Chapter 23

85 1 0
                                    

Jdex's POV














Kakatapos lang namin mag dinner nina Mom at Dad. We're okay now and masaya naman akong makita na may nagbago sa relationship nina Mom and Dad. And seeing my parents happy especially Mom without pretending or what, is a big deal for me.

Nagpaalam na ako sa kanila na aalis muna ako sahil may naalala ako, yung sinabi ni Dendi sa akin.

I'm now driving patungo sa University. Nang makarating na ako ay nag park na ako at wala bang tao rito? Ako lang kasi ang nakapark at parang wala namang tao pero ang sabi naman ni Dendi. Punta raw ako sa Fine Arts Gallery Hall. Naglalakad na ako ngayon patungo roon and nakita ko naman si Dendi na nakatayo doon sa labas ng building.

"Dendi" tawag ko sa kanya. "Walang ibang tao?"

Napatingin siya sa akin. "Ah wala, tayo lang ang andito"

"Okay and bakit tayo andito? I mean, bakit mo ako pinapunta rito?" takang tanong ko.

"Kahapon kasi yung exhibit." sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Exhibit?"

Tumango siya. "May project kasi sina Shidley for the gallery. Kung sinong piece na pinakamaganda,  yun ang eh sho-showcase."

"Tapos? Hindi naman ako fine arts students?" sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Hindi nga pero as a businessman diba? Baka gusto mong bilhin ang mga piece." sabi niya.  Kumunot ang noo ko.

"Bilhin ko?"

Tumango siya. "Oo, for sale naman siya. Tsaka yung pera naman na kikitain ng mga piece na iyon ay i-dodonate sa naman ng Fine Arts department sa isang charity. So, ayos yun diba?" nakangiting sabi niya.

Tumango ako. "Okay, and how do we get in--"

"Ito susi." sabay pakita ng susi.

"We're did you get that?" tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Oy Jdex Lawrence ah. Wag mag isip ng kung ano. Hiniram ko sa janitor 'to noh. Naglilinis kasi siya rito kahapon and basta ito." sabi bigay ng susi sa akin.

"Bakit mo binibigay sa akin ang susi?" takang tanong ko.

"Para ikaw ang magbukas?" patanong na sabi niya. "Sige na excited na ako. Buksan mo na, dali." aabi niya at tinulak-tulak pa ako.

"Oo na." Pinasok ko na ang susi and binuksan na ang pinto.

"Madilim naman." sabi ko.

"Pasok ka muna and diyaan ka lang, okay." sabi niya and sobrang dilim kahit andito lang ako sa may entrance. Wala bang ilaw Nakaramdam naman ako na wala na siya sa tabi ko. Asan na iyon?

"DENDI!!!!" tawag ko sa kanya ng maya maya lang ay biglang umilaw.

"BYE, JDEX LAWRENCE PAKISULI ANG SUSI SA JANITOR AH. ENJOY WATCHING!!!!" rinig kong sigaw niya. Paglingon ko, ayun ang mabilis kung makatakbo.

"Okay, enjoy watching? Ha? Ewan ko saiyo Dendi."  para akong baliw na nagsasalita rito.

Pumasok na ako sa loob. Naglalakad ako habang tumitingin sa malaking wall frame. Picture ito ng campus.

Lakad naman ako sa kabilang side. Picture naman ito ng isang bola na nasa gymnasium.

Napatingin naman ako sa ibang mga picture. Picture ko na nagjumpshot. Picture ko na nakaupo ako sa bench. Picture ko na tumatakbo ako sa field. Picture ko na bumaba ako ng kotse. Picture ko na nakayuko habang nakaupo sa may bench sa tapat ng building namin. Picture ko naman na naglakad. Picture ko na nasa Lions lunch spot kasama ang mga Lions. Picture ko nung nasa rooftop kami and ako nakapikit habang nilalasap ang simoy ng hangin and the last piece. Picture ko na nakangiti habang nakapikit at parang umiiwas sa camera. Napangiti naman ako ng maalala ang araw na kasama ko si Shidley.

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now