Chapter 9

38 1 0
                                    

Shidley's POV


Nasa dining area kami ngayon ni Mama, naghahapunan.

"Ma, magpapaalam po sana ako." napatingin si Mama sa akin.

"Sa weekend Ma. Aalis po ako. Gagawin ko lang yung project namin." sabi ko.

"Kasama ba si Dendi?" tanong niya. Umiling ako.

"Hindi po Ma, may project rin siya na dapat rin gawin sa weekend."

"So, sino ang kasama mo, ang mga classmate mo?" tanong ni Mama. Umiling ako.

"Malayo kasi sila." sabi ko. Kung hindi pumayag si Captain at sa mga ka blockmates ako sasama, dapat ako mag stay sa kanila dahil malayo ang tirahan ng mga iyon. Mabuti nga at pumayag si Captain dahil malapit lang ang University, one hour drive lang.

"Ano ba kasi ang project niyo na iyan?"

"Gagawa kami ng Picture Portfolio, Ma. Kailangan ko kumuha ng mga shots gaya ng night shot"

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa University lang Ma."

"May tao pa sa University ng weekend?"

"Siguro po pero sasamahan naman ako ni sweetheart ko, Ma." sabi ko na nakangiti. Tumango naman siya.

"O siya, sige papayag na ako."

Ngumiti ako. "Salamat Ma."

Patuloy na kami sa pagkain at ng natapos na si Mama tumayo na siya at nagtungo sa may sink.

"Shid, anak." napatingin ako kay Mama. Nakaupo pa ako ngayon sa may dining dahil umiinom pa ako ng tubig.

"Ma?"

"Sana naman wag kang ma attach ng husto sa sweetheart mo na iyan." sabi ni Mama. Napayuko naman ako.

"Ma naman."

"Ayaw ko lang na mahirapan ka na lumayo sa kanya. Lalo na kung titra na tayo sa Lola mo." sabi ni Mama na kinagulat ko.

"Kay Lola?" sabay tingin ko kay Mama. Lumapit si Mama sa akin.

"Nakapag usap kasi kami ng Lola mo at gusto niya na andoon tayo. I mean, doon na tayu titira kasama siya." nalungkot naman ako at niyakap naman ako ni Mama.

"Di pa naman sa ngayon." sabi ni Mama.

"Eh kailan naman po Ma? Paano yung pag aaral ko?" ayaw ko naman na hindi makagraduate. Matanda na kasi si Lola at siya lang mag isa.

"Pagkatapos ng graduation mo, aalis na tayo agad." napabuntong hininga naman ako. Malapit na pala.

"Wag ka nang malungkot, anak. Pasensya na, hindi ko naman mahindian ang Lola mo, tsaka siya nalang mag isa, kailangan niya ng kasama." tumango naman ako.

"Naiintindihan ko po Ma." sabi ko. Hinalikan ako ni Mama sa noo.

"Punta kana sa kuwarto mo. Ako na nitong mga hugasin." sabi niya.

"Okay po Ma." sabay ngiti ko at tumayo na. Pumunta na ako sa kuwarto ko.








----
















JDex's POV











"Son, free kaba ngayong saturday?" tanong ni Dad. Napatingin ako sa kanya. Andito kami ngayon sa dining area.

"Bakit po Dad?"

"May meeting kasi ako. And this is a chance for you to meet our business associates." sabi ni Dad.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now