Chapter I

68 2 0
                                    


"Layuan mo ang anak ko! Isa ka lang hampaslupa at hindi ikaw ang babaeng nababagay kay Miguel."

Ani ng ginang na matalim na nakatitig sa kanya. Nanatiling tahimik ang pobreng babae at may luhang nagbabadyang papatak sa maamo nitong mga mata.

"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong nito. "Baka naman sapat na ito para tigilan mo na ang anak ko."

May inabot itong tseke.

Mataman itong tinitigan ng babae.

"Hindi ko ho kailangan ng pera Madam Soñia," sagot nito. "Pero lalayuan ko si Miguel dahil alam kong yon ang nararapat. Kaya huwag na ho kayong mag-alala."

Halata ang gulat sa mukha ng matanda hindi nito inaasahan ang tugon niya.


"Sana makatagpo ng babae si Miguel na magmamahal sa kanya katulad ng pagmahahal ko.  Kaya kong isakripisyo ang sariling kaligayahan dahil alam ko kung gaano kayo kamahal ni Miguel at ayaw ko siyang makitang mahirapang mamili sa ating dalawa. At alam ko rin na mahihirapan lang siya kapag ang tulad ko ang mamahalin niya. Simple lang ang hiling ko, bigyan niyo pa ho ako ng konting oras na makasama ang anak niyo at pagkatapos non mawawala na ako na parang bula."


Parang may kumurot sa puso ng ginang.  Naalala niya ang sarili sa babae. Kahit mayaman siya hindi siya kailanman nagustuhan ng mga in-laws niya.


"Sige pagbibigyan ko ang gusto mo."


Tumayo na ang dalaga.

"Hangad ko ang kaligayahan ninyo Madam Soñia."


Naglakad na palayo ang dalaga at naiwang  nakatitig sa tseke ang ginang. Kailan ba siya lumigaya?



Tumugtog na ang theme song ng dramang pinapanood nila Sela at mga katrabaho niya sa restaurant. Wala munang nag-react sa palabas dahil hindi pa sila nakakapagmove on sa mga pangyayari sa paborito nilang teleserye.


"Hay naku nakakainis! Ganon na lang?" reklamo ni Teri sa napanood na episode makalipas ang ilang segundong katahimikan. Naiinis siya.


"Give up na lang?"


Libangan na kasi nila ang manood ng replay online kasi hindi naman swak sa schedule nila ang timeslot ng teleserye. Kaya heto sila ngayon nagkukumpulan habang nakatitig sa mumurahing cellphone ni Teri.


"Naku girl, kung ako rin ang nasa kalagayan ni Angela siguro gagawin ko rin yan! Pero tatanggapin ko ang pera no. Sayang din!" komento naman ni Beth.


"Ikaw Sela, anong gagawin mo?" pahabol na tanong ni Beth sa kaibigan.



Inayos ni Sela ang apron niya at tsaka nagsalita. "Simula pa lang hindi na sana siya nain-love kay Miguel na isang mayaman. Kita niyo naman ang daming hadlang. Kaya ako, hindi talaga ako fan ng mga ganyang love story. Di bale ng mainlove sa isang janitor."


"Ang bitter mo rin no sis, hindi naman lahat ng mayaman matapobre. Ang ganda kaya ng ganyang story pang fairytale," saad naman ni Teri na halatang hopeless romantic.


Pero iba ang opinion ni Sela sa ganyang tipo ng lovestory. Hindi lang sa teleserye nangyayari ang ganyang tagpo. Biktima rin ang ina niya.  Noon kasi, aksidente niyang narinig ang pag-uusap ng mama niya at ng bestfriend nito noong highschool pa lamang siya.



Kaya pala wala siyang kinagisnang ama dahil maski ama niya hindi alam na nag-eexist siya sa mundo. Hamak na maid lang ang mama niya sa pamilya ng papa niya at dahil maganda ang mama niya at maalaga, nahulog ang loob nito sa kanyang ina. Pero nang nalaman ng mama niya na ikakasal pala sa ibang babae ang papa niya ito na ang kusang lumayo dahil alam niyang kayang sirain ng mga mayamang magulang ng iniibig niya ang kanyang buhay.



Kaya kahit fifteen palang siya noon, ipinangako niya sa sarili na hindi siya iibig sa isang mayamang lalaki. Kaya hindi talaga siya kinikilig sa ganyang story na naiinlove ang mayamang lalaki sa mahirap na babae. Masyado nang gasgas. Isa pa maraming hahadlang sa ganyang klaseng pag-ibig.


"I'm just being realistic. Sa panahon ngayon hindi na uso ang pag-ibig."


"Eh hindi ka pa kasi naiinlove. Kakainin mo rin yang sinabi mo pagnakita mo na si Mr. Right," tugon ni Teri.


Umismid na lang si Sela. Kung darating man ang panahon na maiinlove siya, sana naman hindi ang katulad ni Miguel ang magugustuhan niya. Para sa kanya nakapakomplikado mahalin ang mga lalaking gaya nito.

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now