Chapter 15

40 0 0
                                    

Third Person's POV








"Dendi" tawag ni Jdex doon sa kaibigan ni Shidley. Nakaupo ito sa may bench sa tapat ng Fine Arts building department.

"JDex Lawrence, anong ginagawa natin dito?" tanong niya.

"Si Shidley?"

"Alam mo, hindi na talaga normal ito. Lagi mo na siyang hinahanap sa akin ha." nakangiting sabi nito.

"Dendi."

Tumawa ito. "Hahah oo na. Nasa third floor siya, third room." sabi nito sabay tumayo at naglakad palayo. Naglakad na rin naman si Jdex patungo roon sa sinabi ni Dendi sa kanya.

Nakarating na siya sa third floor at nakatayo siya ngayon sa labas ng ika third na room. Nakita niyang palakad na si Shidley.

"Dexter" nagulat si Shidley ng makita ito na andito sa building department nila.

"Hi" bati ni Jdex sa kanya na medyo kinakabahan.

"Hi, bakit andito ka?" takang tanong nito ng makalapit ito sa kanya.

"I was just hoping to see you."

"Okay, because?"

"I'm inviting you to come to my house." sabi ni Jdex habang nakatitig kay Shidley. Namilog naman ang mga mata ni Shidley.

"Your house?" di makapaniwala tanong ni Shidley.

"Yes, sa saturday if your okay with it, baka busy ka, wag nalang." nag isip muna si Shidley tsaka siya tumango.

"Sure, paalam lang ako kay Mama."

"Okay, then I'll just pick you up at 6 pm." tumango naman si Shidley. Ngumiti naman si Jdex. Naglakad na silang dalawa pababa ng building.

"Hatid na kita." sabi ni Jdex. Umiling naman si Shidley.

"Ah hindi na. May dadaanan pa kasi ako."

"Okay lang."

Umiling si Shidley. "Hindi na Dexter, thank you. Ayos lang ako."

Tumango naman si Jdex. "Alright, ingat ka okay." tumango rin si Shidley. Naglakad na patungo sa parking area si Jdex habang si Shidley naman ay naglakad na palabas ng gate.




----


Nakauwi na si Shidley sa kanilang bahay.

"Ma" tawag niya rito. Nasa kusina ang Mama niya at nagluluto ito ng hapunan nila.

"Magpapaalam lang po sana ako kung pwede."

"Ano ba yun? May project kana naman ba?"

Umiling siya. "Hindi Ma, ano kasi. Si Dexter." napatingin ang Mama niya sa kanya at nagtaka.

"Sino naman iyang Dexter?" tinignan siya ng Mama niya na panunukso.

"Ma, Si Dexter ay si JDex Lawrence."

"Oh yung sweetheart mo? Eh bakit hindi na sweetheart ang tawag mo sa kanya?"

"Mama talaga." ngumiti naman ang Mama niya.

"Bakit? yun naman talaga ang tinatawag mo sa kanya ah." sabi nito at binalik ang tingin sa niluto.

"Oo na po, kaso noon yun. Dexter na ngayon kasi usapan namin iyon na kung sasamahan niya ako sa school yung sa project ko, yun ang kapalit." explain niya sa Mama niya. Tumango naman ito.

"Okay at ano naman ang ipagpapaalam mo?" tanong nito. Umupo muna siya sa upuan.

"Sa sabado po Ma. Inimbetahan niya po ako sa kanila." bumuntong hininga ang Mama niya.

"Kailangan ba talaga na pumunta ka sa kanila?" may pag alala sa tono ng Mama niya.

"Eh Ma, kaibigan ko naman po siya, walang malisya." sabi niya. Tumingin ang Mama niya sa kanya.

"Alam ko pero alam ko ein na may gusto ka sa kanya. Pero anak hindi ba, sabi ko saiyo na wag kang ma a-attach masyado sa kanya."

