindi ka abala. Convenient nga eh dahil may event akong pupuntahan sa hotel malapit sa university niyo. C'mon, baka malate tayo pareho."



Strike two na si Sela sa pag-assume. Aarte pa ba siya?



Sumakay na si Sela at agad namang pinaandar ni Arthur ang kotse.



"I picked up my suit doon sa botique at sakto namang nakita kita." Arthur explained.



It was actually an unexpected meeting. Alam niyang iniiwasan siya ng dalaga kaya laking pasalamat niyang nakita ito. May excuse siyang ihatid ito sa school.



Tango lang ang sagot ng dalaga. Hindi nga niya sinulyapan si Arthur. Para tuloy siyang snob. Ang totoo niyan, nahihiya siya kay Arthur. Madumi ang damit niya at feel niya nangangamoy pawis pa. She did not even bother combing her hair. Kahit powder sa mukha hindi siya naglagay. Plano kasi niyang sa school na mag-ayos. Sino bang mag-aakalang sasakay siya sa mamahaling kotse ni Arthur? She seemed out of place inside his expensive car.



"Hey, are you okay?" Arthur inquired. Napansin kasi niyang hindi komportable si Sela sa tabi niya.



"Let me adjust the AC, mukhang naiinitan ka eh."



Napangiwi si Sela at nagpasalamat na lang. "Thank you."



Arthur was doing small talk. Samantalang naging robot naman bigla si Sela. Naging isang tanong-isang sagot ang dating ng pag-uusap nila. Laking pasalamat ni Sela nang dumating na sila sa gate ng university.



"Thank you for the ride," she said in small voice while removing the seatbelt.



May gusto pa sanang sabihin si Arthur pero nakalabas na ang babae. He frowned.





"Was she uncomfortable with me?"

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now