Chapter Seven

290 7 0
                                    

Chapter 7

"Tuys! Awit zone." Sabi ni Raf habang tumatawa.

"Tumal ay! Wala man lang cooperation." ani Mika at nagsibalikan na sila sa mga upuan nila Shan.

Umupo na din ako. Feeling down. Hindi pa nga nakaka-move on sa ex-girlfriend niya. Wala ka ng pag-asa 'dun self, move on.

Focus muna sa goal na maka-graduate this year. Aral muna. Boys doesn't bring any good to our lives.

Grade 12 life is kinda easy in the beginning, pero nung tumagal na para na kaming ewan ng mga kaklase ko.

Sunod-sunod na 'yung mga requirements, pati na din 'yung mga paper works! Tyaka na 'yung minor subject na pa-major ampucha. Mas mahirap pa kesa sa major subjects namin.

Today is our exam, at mayroon kaming 30 minutes break bago namin i-take 'yung next subject. Tahimik 'yung buong room dahil nagre-review kaming lahat.

Naka-earphones ako para makapag-focus ako sa nire-review ko dahil kung hindi mauuwi lang ako sa pakikipag-daldalan.

Maya-maya ay may kumalabit sakin. Hinubad ko 'yung earphones ko.

"Bakit Shan?" nasa likod niya sila Ria

"Panuodin mo 'to." inabot niya sakin 'yung phone niya na may nakakabit na earphones.

"Ano 'to?"

"Basta panuodin mo nalang." kinuha ko 'yung phone niya at nilagay sa tenga ko.

"Happy Birthday Sam! Wish you all the best and God Bless!"

"OMG!" muntik ko na mabitawan 'yung phone ni Shaniah. Pucha! Bakit  nasa cellphone si Dior? Ay mali! Nanginginig ako.

"Happy birthday to you!" Kanta ng mga kaklase ko.

Birthday ko pala! Nakalimutan ko na birthday ko sa sobrang daming ginagawa. Legal age na ako!

"Happy Birthday to you!" kanta nila habang may hawak na cake si Ria.

"Blow mo na ko–I mean 'yung candle!"  Ria.

"Ang dugyot mo talaga." Nag-wish muna ako bago ihipan 'yung kandila.

"Hoy teka! Nanginginig pa din ako. Bakit nasa cellphone si Dior?" takang tanong ko.

"Alam mo Sam, maganda ka 'e pero minsan may pagka-shunga din." Sabay akbay sakin ni Raf.

"Ako may pakana ng birthday greeting sayo ni Dior." Raf

"Ako nanghingi ng video. Sabi niya kapangalan mo daw ate niya." Dana

Then realization hits me.

"Pota alam na niya na crush ko siya!" Tumawa sila.

"Syempre naman boi." Raf.

"I'm exposed!"

"Pero kinilig ka?" Mika

Kunwari nag-iisip pa ako ng sagot.

Crush me, backDove le storie prendono vita. Scoprilo ora