Chapter XII

30 2 0
                                    

Days passed at naging lantaran na ang pangliligaw 'daw' ni Arthur kay Sela. He would drive her to school and bring her food. Kinikilig nga ang mga katrabaho ni Sela sa mga nangyayari. But Sela refused to bend. She's not impressed and she's very sure that Arthur was not genuine about it. May gan'on ba kabilis magkagusto?


"Ayaw kong ihatid mo ako, okay? Hindi kita driver."


Matigas na sabi ni Sela. Bukod sa ayaw niyang makaabala, gusto niyang klarohin kay Arthur na hindi siya nagpapaligaw.



"C'mon, gusto lang naman kita ihatid sa apartment mo," Arthur said. "Besides, it looks like it's going to rain."



He's right. Umulan kanina at mukhang uulan ulit. Pinairal na lang ni Sela ang pagka-practical at sumakay na sa kotse ni Arthur.



And as if the universe was conspiring, the rain started to fall.


"At umulan na nga," komento ni Arthur.



Tahimik lang si Sela. Marami siyang iniisip at hinayaan naman siya ni Arthur. Palakas nang palakas naman ang buhos ng ulan. May hinuha si Sela na bumabaha na sa kanila.



"Ibaba mo na lang ako dito," sabi ni Sela nang mapansing mataas na ang tubig sa daan.


"Kapag pumasok ka pa sa street namin, I'm sure mas malalim na ang tubig doon. Baka mapano pa ang kotse mo at tumirik."


"Well it's raining hard now. Halos wala na akong makita."


Napaisip si Sela. "Naabutan na tayo ng baha. Hintayin na muna natin humina ang ulan. Pwede ka sa apartment ko maghintay... kung okay lang sa'yo?"



"Safe ba iwan ang kotse ko dito?"



"Safe doon," turo ni Sela ang isang medyo elevated na lugar.


"Ako na," saad ni Arthur sabay kuha sa payong ni Sela. Matangkad kasi ang lalaki at medyo hirap si Sela sa pagpayong sa  kanilang dalawa.



Pilit kinasya ang katawan nilang dalawa sa payong ni Sela. Basa ang mga balikat nila pareho. Umakbay si Arthur kay Sela at hinapit ito palapit sa kanyang katawan. Nang dumampi ang malamig niyang pisngi sa dibdib ni Arthur, nakaramdam ng kakaibang damdamin si Sela. She felt secured. And because of that uninvited feeling bahagya siyang lumayo. Pero hinapit lang siya ulit ni Arthur.



"Huwag kang masyadong magalaw para hindi ka mabasa."



So she just let him held her.



Sinuong nilang dalawa ang ulan at baha at nang marating nila ang apartment ni Sela, basang-basa na si Arthur. Umakyat na sila sa second floor kung nasaan ang apartment ni Sela.



Lumiwanag ang kwarto at inilibot ni Arthur ang paningin sa loob. It's a very small studio type apartment. Mas malaki pa ang kwarto niya nang maraming beses sa tant'ya niya.



Inilapag ni Sela ang bag sa all in one mesa niya na korean inspired. Pinili niya ang table na 'to para di na sya bumili pa ng upuan. Super sulit naman ang pagkakabili niya dito kasi kumakain, nagluluto at nag-aaral siya sa mesang ito. Kaya all in one.


"Sorry ha kung makalat, hindi pa kasi ako nakapaglinis."


Bukod sa bag, may rice cooker at mga libro rin sa mesa. May mga damit ding kailangan tiklopin sa kama niya.



"Dito pala ang banyo... halika para makapaghugas ka ng paa. Heto towel gamitin mo."


"Thanks. Ikaw? Basa ka rin."


"Pagkatapos mo, sige na."

Not Like the MoviesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin