The Past

131 7 0
                                    

"Pre bilisan mo." Tumatakbong sabi nang isang lalaki.

"Teka lang pre, ang hirap kayang magtext habang tumatakbo." Sabi nang kaibigan niya. Kasalukuyan silang tumatakbo patungo sa gymnasium.

"Bilis."

"Ba't ba ang excited mo lalo?"

"Oo, excited talaga ako pre, kaso naman ang sabi ko sa kanya ay alas singko magkikita kami sa gymnasium." Sabay tingin sa relo nito. "Eh 2 minutes nalang mag aalas singko na eh. Baka maaga ang dismissal nila."

"Hahhaa baka na una pa siya roon pre."

Umiling ito "Wag naman sana. Masisira ang surpresa."

"Ba't kasi ang tagal mo? Pinaghintay mo pa ako sa labas ng room niyo ng higit isang oras, hindi pala mag dadalawang oras pala."

"Wag mo akong sisihin, pumunta ka kaya sa faculty room. Sisihin mo yung matandang dalagang professor namin." Sabi niya. Natawa naman ang kaibigan niya sa kanya. Mas binilisan pa nila ang pagtakbo hanggang sa makarating sila sa harap gymnasium.

"Hoooooooo." Sabay na humihingal at naghahabol ng hangin ang dalawa.

"Mabuti at basketball player kayo. Kundi kanina pa siguro kayo bagsak sa lupa at walang hangin." Sabay tapik ng isang kaibigan nilang dalawa.

"Hahahha may mabuting naitulong rin pala ang pag punish ni Captain sa atin kung ganun." Natatawang sabi niya. Napailing naman ang mga kaibigan.

"Gago ka talaga. Speaking of Captain. Umuwi na siya. Alam niyo na, mga paperworks at si Lou, dad's alert." Nagsipagtanguan naman silang dalawa.

"Ayos lang, alam ko naman na supportado nila ako dito."

"Hahahha kami rin kaya dapat lang na ayusin mo mamaya ha."

"Hahah oo na. Ayos na ba ang loob?"

"Opo." sabay sagit ng mga kaibigan niya, nagsipaglabasan naman ang iba pang kaibigan niya na galing sa loob ng gymnasium.

"Goodluck pre. Binata kana talaga." Natawa naman ang iba sa sinabi ng isang kaibigan nila.

"Hahahhaha salamat pero hindi talaga ako thankful sainyo." Binatukan naman siya isa isa ng mga kaibigan niya. Natawa lang siya.

"Pumasok kana at ayusin mo gago. Mag vivideo ako."

"Oy wag kang magpapakita ha. Kayo rin, wag kayong magpapakita."

"Aba walang utang na loob. Kami na nga---" inakbayan niya naman ang kaibigan niya.

"Engot ka rin ano. Ibig kong sabihin. Wag kayong magpapakita mamaya dahil baka ma disturbo lang ako dahil sa pagmumukha niyo. Pero sige, basta wag lang kayong magpapahalata sa kanya o magpapakita. Alam niyo naman siya diba. Mahiyain."

"Sos iba ka talaga. Oo na. Hahhahah."

"Hahah alas singko na gago. Pasok kana." Sabay tulak sa kanya ng kaibigan niya patungo sa loob.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now