Chapter 3

45 1 0
                                    

JDex's POV




Kakatapos lang namin mag practice ngayon. Nakaupo ako ngayon sa bench habang tumitingin sa mga picture niya na nasa gallery.

"Kamusta kana kaya? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Sabi ko habang nakatitig sa picture naming dalawa na magkasama.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa labas dahil may narinig akong ingay. Tumayo ako at naglakad patungo sa labas. Nakita ko naman sa gilid, doon sa di kalayuan. Andoon si Shidley kasama ang kaibigan niya. She is taking her friend a picture.

"Hay naku naman Shid. Jusko Fine Arts students nga tayo pareho pero iba ang major natin. Bakit mo ba ako pinapahirapan?"

"Eh sige na Dendi, babagsak ako pag hindi ako nakagawa ng assignment."

"Assignment niyo ito? Akala ko project."

"Assignment raw kaya please cooperate." sabi niya.

"Akala ko ba si sweetheart mo ang ipapartner mo at gagawing model mo? Teka bakit nga ba siya? Hindi naman siya same ng kurso natin." nakapameywang na sabi nito.

"Sabi kasi ng Professor namin na kung sino lang ang gusto naming eh model. Kaya siya ang naisip ko bukod saiyo."

"Ah okay." tumatango at nag pose ulit.

Kinukunan niya ito ng litrato and bumubuntong hininga siya habang tumitingin sa camera niya.

"Oy Shidley. Ano bang mukhang yan. Alam ko naman na wala kang gana kasi hindi si sweetheart mo ang model mo. Pero oy Shid, wag namang ganyan hitsura mo. Ang model mo kaya ay ang magandang bestfriend mo."

Napangiti naman siya sa kaibigan niya. "Bakit kaba nag iisip ng ganyan? Syempre wala naman akong problema kung ikaw ang model ko at hindi si sweetheart. Pero tama ka nga, wala nga akong gana. Kasi naman hindi ako confident, hindi ako magaling kumuha ng litrato." Sabi niya sabay simangot. Tumawa naman ang kaibigan niya.

"Alam ko na Shidley. Hanapin nalang natin ang sweetheart mo at pa sekreto kang kumuha ng pictures niya."

Ngumiti naman siya. "Ikaw talaga ang nakaisip niyan ah?"

"Sure ako magiging 100 percent confident kana if siya ang model mo. Pa sekreto nga lang." Sabi ng kaibigan niya.

Umiling naman siya. "Kaso hahanapin pa natin siya. Tsaka, may klase pa tayo mamaya."

Umupo muna siya sa bermuda grass. Tumabi naman ang kaibigan niya sa kanya. "Diba nagsisimula na silang mag practice para sa championship. Baka naman nasa loob sila ng gymnasium."

Umiling siya. "Parang walang tao. Wala akong naririnig na nag iingay ng bola. Baka mamayang hapon pa practice nila." Sabi niya.

"Sayang, may klase pa tayo mamayang hapon." sabi ng kaibigan niya.

"Kailangan ko lang ng model na makukunan ko ng litrato. And through that picture. It tells a story to that person." sabi niya.

"So, mamayang dismissal nalang. Pag uwi natin, baka may tao kang makitaan ng pwedeng eh capture mo and tell their story through a picture."

"Pwede rin naman pero titignan kasi ni Sir ang picture bukas as our attendance for tomorrow."

"Absent kana nalang muna." sabi ng kaibigan.

"Sama mo" sumimangot naman siya at mukhang problemado siya. Tumalikod na ako at pumasok ulit sa loob ng gymnasium. Kinuha ko ang bola at nagdrible.

Nagdidrible lang ako in place habang nakatalikod sa may entrance. Maya maya lang ay nakapansin ako na may dalawang shadow na nagreflect sa sahig. I think sila iyon.

Nagdrible ako habang tumatakbo at nagsho-shoot sa isang ring. Paulit ulit ko lang itong ginagawa then minsan humihinto ako and pasimple na lilingon. Napatingin ako sa relo ko. Malapit na pala ang lunch break.

