Chapter V

32 2 0
                                    

"Selestina Miranda. To my office now."

The authorative voice of professor Romero echoed inside the room while students were rushing out. It was like a death sentence to them when called to the office. Kaya nagtaka ang iba kung bakit pinapatawag ang isang huwarang estudyante sa office nito.

Hindi alam ni Sela kung bakit kailangan siyang kausapin ni Prof Romero sa office nito. Buti na lang may 30 minutes pa siya bago ang next subject niya.

Kalmado siyang umupo sa upuang inoffer ng professor. Mataman siyang tinitigan ng guro at naghahanap ng tamang salita para sabihin kay Sela ang natuklasan.

"Ms. Miranda, I want to tell you a few things... sure there's no doubt that you're a good student and your academic standing is also impressive," hinubad nito ang salamin at tinitigan siya ng diretso, kinabahan si Sela dahil ito madalas ang nangyayari-- pinupuri muna bago bagsakan ng masamang balita- "there are rumors circulating in the faculty about you. And they're far from being nice. If it's proven true Sela, I would be the first one to feel very disappointed with you."

Sela tried her best to appear unaffected. Ano bang pwede niyang sabihin? Na kumapit lang siya sa patalim kaya niya ito ginagawa? She just took advantage of the fact na mga alta ang karamihang nag-aaral sa university nila-- magandang magbayad kahit tamad.

"Alam kong ulila ka na and you're paying for yourself. Hindi madali ang sitwasyon mo at naiintindihan ko 'yon... But you can do better than this, Sela." The last part was said with a motherly tone. Naintindihan ni Sela yon.

"Ano pong mangyayari sa'kin kung mapapatunayan ng school board?"

Tumikhim ang propesora. "Well the good thing is, it's just a rumor. And I doubt students who did transactions with you will show up. Madadamay sila if ganon."

"So please Sela, stop this already. Huwag mong hintayin na magpapaimbestiga na ang faculty sa'yo. It would discredit you. Mawawala sayo lahat pati scholarship and of course your integrity. And I don't want that to happen to one of my brilliant students."

Marahan siyang tumango. Mali nga naman talaga ang ginagawa niya. Buti na lang binigyan siya ng warning ni Prof Romero dahil baka mawala nga sa kanya lahat. Now she understood the gravity of what she's doing. Akala niya okay lang. Hindi pala. Ngayon maghahanap na lang siya ng ibang pagkakakitaan.

Lumabas na siya ng office ni professor Romero at bumuntong hininga. Simula nong mamatay ang mama niya 3 years ago, pilit niyang kinaya ang buhay. Pahinto hinto ang pag-aaral niya ng kolehiyo dahil sa kawalan ng pera. Hindi rin naman siya kumukuha ng full load dahil may trabaho siya kaya matatagalan pa bago niya matapos ang kursong education.

"Kailangan kong magtapos. Kakayanin ko 'to."

Kakayanin niya. She always have had.

Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now