Chapter VI

30 2 0
                                    

"Hindi ko na to matiis," bungad ni Teri sa kanya nang magkita sila sa may supply closet.

Naghahanap ito ng dishwashing soap. Ito kasi ang naka-assign sa paghuhugas. Salitan sila sa pagiging waitress at dishwasher.

"Bakit ba, anong hindi mo na matiis?" tanong ni Sela. Siguro magkukwento na naman ito tungkol sa inaabangan nilang teleserye.

"Bakla may bago tayong suki na gwapo at mayaman, alam mo yon! Apat na beses na siyang pumupunta dito. Di lang yon... parati pang nakasunod ang tingin sayo! Tingin mo siya na ang Miguel Del Ferro mo?" kinikilig na kwento ni Teri kay Sela. Para itong bulating nabudburan ng asin.

"Anong Miguel del Ferro, ano ako si Angela?"

"Oyyy," Teri teased sabay sundot sa tagiliran ni Sela, "so naniniwala ka ring magkakatuluyan si Miguel at Angela?"

Umismid si Sela. "What do you think? Ganon naman ang mga teleserye diba? Dumanak man ang napakaraming dugo, pagkatapos ng kidnappan, magkakatuluyan pa rin ang mga bida sa huli!"

"Well, you're right. Hay naku, ikaw na ang magserve doon sa table niya ha. Para mameet mo na ang 'Miguel' mo."

"Baliw kana Teri. Sige balik na ako mukhang magiging busy tayo ngayon."

Sela went to 'Miguel del Ferro's' table to serve the dessert. At tama si Teri gwapo ang lalaki at halatang mayaman.

"Your dessert sir. Would there be anything else?"

Mataman na nakatitig ang lalaki kay Sela. Medyo hindi siya komportable sa tingin na pinupukol sa kanya. Parang may halong galit na panghuhusga ang pagtitig nito sa kanya. But she did not avoid his intense gaze though.

"No, but thank you for asking."

"Weird." Sela mumbled to herself while walking away.

Alas 9:30 na ng gabi nang makalabas sa restuarant si Sela. Nag-over time kasi siya dahil wala siyang klase ngayon. She just decided to walk dahil puno na rin naman ang mga jeep.

Nafeel niyang nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa. May nagsend ng text.

Sela? Di na ba talaga pwede?

Kailangan talaga kita ngayon! Huhuhu

Hindi na talaga pwede. She declined them outright if they asked. May willing na magbayad ng doble pero tinanggihan niya pa rin.

Habang iniisip ang susunod niyang diskarte para kumita ng extrang pera ay may biglang humablot ng bag niya.

"Magnanakaw! Tulong!"

Paulit-ulit na sigaw ni Sela habang hinahabol ang snatcher. Nandon pa naman ang sweldo niya this month!

Pero ni isa walang tumulong sa kanya kaya nagpatuloy siya sa paghabol doon sa lalaki. Palayo na nang palayo ang magnanakaw at nagbe-blend na ito sa mga tao . Hanggang nawala na nga sa paningin niya ang magnanakaw.

Hinihingal siyang umupo sa gutter ng kalsada.

"Ang pera ko... wala na."

Sinapo niya ang mukha at hindi napigilan ang sariling umiyak.  The last time she cried was when her mother died. But she couldn't help but cry right now. Pinagtitinginan na rin siya ng mga taong napapadaan sa kalye. Never in her life she felt so hopeless and defeated.

She felt a shadow before her. Unang bumungad sa mga mata niya ang dalawang makintab na pares ng itim na sapatos na halatang pangmayaman.

Hindi niya ito afford that's for sure.

Itinaas ni Sela ang paningin. And she met the gaze of his dark cold eyes.

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now