Chapter Twelve

254 8 4
                                    

Chapter 12

Weeks had passed like a blur. Lalo na at ang daming ginawa sa school. I barely even had a sleep. Graduating kasi kaya madaming ginagawa. 'Yan ang palaging sinasabi ng mga prof namin.

"Napasa niyo na case study niyo?" Tanong ko. Hindi ko na alam uunahin ko. Puro essay tyaka case study. Ka-umay.

"Di pa. Hintayin mo ako, sabay na tayo." Mika. Tumango ako.

Halos wala akong makadaldalan kasi lahat may ginawa. Pati si Ria na palagi kong kausap ay tulog dahil hindi din siya nakatulog kagabi para matapos lang 'yung case study na 'yun.

I opened my phone to search some articles about our topic. Mr. Cariño and I had a discussion about that. Since, puro naisip ko na topic ay tungkol sa environment, he decided to pair me with Ian.

Palagi siyang wala sa klase at tahimik. I'm giving him a benefit of the doubt. Pero kasi sa performance niya sa klase, he is kinda no-no.

Hindi na ako magre-reklamo, at least may ka-partner sa research kesa individual.

Dumating na si Mr. Carino and he instructed us to make the background study of our topic. Wala ngayon si Ian, so it means ako mag-isa gagawa ng research.

"Sam kaya pa?" Shaniah. I gave her a nod. Kaya pa naman. Kaya lang, kung palaging ganto magiging takbo ng research namin, I'd rather be alone.

I scrolled through my phone at naghanap ulit ng related studies na pwede sa topic namin at sinulat 'yung mga important details.

"Uy Sam, crush mo?" sabi ni Marry na katabi ko.

"Ha?" tumingin ako sa hallway.

Our eyes met. Binawi ko ang tingin ko. What the heck? Anong ginagawa 'nun dito? Kinuha ko agad phone at ginawang salamin. Big eyebags, messy hair at ang putla ko. Huhu! Ang panget ko ngayon.

Bumalik ako sa pagsusulat pero nanginging kamay ko. Uncrush na nga 'e. Bakit ganto pa din epekto.

"Hala, papasok siya ditto?" Dana.
Tumingin ako sa pintuan at narinig 'yung katok niya. Halos mawalan ako ng hininga nang unti-unti bumubukas 'yung pintuan.

"Uhm... Excuse me. Si Mr. Cariño?" He calmly asked.

"Wala sa faculty kuya?" Dana

"Wala 'e."

"Si Mr. Cariño lang pinunta mo dito kuya?" Shaniah.

Anong balak neto? Nagkunwari akong nagsusulat.

"Kukunin ko year book ko."

Napatingin ako kay Dana nang hawakan niya ako sa braso ko.

"Hinahanap ka kasi netong tropa ko." Umingay ang room naming, puro pang-aasar.

"What the hell Dana?" I bursted.

I looked at him apologetically and said  'sorry' at bumalik ulit sa pagsusulat. Hindi ko alam ang reaksiyon niya dahil nakayuko ako. Narinig ko nalang na sumara 'yung pinto.

"Hina mo naman Sam. Kala ko pa naman manok kita." Ria

I rolled my eyes, "Nakakahiya kaya. Hindi ko naman na kinakausap 'yun. Ghoster." I said while writing.

"Bat mo naman daw kasi ghinost kuya Dior." Mika.

I paled. Kala ko umalis na siya!

I saw him smirked at umiling. "Sige una na ako." At lumabas na siya ng room.

What the hell was that? Ngayon mas lalo pa na ayaw ko siyang makita. Lakas ng loob magpakita pakatapos mang-ghost.

Pinasa ko na 'yung draft ng background of study na ginawa ko kay Mr. Cariño at uuwi na dahil last subject namin siya ngayong araw.

Crush me, backWhere stories live. Discover now