Chapter XV

29 2 0
                                    

"Uhm hi! Are you one of the servers here?"



Maarteng tanong ni Denice kay Sela.




"Ah yes po. Sorry. You can choose to sit over there po," Sela suggested politely sa pan-apatang mesa.




Pandalawahan lang kasi ang table ni Arthur.




"I'll just get the menu for your orders."




Kaswal na nilingon ni Sela ang bagong customers. They were heading to the table she suggested. Bumuntong hininga siya at kinuha na ang menu.




"Sino ang mga kasama ni Sir Miguel?" Tanong ni Teri sa kanya habang inihahanda ang mga orders.




Si Arthur ang tinutukoy nito. Miguel ang tawag nina Teri at Beth kay Arthur hango sa paborito nilang character sa TV.



"Mother niya," she answered. While they're ordering kanina she heard him called her 'mom'.




"How about the other one? Yung mukhang mataray na plastikada?"





Naalala ni Sela na tinawag nitong sweetheart si Arthur.




"Girlfriend niya yata."




Padabog na inilapag ni Teri sa tray ang isang bandehadong seafood special.




"Girlfriend?! Akala ko ba nangliligaw yan sa'yo?! Langya ah!"




Hindi maintindihan ni Sela kung bakit nakaramdam siya ng disappointment. Sa una pa lang alam niyang hindi naman seryoso sa panliligaw si Arthur sa kanya. Bakit may kirot sa puso niya?




Sela placed the orders on their table. Habang ginagawa niya iyon she could hear Denice talking animatedly. Madilim ang mukha ni Arthur samantalang nakangiting nakikinig ang ina ni Arthur.





"Tita, Arthur and I are really match made in heaven. Pareho pala kami ng taste sa mga restaurant. Initially, gusto ko siyang dalhin dito but he said he was busy that's why I asked you out instead tita para naman maexperience natin both ang ganda dito. And what a coincidence! I can't believe madalas din pala dito si Arthur."





Hindi sumagot si Arthur kaya si Ynah na ang nagsalita.





"Son you should spend more time with Denice. In that way mas makikilala ninyo ang isa't isa."





"Mom, hindi namin kailangan kilalanin pa ang isa't isa." tugon nito sa matigas na boses.





Napansin ni Sela ang pagtitig ni Arthur pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.




Tumawa si Denice. "You're so funny talaga Arthur. Tama ka nga naman we don't have to! Because we practically grew up together. We know each at the back of our hands."





Tapos nang ilagay ni Sela ang lahat ng pagkain at ayaw niyang makinig pa sa usapan nila kaya nagpaalam na siya. Pero tinawag siya ni Denice.





"Wait!"





Hinanap ni Denice ang nametag ni Sela.





"Sela right?" tanong nito at tumango naman si Sela.





"Gusto kong umorder ng red velvet for take out. Favorite kasi 'yan ni Arthur."




Hindi mapigilan ni Sela ang pagtaas ng kanyang kilay. May pagka-atribida rin naman kasi ang mga kilay niya.





Hindi red velvet ang favorite ni Arthur. Cheese cake! Yan ang favorite dessert niya!





Gustong sabihin 'yon ni Sela. Pero ano nga ba ang alam niya? Sabi nga kanina ni Denice, in her overly sweet voice that they practically grew up with each other. Malay ba niyang nagpapanggap lang ito na cheese cake ang paboritong desert nito gaya ng nagpanggap itong nangliligaw sa kanya!





"Sige po ma'am," ang tanging sagot niya at tuluyan nang umalis. Pero hindi niya kinalimutan mag-iwan ng pekeng ngiti kay Denice.





Buti na lang naging busy na si Sela sa ibang customers. Ayaw na niyang makita ang sinungaling na si Arthur. Naalala pa niya kung paano sila nagkwentuhan noong isang gabi habang hinihintay ang pagtila ng ulan.






They talked anything under the sun. Akala niya unti-unti na niyang nakikilala ang binata. She thought Patrick would no longer be alone in her exception list. 'Yon pala niloko lang siya nito. He's not sincere. Ginawa siyang playtime sa spare hours nito!




"Sela! Just give me a minute," habol ni Arthur kay Sela.




She rolled her eyes. Bitbit ang dalawang itim na garbage bags, hinarap niya si Arthur. Lumabas siya upang itapon ang mga basura at hindi niya akalaing sinundan siya nito.



"Ano?! Kung may sasabihin ka sabihin mo na dahil nagmamadali ako."




"Sorry kung hindi natuloy ang dinner natin. I did not expect mom and Denice would be here."




Humigpit ang hawak niya sa garbage bag. It seemed like her life was depended on it.





"Hindi na kailangan. Umalis ka na baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."





"Girlfriend? You mean Denice?!"




Hindi sumagot si Sela at tinalikuran si Arthur. Ngunit mabilis na hinawakan ng binata ang braso niya.




"She's not, okay? Si mom lang ang may gusto na maging girlfriend ko siya----"




"Arthur what's happening here?"





Both of them looked at the direction where the voice was coming from.




"Denice is waiting for you. You have to drive her home."





It was Arthur's mother.




Lumapit sa kanila si Ynah. Iba ang tingin na ipinukol nito kay Sela. Sela wanted to disappear and escape her piercing gaze. Naalala niya bigla si Madam Soñia. Ganito rin kasi ang ginawang pagtitig ng ginang kay Angela sa palabas. How ironic.





Binitiwan ni Arthur si Sela.





"Mom I want you to meet Sela. Sela my mom."




"Of course I know her... she's the waitress who had served us right?"




May sasabihin pa sana si Arthur ngunit inunahan na siya ni Sela.





"Sige po ma'am. Itatapon ko lang po itong basura. Thank you for eating and come again po."



With that mabilis pa sa kidlat ang pag-alis ni Sela.

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now