"Ma, alam ko naman po iyon."

"Ayaw ko lang na umabot sa punto na iiyak ka." sabi ng Mama niya. Napayuko naman si Shidley.

"Ma, malapit na ang graduation. Kahit ngayon lang Ma." pakiusap ni Shidley sa ina. Bumuntong hininga ang Mama niya at nag isip then tumango ito.

"Okay, okay, basta alam mo ang limitasyon mo." sabi nito. Tumango naman siya at tumayo ito. Lumapit siya sa Mama niya.

"Thank you Ma." sabay yakap niya sa Mama niya.











---












Nakaupo ngayon sa bench si Shidley na nasa tapat ng building nila. Umupo rin si Dendi sa tabi niya.

"Oh ano yung good news mo sa akin?" tanong ni Dendi na nae-excite ito. Bumuntong hininga si Shidley.

"Sabi ng Professor ko, may potential raw yung mga shots ko." sabi ni Shidley.

"WAHHH!!!! OMG SHID!!!" sabay yakap ni Dendi sa kanya. Natawa naman siya.

"Well, I still need to complete this at eh finalize ang masterpiece ko."

"OMG! ano namang reaction ng Professor mo, ng makita ang work mo?"

"Sabi lang niya, I just found my inspiration." nakangiting sabi ni Shidley. Napangiti naman si Dendi sa kanya at kinilig.

"Sos, iba talaga pag may inspiration ano?" panunukso ni Dendi.

Napangiti naman siya. "Oo pala, sa sabado, he invite me to go to his house."

"Ha?" namilog ang mga mata ni Dendi.

"Pumayag na rin naman si Mama kahapon."

"Teka, he invites you to what?"

"Dinner siguro or---"

"Or meet his parents." nakangiting sabi ni Dendi. Umiling naman si Shidley.

"Magkaibigan lang kami."

"Bakit Shid may sinabi ba ako? Tsaka oo naman, ang kaibigan pwede naman makipag meet ng parents?"

"Dendi ano kaba iba ang iniisip mo alam ko."

Tumawa ito. "Kaya pala lagi ka niyang hinahanap sa akin dahil magkaibigan lang kayo." panunukso nito sa kanya.

"Dendi"

"Bakit? Wag mong sabihin na hindi mo na siya gusto dahil hindi talaga ako maniniwala." sabi nito habang umiiling.

"Alam ko at alam mo kung sino ang gusto niya, no mahal niya. Mahal niya hanggang ngayon. Kaya magkaibigan lang kami." sabi ni Shidley.

Nagkibit balikat si Dendi. "Wag magagalit ah, pero jusko naman Shid. Buti kung buhay pa yung taong gusto niya."

"Dendi"

"Yes, mahal niya iyon pero wala na at gusto niya ba iyon. Kaysa naman sa iyo na buhay na buhay pa at gusto siya."

"Dendi iyong bibig mo." saway ni Shidley sa kanyang kaibigan.

"Yan naman kasing Jdex Lawrence na iyan. Bakit ayaw nalang mag moved on. Eh hindi na naman yun mabubuhay kahit anong gawin niyang---"

"Dendi" napatingin si Dendi sa kanya at bumuntong hininga ito.

"Shid, alam mo naman siguro kung ano ang ibig kung sabihin diba?" tumango naman si Shidley.

"Dendi, diba sabi ko noon hanggang ngayon. Gusto ko lang siya. Gusto ko lang siyang sumaya at ngumiti ulit. Pero 'di ko naman iyon pinangarap na magustuhan rin niya ako. Basta gusto ko lang siya, yun lang yun. Hindi ako naghihintay ng kapalit." sabi ni Shidley.

Hindi nila alam na si Jdex ay nasa may di kalayuan kung saan sila nakaupo ngayon. Dahan dahan namang naglakad paalis si Jdex roon.

Nakayuko lang siyang naglalakad habang malalim ang iniisip.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now