***

57 8 1
                                    

Dumating na ang gabi. Gabi na hinihintay ng magulang nung lalaki. Gabi kung kailan na nila makilala ang babae na girlfriend ng kanilang anak. 

"Mahal" tawag ng babae sa lalaki, napahinto sila sa pagpasok sa bahay. Tumingin ang lalaki sa girlfriend niya.

"Are you nervous?" Tumango naman ang girl.

"Oo naman mahal. Paano kung hini ako magustuhan ng parents mo?"

"Mahal, remember si Dad ang nagpakilala saiyo sa'kin. Kaya ma sha-shock siya for sure na yung pinakilala niyang girl sa akin nung aniversary party ng company ay siya ring babae na naging girlfriend ng anak niya."

"Eh yung Mom mo?"

"Mahal, you have no idea how excited my mom is to meet you."

Bumuntong hininga naman muna ang girl tsaka tumango. "They will like you." Sabi nung lalaki.

Ngumiti ang babae. "Okay mahal." pumasok na sila sa loob ng bahay.

"Si Mom and Dad?" Tanong nung lalaki sa katulong nila.

"Good evening po Sir, Ma'am. Nasa dining area na ho hinihintay kayo." Tumango naman sila at magkahawak kamay na naglakad patungo sa dining area.

"Mom, Dad" napatingin naman ang magulang niya sa kanila. "Mom, Dad. This is Anna, my girlfriend." Pakilala niya sa babae.

"Good Evening po Mr. and Mrs. Lawrence." Bati nito sa magulang ng boyfriend niya.

"Good evening hija" bati pabalik ng ama ng lalaki doon sa babae. Habang ang ina ng lalaki ay nakatingin lang ito sa babae.

"Mom." Napatingin naman ang ina niya sa kanya at ningitian niya ito.

"Hello Hija. Sit down." yan lang ang sabi ng ina niya. Umupo na ang magulang ng lalaki. Pinaghila naman ng upuan ng lalaki ang girlfriend niya.

"So Mom. Tinupad ko ang promise ko sa iyo ha. I brought her here" Nakangiting sabi niya. Nakangiti lang ng tipid ang ina niya sa kanya.

"I was surprise son. She is the girl--"

"Yes Dad, she is." Sabay tingin sa babae. "Siya yung babae na pinakilala mo sa akin. Nung nag anniversary party ang company."

"I never thought na magkakamabutihan pala kayong dalawa." Nakangiting sabi ng Dad niya. Napangiti naman silang dalawa.

"Where did you meet her Honey?" Tanong ng asawa nito.

"Pumunta siya sa company Hon before the anniversary. She present a product to us. She is really good at speaking. Magaan ang loob ko sa kanya. Pinakilala ko silang dalawa nung nag anniversary party ang company, Honey. Sayang hindi mo siya naabutan nung time na iyon." Paliwanag nito sa asawa niya. Tumango naman ito at tumingin sa babae.

"What is your full name hija?" tanong ng ina nito.

"Anna Nievos po pero yung nasa birth certificate ko po ay Anna Ferrer." Nakangiting sabi nung babae.

"Did I hear it right hija. Your surname is Ferrer?" Tumango naman ang babae.

"Opo." napatingin naman ang ina ng lalaki sa asawa nito. Uminom naman ng tubig ang asawa nito at nag iwas ng tingin.

"Mom, nagiging interesado kana kay Mahal ko ha. Don't worry Mom, I give you some time and day na makabonding kayong dalawa ni Anna." Nakangiting sabi ng lalaki.

 Eye Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon