****

53 8 1
                                    

Nakalipas ang ilang buwan.

Naglalaro ngayon ang mga Lions sa gymnasium. Lahat sila mga pawis at pagod. Tapos na ang paglalaro nila at nakaupo sila sa bench habang nagpupunas ng pawis at ang iba ay umiinom ng tubig.

"Nice game everyone."

"Captain, inuman tayo."

"Kayo muna. May gagawin pa ako."

"Okay again Captain."

"I'll go ahead. Goodluck Lawrence."

"Thank you Captain."

Nakalipas ang ilang minuto ay ito naglalakad sila ngayon habang nakasuot pa ng jersey. Papunta sila ngayon sa Cafeteria. Kumuha na sila ng pagkain at umupo nasa lunch spot nila.

"Bro, ano na mamaya?"

"Syempre excited ako."

"Ang tagal niyo na bro."

"Oo nga eh." Pero malungkot ang tono niya.

"Tagal niyo na pero hindi ka pa din niya napapakilala sa parents niya."

"I understand her bro."

"Dahil mahal mo?"

"Malamang."

Napailing pero napangiti ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Ba't di kayo magkasama ngayon?"

"May quiz siya sa lahat ng subject niya ngayon. Kaya busy siya at pagrereview."

"Oo pala bro. Na sesense ko lang na, nung nakaraang buwan ay lagi nalang siyang busy."

"Kasi bro, remember nung pumunta kami sa batanes. One week rin kaming out of class non. Kaya bumabawi lang siya sa na misses niyang lectures and quizes."

"Hmmmm sabagay nga naman."

"Kamusta naman ang relasyon nina Tita at Anna.?"

"Well, kasamaang palad, hindi pa sila nakapagbobonding ng sila lang dalawa kasi si Mom. You know her, busy as always."

"Pero pagdating sa iyo walang busy kay Tita."

"Well, Yes, tama kayu, pero hindi ko naman kasalanan kung talagang madami lang ang mga pasyente ni Mom."

"Pero okay naman si Tita kay Anna? I mean, buto lang siya rito?"

"I feel, yes."

"Mabuti kasi sa ating mga Lions. Pag may babae tayong mahal. Mas mabuting mahal rin sila sa unang babaeng minahal natin at yun ang mga ina natin."

"Wow, bro, may sense na ang sinasabi mo ah."

"Gago ka talaga" nagbatukan naman sila.

Kumakain lang sila habang nag aasaran rin minsan. Pagkatapos ng tanghalian nila ay nagsipagpuntahan na sila sa mga klase nila ngayon.

Nasa kalagitnaan ng klase ng sikuhin siya ng mahina ng kaibigan niya. Napatingin siya rito.

"Ba't naniniko ka?" Ngumuso naman ang kaibigan niya patungo sa direksyon sa labas ng pinto. Tumingin siya roon at nakita niya ang girlfriend niya na kumakaway.

"Puntahan mo."

He raise his hand. "Prof, May I go out, saglit lang." Sinenyasan naman siya na pwede siyang lumabas. Tumayo na siya at naglakad na palabas ng room.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now