Chapter 7

45 1 0
                                    

JDex's POV



Hindi na kami pumasok kahapon dahil rest day namin. Wala rin naman akong ginawa kahapon kundi nasa bahay lang.

Naglalakad na ako at paakyat na ako ng hagdanan sa building department namin ng makita ko siya. Siya lang mag isa.

Naglakad ako ng mapatingin siya sa akin. Tinignan ko siya ng ngumiti siya sa akin.

"Hi" bati niya sa akin then naglakad siya at akala ko na lalapit siya sa akin hindi pala. Nilampasan niya ako at pagtingin ko. Kay Justinne pala siya lumapit.

Tumalikod na ako at maglalakad sana ng tawagin niya ako. Lumingon naman ako sa kanya.

"Ito pala." Sabay bigay niya ako ng box na maliit na nakabalot.

"Hindi ko birthday" sabi ko. Tumango siya.

"Alam ko. Uhm ano yan. Gift ko yan para saiyo dahil...uhm basta gift ko saiyo." Sabi niya at umalis na kasama si Justinne.

Napatingin naman ako sa umakbay sa akin.

"Oh gift? Ikaw naba ang Samson the second ngayon?" Patanong ni Anderson.

"Galing kay Shidley." Sabi ko at naglakad na. Sumunod naman siya sa akin.

"Talaga? Anong laman?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Kita mong nakabalot pa diba?" Ngumiti naman siya.

"Alam ko, hindi ako si Hilton." sabi niya. Napailing nalang ako.

"Tara na." Sabi ko at naglakad na patungo sa classroom namin.






----






Ff.





Nasa bahay na ako ngayon, kakauwi ko lang. Andito ako ngayon sa kuwarto ko. Binuksan ko na  yung gift na binigay niya sa akin kanina.

Isang kandila?

Teka.... Agad naman akong napalabas ng kuwarto ko at nagmamadaling lumabas ng bahay. Sumakay kaagad ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa University.

Nakarating na ako sa University. Napahinto ako sa may gate ng makita ko yung kaibigan niya na kakalabas lang. Bumusina ako at binaba ang window.

"Hey" tawag ko rito. Napatingin ito sa akin at lumapit siya.

"JDex Lawrence." Sabi niya.

"Your friend of Shidley, right?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo."

"Where is she? Kasama mo ba?" Tanong ko.

Umiling siya. "Nauna na sa aking umuwi." Sabi niya. Paano ito?

"Teka lang." napahinto naman siya sa paglalakad at tumingin ulit sa akin. "Taga saan ba siya?"

"Same lang kami ng---"

"Hatid na kita." hindi ko na siya pinatapos. Tumaas naman ang kilay niya.

"Pupunta ko siya." Sabi ko. Na shock naman siya sa sinabi ko.

"Tara na." Sabi ko.

"Sure ka?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo, get in." Sabi ko. Tumango naman siya at sumakay nasa may passenger seat. Nagmaneho na ulit ako.

"Matanong ko lang Jdex Lawrence ha." I glance at her. Kailangan talaga complete name?

"What?"

"Bakit mo pupuntahan si Shid?" Takang tanong niya.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now