Chapter IX

28 2 0
                                    

"It finally dawned on me na final na talaga ang decision mo," si Patrick kay Sela.

Prenteng nakaupo ang lalaki sa couch habang naglilinis naman si Sela ng sahig. Always siya sa condo ni Patrick para maglinis at magdry clean. Extra source of income niya. Hindi naman talaga makalat na tao si Patrick kaya sometimes naiisip ni Sela na hindi na siya kailangan pa. On Patrick's part, he offered this job to her para hindi na maghanap ng ibang trabaho si Sela.

"Mabuti naman nagsink in na sa'yo ang lahat," sagot ni Sela. "Napagsabihan na ako ni Prof Romero. Ayaw ko na."

"Pero pwede naman siguro na ako na lang, 'wag na yong iba. Parang secret natin ganon. I'll even pay you more."

Binato ni Sela ng basahan si Patrick.

"Ikaw ang kulit mo! Isa pa, malaki na nga 'tong binabayad mo sa paglilinis ko dito sa condo. Mag-aral ka na lang ng mabuti para hindi ka pag-initan ng mama mo."

Patrick sighed. He looked up and stared nothing in particular. Plain ang kisame niya.

"Mom will surely skin me alive. Hindi ako magaling sa acads noon pa man, so how can she impose on me na maging magaling sa studies ko? Honestly, I don't give a damn sa company namin. I just want to do my own thing."

Lumapit si Sela at tinabihan si Patrick. She copied his position. Wala namang interesante sa kisame niya.

"Then do your thing. Hindi mo man sabihin sa'kin I know your fascination when it comes to music. Kunwari ka pang may hinaharana sa school, eh ang gusto mo lang naman ay tumugtog at kumanta. Ayan tuloy maraming sawi dahil sayo."

"Damn Sela, you really are something."

"You're not hard to understand Patrick. It's just that you wont let people have the chance to know you. And your secret stack of Beatles tape gave you away. Halata kaya. Sobra."

Patrick stared at her fo a long time. Kung pwede lang sana. Pero alam niyang hindi pa handa si Sela.

"Oh tahimik ka bigla. Ganda ko no?" Sela teased to chase off the awkwardness in the air.

"Pangit ka. Kaya nga ni minsan hindi kita pinormahan."

"Sabi mo eh," tumayo na si Sela at tinuloy ang paglilinis. "Payag na ako."

Patrick frowned. "Payag saan?"

"Sa offer mo kanina. Mayaman ka naman so I'm sure may pambayad ka sa exclusivity ko. But let's do this the right way. Yung legal kumbaga."

"Legal? Gusto mong magkaroon tayo ng contract?" Tanong ni Patrick na naguguluhan.

Tumawa siya. "Sira! Kung noon binabayaran mo ako dahil ako taga-gawa ng school papers at project mo, ngayon babayaran mo ako bilang private tutor mo. What do you think?"

Patrick thought for a while. It was a sound suggestion. Acceptable.

"And one more thing, you can do music while studying. I'm sure you'll manage just fine."

"Sige na nga! Afford ko naman ang fee at mukhang nangangailangan ka talaga. So yeah, let's do it the hard way. And from this moment on, ikaw na lang din ang haharanahin ko."

Sela rolled her eyes. Magbago man lahat ngunit hindi ang kakulitan ni Patrick.

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now