Nag shooting ako ulit then huminto na ako at inilagay na ang bola sa may basketball rack. Naglalakad na ako at nang malapit na ako sa may entrance. Na pansin ko na nasa may di kalayuang bench sila sa may sulok nakatago.

Binalewala ko nalang sila at lumabas na ng gymnasium.






-----








Shidley's POV







"Wahh! Shid, ano nakakuha kaba ng magandang shot?" tanong ni Dendi sa akin. Nakatingin lang ako sa camera at napapangiti habang tinitignan ang picture ni sweetheart kanina.

"Ayos lang ba?" sabay patingin sa kanya ng picture. Kinuha niya ang camera ko at tinignan ito.

"Nice shot. Ayos naba iyan?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi pa, I still need more pictures of him na makakapagpahiwatig ng story niya." sabi ko.

Bakit ba kasi ang hirap ng assignment namin na ito? Kailangan namin kumuha ng litrato ng isang tao na pwede namin eh kwento ang story nito through picture.

Sabi pa naman ni Sir, may sasabihin pa siya na gagawin naming project na kagaya rin nito. Wag naman sana mahirap noh. Ito palang ay nahihirapan na ako, jusko.

Andito kami ngayon ni Dendi sa cafeteria. Andoon siya ngayon sa lunch spot nila. Kumakain siya kasama ang mga kaibigan niya.

"Kumain ka kaya." sabi ni Dendi sa akin.

"Ano naman ang part sa kuwento niya kung pi-picturan ko siya habang kumakain?" patanong na sabi ko.

"Loka! Pi-picturan mo ang tao habang kumakain? Ganyan kana ba ka problemado?" natatawang tanong niya. Sumubo ako ng pagkain at tumingin ulit sa gawi niya.

"Tulungan mo naman ako Dendi." sabi ko.

"Paano naman? Akala ko ba ayos na iyong mga kuha mo kanina?"

"Ayos lang naman pero tignan mo nga." sabay bigay sa kanya ng camera ko.

"Tignan mo nga ang picture niya and sabihin mo sa akin. Anong story ang nakikita mo?" tanong ko. Nakatingin naman siya ngayon sa picture ni sweetheart.

"Hmmm, gwapo siya."

"Dendi"

Tumawa naman siya. "Seryoso na, uhm. Malungkot siya." sabi niya. Kinuha ko ang camera at tinignan ang picture ni sweetheart na nagdri-drible.

"Ang lungkot nga ng mga mata niya." sabi ko. Tumango naman siya.

"Sabi nga nila, through the eyes, it says a lot." sabi ko at tumingin ulit sa gawi niya.

Tumatawa nga siya kasama ang mga kaibigan niya. Nakikipagkulitan nga siya sa mga ito pero ang mga mata niya ay ang lungkot.



---


Nakauwi na ako sa bahay namin. Tapos na rin kaming maghapunan ni Mama. Andito na ako ngayon sa kuwarto ko habang nakatingin pa rin sa picture ni sweetheart na kuha ko kanina sa gymnasium.

Hindi naman ako problemado dahil through his eyes, it says something about him kaya pasado ito kay Sir bukas.

Hindi lang ako okay dahil nakikita ko naman sa personal na masaya nga siya pero alam ko na malungkot rin siya. But in the picture, titigan mo ang mga mata niya. It really says a lot.

I know he hurt so badly because of love. I know how hurt he is because he lost his love one. I know what his been through. I know he haven't moveon.

I like him but I can be his friend too. Kaso lagi niya akong tinutulak palayo. I always tell him that I like him hindi para makagusto rin sa akin or what. I just tell him that for him to know na may isang tao na special siya rito. It's because, I can't thank those who give me a chance and I'm blessed. Gusto ko lang, ipa feel na thankful ako at ginagawa ko lang ang gusto ko.

 Eye Love YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin