Chapter Twenty

262 8 0
                                    

Chapter Twenty

The past few days were fine. Maliban nalang sa nakakapagod na gawain sa school. Today is saturday, at gaya ng napag-usapan namin nila Mika, manunuod kami ng tune up ngayon.

Maaga akong nagising dahil kadalasan maaga ang laro ng mga volleyball player. I wear a sweat pants and a black shirt then paired it with a sneakers after I took a bath. Nag-suot din ako ng mga hikaw at relo, at naglagay ng liptint at powder and good to go.

Pagbaba ko ay naabutan ko sila mommy sa dinning table at inaya nila ako kumain.

"Sweetie, kain ka muna." Aya sakin ni mommy.

Umiling ako, "Sa labas na ako magbe-breakfast Ma. Baka magkayayaan kami na kumain ni Ria." tumango siya at lumabas na. Sakto naman na nasa harap na ng gate si Dior.

"Good Morning!" bati ko pagsakay ko. He is wearing his jersey short and a school shirt. May headband din sa ulo niya, the one I meantioned before. Hindi siya nakasalamin, pero medyo iba kulay ng mata niya. Contact lense siguro.

"Morning." he simply said and we drove off.

"Saan ba tune up niyo?" I am fidgeting on my phone.

"Sa court malapit sa school niyo." tumango ako.

Our drive went silent. I'm still sleepy dahil late na ko nakatulog kagabi dahil sa pinapanuod ko na kdrama. Tyaka hindi ako morning person. I yawned and I heard a familiar song.

I looked at Dior confused. "Twice?"

His reaction is like insulted. He scoffed, "What's wrong with it?"

Tumawa ako, "Wala! You're just not the type to listen in kpop."

"'Wag mo ko tawanan. First time mo ba makakita ng fanboy?" He gave me a side glance.

"Yeah! I mean it's rare." tumawa ulit ako.

"Fan ka din ng twice diba?" Tanong niya.

"Yes, kanino mo nalaman?"

"Dana." I shrugged my shoulders.

We listened to twice's song the whole ride. I can also see him bopping his head when an upbeat song of twice played. At alam niya halos lahat ng lyrics sa kanta! Kulang nalang palitan niya member ng twice.

This man is really unexpectedly surprising. He looked like he's hiding joyful facts about him behind those innocent eyes. And I can't wait to found out what it is.

Pagpasok namin sa court ay nandun na 'yung ibang ka-team mate niya. Kumaway ako kay Dana na nagwa-warm up sa kabilang dulo ng court at nakipag-kamay kay Rafael 'nung nadaanan ko siya.

"Good Morning!" nakaupo na sila Mika, Shaniah at Chloe sa bleachers. Wala pa si Ria. Late nagising.

"Himala ang aga mo nagising ah." Shaniah

"Paanong hindi maaga magigising 'e may taga-sundo." Mika rolled her eyes.

"Inggit ka lang." sabi ko at umupo na.

Nag-aayos na sila ng net and started to warm up afterwards. Dumating si Ria bago magsimula 'yung game.

"What's up madlang people!" bati niya.

"'Wag kang ngi-ngiti ng ganyan, late kang bruha ka." Chloe.

"Sarreh! Galing pa ako kila Harold." umupo siya sa tabi ko.

"OMG! Bakit ka galing 'dun?" sabi ko.

"Oh 'yan ang dumi ng utak mo Samantha. May hinatid lang ako." paliwanag niya.

Crush me, backWhere stories live. Discover now