Chapter Six

307 6 0
                                    

Chapter 6

Ilang buwan na ang lumipas simula 'nung Baler trip namin. At pagkatapos 'nun, ay naburyo ako sa bahay namin ng ilang linggo bago magpasukan.

"Ang haba ng pila!" kanina pa itong si Mika nagrereklamo dahil mainit na nga ang haba pa ng pila dito sa registrar para kunin 'yung id namin.

"Usad naman dyan!"

"Bakit kasi gantong oras tayo pumunta? Dapat inaagahan natin." saad ko.

"Malay ko bang ang daming nagtransfer dito ng grade 12."

Matyaga kaming nag-hintay para sa id namin, dahil kung hindi namin ito nakukuha ngayon ay hindi kami papapasukin ng guard bukas.

Kanina pa nakuha nila Shaniah 'yung id nila dahil maaga silang pumunta.

"Yown! Sa wakas nakuha din." sabay suot niya ng id niya.

"Parang audition ng star hunt 'yung pila ah." lumingon sa pilang nasa likudan ko. Palagi namang ganto dito sa school namin, napakahaba ng pila kapag may mga gantong aasikasuhin. Wala ng bago.

"Ikaw ang bituwin na sinusundan." kanta ko habang dinadaan 'yung mahabang pila papuntang room namin.

"Gago." mika

Parang hindi nauubusan ng mura itong bibig nito sa araw-araw.

"Nakuha niyo na id niyo?" Shan

"Yap." sagot ko at umupo sa dati kong upuan.

"May dumating ng Teacher?" Mika

"Wala pa naman." tumango ito at umupo nadin.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang naging palengke itong room namin dahil sa sobrang ingay.

Lahat may bagong chika. Syempre hindi kami nagpatalo ni Ria dahil magkatabi kami. At kanya-kanyang tawa.

Kami-kami padin naman magkakaklase simula 'nung grade 11 kaya komportable na sa isa't-isa.

"Guys ang ingay!" sigaw ni Marry mula sa likod. Sandali kaming tumahimik.


Sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Raf at bumilang ng isa hanggang tatlo. At umingay ulit 'yung room.

Ilang oras kaming tumunganga at nagchikahan dahil wala ni-isang dumating na Prof. Ganon naman palagi kapag first day.

"Oy san tayo?" tanong ko.

"Tara tambay. Ayoko pa umuwi." Shan

"Dana pwede sainyo?" tanong ni Mika.

"Hindi, dadating mga kaibigan ni kuya."

"Mcdo nalang tayo." suggest ko

"Gastos nito. Dimunyu!" Mika

"La, pwede naman hindi gumastos ah. Upo lang 'dun, ganon."

Bandang huli ay natuloy din kami sa mcdo. Hindi sumama sila raf dahil syempre tipid daw sila. Ewan ko ba grabe 'yung pagtitipid nila parang hindi na tama. Haha.

Crush me, backWhere stories live. Discover now