Chapter Nine

276 7 0
                                    

Chapter 9

I woke up with a massive head ache. Hindi na ako iinom. Hindi ko din alam kung paano kami nakauwi kagabi. Basta lahat kami halos hindi na makapaglakad ng maayos.

Kinuha ko 'yung cellphone ko para mag-message kila Mika na I made it. We were just chatting na naging video call na.

"Hindi na talaga ako iinom." sabi ko habang pinupunasan 'yung muka ko galing sa paghilamos.

"Sinabi ko na din 'yan." Ria

Kinuha ko 'yung toothbrush ko para mag-toothbrush.

"Grabe ka Sam, halos ikaw na nakaubos ng huli nating binuksan." Shaniah

Hindi ko alam 'yung mga ginagawa nila dahil nakatingin ako sa salamin habang nag-to-toothbrush.

Oo, alam kong sobrang lala ko kagabi. Tanda ko lahat ng ginawa ko. Jusko! Parang gusto ko nalang ibaon sarili ko sa sobrang hiya.

"Tss, grabe talaga kala mo siya lang nag-ambag sa ininom natin kagabi para ubusin niya 'yung alak." Mika

Iniluwa ko 'yung residue ng toothpaste sa bibig ko at nagmumog.

"Tanda mo pa ba mga ginawa mo kagabi?" Dana

"Oo." Sabay tawa ko.

"Weh?" halos sabay-sabay na sabi nila.

"Check mo inbox mo." Mika.

Bakit ko naman iche-check inbox ko? Lito man ay ginawa ko padin 'yung sinabi ni Mika. Halos mawalan ng kulay 'yung muka ko sa nakita ko.

"OMG!"

"Wow! Alam daw lahat ng ginawa ampotek." Ria

"Kalat pa more." Shan.

Did I just drunk chatted Dior? What the freak!

Agad kong binuksan 'yung conversation namin para tignan kung may ginawa ba akong mali.

Well–mali naman talaga na nag-drunk chat ako pero, baka may mas malala pa akong ginawa.

Parang dumoble 'yung hiya na nararamdaman ko kanina. Mama! Ano ba itong ginawa ko? Alam na alam na niya na crush ko siya. I said it a couple of times. Tapos 'yung reply niya pa. Huhu, I can't! Wala na akong mukang maiihaharap kay Dior.

We ended our video call. Pero sobrang bothered padin ako sa ginawa ko. I'm so embarrassed that I needed to leave a message to him right now.

Samantha: Hey! Sorry nagulo ata kita kagabi. I was just drunk. Sorry, hindi na mauulit. :)

Halos pikit mata pa akong magta-type at dulo lang ng daliri ako ang dumidikit sa screen ng cellphone ko.

Buong umaga akong tulala kahit nanunuod pa ako ng kdrama. Lesson learned. Ipapahawak ko kila Ria 'yung phone ko kapag mag-iinom ulit kami, or better yet 'wag nalang uminom.

I'm so occupied na halos mapatalon ako gulat ng tumunog 'yung cellphone ko.

August Dior messaged you.

Crush me, backWhere stories live. Discover now