Chapter 14

36 0 0
                                    

JDex's POV











Nasa loob ako ng classroom ng dumating si Samson. Kami pang dalaaa ang tao rito sa classroom.

"Aga mo ah" sabi ko. Magkaklase kaming dalawa ngayon. Nakangiti naman siyang umupo sa tabi ko.

"Well, maaga ang klase ng Ling ko eh." napangiti naman ako.

"So, is everything going well with Danielle?" tanong ko. Tumango naman siya at nakangiti pa.

"Yeah Bro, and yeah, masaya rin ako. Iba pala talaga pag nakarealize kana" tumango naman ako. Tumingin naman siya sa akin.

"Pasensya na Bro ha. Hahanapin namin si Shidley to say sorry, don't worry." sabi niya.

"Yeah"

"Hindi ba maganda ang gising mo?" tanong niya sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Bro, I'm confuse." sabi ko. Tinignan naman niya ako ng nagtataka.

"Look, I like Shidley now." sabi ko. Napangiti naman siya.

"Wag ka ngang ngumiti nakakainis ka naman." inis na sabi ko.

"Naiinis ka dahil like mo siya o dahil sa ngiti ko?"

"Malamang sa ngiti mo gago." sabi ko at nawala naman ang ngiti niya. "Seryoso kasi Samson."

"Eh Lawrence naman. Kung gusto mo na si Shidley eh sige go support ka namin."

Umiling ako. "Confuse nga ako."

"Bakit ka ma ko-confuse? No doubt naman na sinasabi at pinapakita naman ni Shidley sa iyona gusto ka rin niya."

"I know that, what's confusing me is. I like her but---"

"But?"

"I'm still thinking about Anna." sabi ko. Napatayo naman siya sa kinauupuan niya.

"Bro naman! Jusko! 2 years or 3 years na bang patay si Anna. And your still thinking of her." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Look Lawrence, Bro, I know and we know how much you love Anna and she is your first love. Masakit ang nangyari saiyo noon. But Bro, hindi mo ba naisip na ilang years ka nang single. Didn't you think that it's time to move on?"

Umupo na siya at hinarap ako. "Bro, You like Shidley and your still thinking of Anna. Wag ganyan Bro. Unfair naman kay Shidley lalo na sa sarili mo." sabi niya.

"Bakit naging unfair?" tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Unfair dahil gusto mo na si Shidley but your confused dahil na iniisip mo pa rin si Anna rather than asking Shidley to a date or getting to know her better."

"Naguguluhan ako Bro." sabi ko habang umiiling.

"Di ka naman maguguluhan kung ang laman ng puso at isip mo ay para sa iisang tao lang." sabi ni Samson at tinapik niya ang balikat ko.

Nagsipagdatingan na ein ang mga kaklase namin. Ako naman ay naguguluhan parin pero iniisip ko rin ang sinabi ni Mom at ni Samson.














---












Lunch break na, pero hindi ako kumain dahil wala akong gana. Naglalakad lang ako ngayon ng mapahinto ako dahil nakita ko siyang naglalakad patungo sa gawi ko pero nakayuko siya.

"Shid" tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Hi" bati niya sa akin. Nakatitig ako sa mga mata niya.

"Tapos ka ng mag lunch?" tanong niya sa akin.

"Wala akong gana." sabi ko. Lumapit siya sa akin.

"Ayos ka lang Dex?" tanong niya sa akin. Napayuko ako dahil ayaw ko na makita niya ang reaksyon ko. Nakakamiss rin palang marinig na tinatawag niya akong sweetheart.

"Dex, ayos ka lang? May problema kaba?" tanong niya ulit. Tumingin ako sa kanya.

"I'm fine" Sagot ko. Nakatitig siya sa akin.

"Pero ba't parang hindi." sabi niya. "Alam mo, kung ayaw mong kumain. Ito, saiyo na lang yan." sabay abot niya sa akin ng isang tumbler.

"What is this?"

"Pumpkin and papaya milk shake." nakangiting sabi niya. "Yan ang lagi kung baon. Masarap yan and healthy. Good for the eyes."

"Thank you." sabay tanggap ko rito.

"Oo pala, nakakatawa sina Drake at Grey. Kanina nakita ko sila papunta sila sa cafeteria. Lumapit sila sa akin at sinabi na hinahanap raw nila ako. Guilty ba sila? Kung mag sorry parang ang laki ng kasalanan nila sa akin."

"They make you uncomfortable." sabi ko. Umiling siya.

"Medyo lang naman, but hindi lang talaga ako sanay sa place na iyon and also 'di ko rin naman alam na ganun sila---"

"Ka gago" dugtong ko. Ngumiti naman siya.

"No, ikaw talaga ang sama mo sa mga kaibigan mo." napangiti naman ako.

"Shid--" naputol ang sasabihin ko ng may tumawag sa kanya.

"Babalik na ako sa building namin." sabi niya. Tumango naman ako.

"Okay, thanks rito."

"Ubusin mo yan and your welcome Dex." nakangiting sabi niya at umalis na kasama ang classmate niya siguro.

Nakatingin lang ako sa tumbler habang naglalakad.

"Lawrence, 'di ka kumain kanina ah." sabi ni Arellano. Di ako sumagot.

"Ano yan Lawrence?" tanong ni Anderson kasama niya ngayon sina Samson at Arellano. Naglalakad kami ng sabay.

"Bigay ni Shidley." sabi ko. Nakita ko namang ngumiti si Samson sa akin. Nakakainis talaga ng ngiti niya.

"Wow, pa try nga." sabi ni Anderson ng kukunin niya sana ang tumbler pero inalayo ko ito sa kanya.

"Bigay nga ni Shidley SA AKIN. So akin lang 'to." sabi ko. Ipagdadamot ko ito.

"Sos naman ganyan ba epekto saiyo ni Shidley?" tanong ni Anderson. Tinignan ko sila na ngayon ay nakangiti ng nakakainis.

"Sinabi ni Samson sa aming lahat kanina." sabi ni Arellano. I look at Samson.

"Why? Ikaw lang naman kasi ang wala kanina. So, kaya ikaw ang napag usapan." sabi niya. Sama ng mga ugali.

"Lawrence, you deserve to be happy, again, pero kay Shidley na ang focus mo wag na kay Anna." sabi ni Arellano.

"Oo nga bro, wag kang magagalit ah pero wag mo nang isipin si Anna. She isn't here anymore and ang andiyaan ay si Shidley." sabi ni Anderson.

"And don't think about her. Hindi si Anna ang makakapagpasaya saiyo. Si Shidley na, bro." sabi ni Samson.

"Tsaka bro, don't mind Anna anymore, make a decision for your own good. Ikaw naman ang sasaya eh." sabi ni Arellano. Tumango naman ako sa kanila. Ang hirap pala nito.

 Eye Love YouOn viuen les histories. Descobreix ara