Chapter Sixteen

257 7 0
                                    

Chapter 16

Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba mga prof namin sa sobrang dami nilang pinagagawa samin kahit malapit na midterms namin kaya hindi ko masyado naiisip 'yung mga nangyayari.

Sumabay pa 'yung midterm namin. Halos araw-araw akong nag-rereview para may maisagot ako sa exam namin.

Today is Sunday. At nandito lang ako sa bahay para mag-review ng mga lesson. Nakaupo ako sa coffee table namin dito sa may garden. Medyo nakakasawa na kasi sa kwarto ko dahil araw-araw na akong nanduon.

Nagsusulat ako ng mga keywords sa reviewer ko para madali ko matandaan 'yung mga lesson namin. At nag-memorize ng mga kailangang imemorize.

Alam ko may dadating kaming bisita ngayon, pero hindi ko na tinanong kila mommy kung sino. Mommy is preparing food. May salu-salo daw na magaganap pagdating ng bisita namin.

I am opening my laptop para sa mga lessons na nasa presentation nang makita ko mula sa kinauupan ko ang dalawang sasakyan na huminto.

"What the hell! Anong ginagawa niya dito?" It is Dior and his family.

Lakas ng loob, pumunta dito. Parang walang ginawa sakin.

Nakita ko na lumabas sila mommy at daddy para salubungin sila Tita Cindy. They give each other a 'beso to each other, ang nagkamayan naman sila daddy at Tito Jack. Nagmano naman si Dior kay mommy at daddy.

They talked a little, pero biglang tumingin sa pwesto ko si Dior. Agad akong yumuko, kunwaring binabasa 'yung notes ko. My heart is beating fast. Gaya 'nung unang kita ko sakanya sa school.

I heaved out a sigh 'nung makita ko silang pumasok na sa bahay. Pinaypayan ko naman 'yung sarili ko dahil medyo pinagpawisan ako.

Teka - bakit ako kinakabahan? Ako ba may kasalanan? May ginawa ba akong mali? Ang mali ko lang naman ay 'yung kinausap ko siya. That's it. Muntik na akong mapatalon nang tawagin ni daddy ang pangalan ko.

"Samantha. Itigil mo muna 'yang ginagawa mo, kakain na tayo."
Nagdadalawang isip man, sinunod ko parin 'yung sinabi ni daddy at niligpit 'yung mga gamit ko.

Tahimik ako habang papasok kami sa bahay. Nandito sila Dior, Mommy prepared some food. That means, makakasama ko sa isang kwarto si Dior! Breathing the same air like his.

"Is there a problem?" tanong ni daddy 'nung bumagal ang lakad ko. Umiling lang ako.

Pagpasok namin sa bahay, si Dior agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa one-seater sofa na kaharap ng pinto. Rinig ko naman kaagad ang tawa ni mommy at ni tita Cindy. They are both sitting in the large sofa, katabi ni tita Cindy sa kanan niya si tito Jack.

Nag-iwas agad ako ng tingin nang magtama ang mata namin ni Dior.

"Samantha!" Tumayo si tita Cindy. Agad naman akong lumapit para magmano.

"You look great iha." Puri niya.

"Thank you po." I tucked my hair behind my ear. Nagmano din ako kay tito Jack.

Nagpaalam ako saglit na pupunta ako sa kwarto ko para ibababa 'yung mga gamit ko. Half true, half lie. Gusto ko lang makaalis sa titig ni Dior.
Nagtagal ako ng ilang minuto sa kwarto bago ako tawagin ni manang Rose para bumaba.

I took a deep breath. "Get it together Sam. Pota, bakit ka ba kinakabahan?" I shook my head at bumaba na.

Pagdating ko sa dining table ay kumpleto at ayos na silang lahat. Ako nalang kulang. Umupo ako sa pwesto ko at nagulat ako dahil katapat ko si Dior.

Crush me, backWhere stories live. Discover now