Chapter Five

316 5 0
                                    

Chapter 5

"Rise and shine." pakanta kong sabi. Pano ba naman kasi, anong oras na at tulog pa din mga kasama ko.

Kinuha ko 'yung unan ko at isa-isa ko silang hinampas.

"Jusko! Anong oras na. Magsibangon na kayo dyan!" Walang morning person samin, kaya kahit hindi din ako sanay gumising ng maaga ay pinilit ko dahil walang mangyayari samin dito.

"Ano ba? Ito na nga 'e babangon na." Mika

Tumayo na din sila Shan at Chloe at kumuha ng mga damit. Siguro ay maliligo na.

'Yung dalawang lalake naman siguro sa kabila ay gising na. Kotongan ko sila kapag hindi.

"Anong oras na?" ani Mika na tulala padin sa gilid.

"Eight na." sabi ko.

Si Ria at Dana naman at nakahiga parin. Ang pinakamahirap gisinging samin.

"Hoy Ria at Dana magsibangon na kayo dyan! Tanghali na."

Halos isang oras kaming nag-aayos dito sa kwarto. Syempre mga babae kami at ang dami pa namin. Of course it will take time.

"San si Ria." Shaniah

"Bumaba, tinignan si kuya Fred." tumango lang siya at pumunta na kami sa dining hall para kumain. Kanina pa nag-text si Raf na naduon na daw sila kasama si Ria.

"Ang tagal niyo." reklamo ni Raf.

"Edi sana kumain kana. Arte mo." Mika.

Sabay-sabay na kaming kumuha ng pagkain sa buffet dahil gutom na kami.

"Anong itenerary natin ngayon?" Dana

"Swimming, try ng surfing lesson then pahinga tapos nomi sa gabi." Ria. Tumango kami at hindi na ulit nagusap-usap.

Matapos naming kumain ay pumunta na kami ng dagat. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang malalaking alon at ibang mga guest ng resort na nagsu-swimming.

"Ang ganda ng alon." puri ko.

"Picture muna tayo!" Chloe. Nagkumpulan kami at sinet-up 'yung tripod sa harap namin. Mga ilang minuto din kaming nagpicture hanggang sa magkayayaan nang magswimming.

"Oy Sam tara na!" Hila-hila ako sa kamay ni Mika.

"Oo teka lang! Magre-rent ako ng board." habang inaalis ko 'yung kapit niya sa braso ko.

"Board?" takang tanong niya.

"Blackboard."

"Funny 'yun?" sagot ni Mika.

"Surfboard kasi." sabi ko habang tumatawa.

"Marunong ka?"

"Ha! Syempre ako pa ba." Iniwan ko na siya at pumunta sa cabin na puro nagpapa-rent ng surfboard.

Marunong ako mag-surf pero hindi magaling. Tamang magaling lang mag-balance sa board.

Pagkabalik ko ay nagpi-picture ulit sila. Pero wala na 'yung mga cover up nila. Si Ria, Shaniah at Mika ay naka-rash guard habang si Chloe at Dana naman at naka two piece–kasama din ako.

Kaming tatlo ang hubadera samin, dahil sa Ria at Shaniah ay may boyfriend habang si Mika ay conservative, 'daw'.

'Yung mga lalake naman ay naka-board shorts lang.

Crush me, backWhere stories live. Discover now