Chapter III

38 2 0
                                    

Kahit pagod na ang mga paa ni Sela sa trabaho kanina pinilit niya pa ring maglakad. Short siya sa pamasahe kaya wala siyang option kundi maglakad papuntang university.

Tuwing gabi, nag-aaral siya sa kursong education. Sa totoo lang gusto niya talagang maging doctor kaso mas mataas na panahon ang kailangang gugulin para doon. At mahal ang med school hindi niya kakayanin sa hirap niyang 'to. Hirap na nga siya sa gastusin kahit mas mura ang tuition ng education dahil scholar siya. Ang pagdodoktor pa kaya?

May humintong pulang sasakayan sa tabi ni Sela. Dumungaw sa bintana ang isang lalaking nakangiti.

"Hey Sela," bati ni Patrick. Isa sa mga mayamang 'client' ni Sela na naging ka-close niya.

"Sa university ba ang punta mo? Sabay ka na dito."

Ngumiti si Sela. "Ang alam ko, morning ang class mo. Anong gagawin mo sa school tonight?"

"I'll explain later basta sakay kana dito."

Nagkibit balikat na lang si Sela. Who declines a free ride? Definitely not her. Sa pagod niya wala na siyang time magpahard to get.

Patrick noticed how worn out Sela looked. Her hair was kinda disheveled and the blackness under her eyes were prominent. Imbes kasi na magpahinga after magtrabaho sa restaurant ay nag-aaral pa ang dalaga. Bilib din si Patrick sa sipag at tiyaga ni Sela.

"Gusto mong kumain muna sandali? May alam akong bagong resto dyan malapit sa school, " yaya ni Patrick kay Sela. "Libre ko."

Humikab muna si Sela bago sumagot. "Hindi na... late na ako sa klase ni maam Polly. Ano nga palang gagawin mo sa school?"

Patrick manuevered the car to the right. Naghahanap ng shortcut.

"How often do you update your social calendar Sela," Patrick said in a teasing tone. "May victory party sa open ground ngayon."

Tumawa si Sela. Social calendar? Ano yon? Wala siyang time para sa mga ganyan.

"Talaga. Sino ba ang nanalo?"

"Basketball team natin. May ilang celebrity supporters din na pupunta kaya sure akong maraming tao ngayon sa school. I doubt if professors will still hold classes."

"Sure akong hindi magka-cancel ng class ang mga professors ko ngayon. Wala yong paki sa mga activities sa school."

"Parang ikaw lang pala," komento nito sabay tawa. Napangiti na lang si Sela.

Mayaman si Patrick, gwapo pero bulukbol sa klase. At 23 hindi pa rin ito graduate sa kursong business management. Kahit presko ito sometimes mabait naman ito sa kanya. Nang makilala siya ni Sela a year ago hindi niya akalaing magiging close sila.

Hindi rin ito nagpapalipad hangin sa kanya gaya ng iba. Friends lang talaga ang turing nito sa kanya. Sometimes nga parang younger sister lang dahil three years ang tanda ni Patrick kay Sela. Ayaw ni Sela makipagkaibigan sa mga mayaman. But Patrick was an exemption to the rule.

"God Sela, live a little! I'm sure you wont fail her subject for an absent," Patrick persuaded.

"You know me, Patrick. I don't have the luxury to party like you rich people do."

Huminto na ang kotse sa parking space ng school. Marami nang naka-park na car kaya tama nga si Patrick na maraming tao ngayong gabi.

"Can't I really change your mind?" Patrick insisted subtly while opening the car door for Sela. Gusto lang naman niyang ipa-experience kay Sela kung paano mag-enjoy sa isang university party. Legit pa dahil approve ng school administration.

Naglakad na papuntang educ building si Sela and she could actually hear the upbeat sound from the open ground not far away. Must be the victory party. Pero itong si Patrick nakabuntot pa rin sa kanya.

"Alam mo Patrick bad ka," sagot naman ni Sela na may halong biro. "Bakit ba kita kinaibigan, eh ikaw kaya ang pinakabulakbol na estudyanteng kilala ko. Bad influence ka sakin!"

Patrick chuckled and placed his arms over Sela's shoulder. "Sela, nakalimutan mo na bang kinaibigan mo lang ako dahil nililibri kita ng food. Takaw mo naman kasi miss patpatin."

He received a glare from her which he found cute. Dahil nakaakbay siya kay Sela, sinadya niyang hagitin ito pakaliwa papuntang open ground.

"Patrick nandoon ang klase ko," sabay turo ni Sela sa kabilang direksyon.

"I know. But we're having a detour Miss Selestina Miranda. You better be ready to party."

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now