Chapter 21

40 0 0
                                    

Jdex's POV






"Hon, No! wag na nating isali si Jdex dito."

"YOU SHUT UP!" tumahimik naman si Dad. Tumingin si Mom sa akin.

"When you first brought Anna here and introduce to us. At first I'm fine with her. Not until ng malaman ko na anak pala siya ng babaeng iyon." sabi ni Mom sabay tingin kay Dad.

"Hon." Umiiling si Dad at hindi makapagsalita dahil nag salita agad si Mom.

"Sabi ng Dad mo diba, you two meet at the company nung may prinesent si Anna sa Dad mo for some products to advertise. Then, your Dad introduce you to her nung may anniversary party sa company and you meet her parents, right? And your Dad also happy to see his woman."

Mistress ni Dad ang Mom ni Anna?

"Dad--"

"She is not my mistress." sabi ni Dad sa akin.

"You invited them without asking my permission. Nung sinabi kong i-pull out mo yung support mo sa business nila. You didn't do it, diba? Bakit? Kasi gusto mo nakasupport ka parin sa babaeng iyon."

"TAMA NA OKAY!" bulyaw ni Dad kay Mom.

"NO!" tumingin si Mom sa akin. "ANNA'S MOTHER IS YOUR DAD'S FIRST LOVE AND FIRST GIRLFRIEND. AKO, HINDI NAMAN AKO GIRLFRIEND NG DAD MO E. NABUNTIS LANG NIYA AKO KAYA NAPILITAN SIYANG PAKASALAN AKO."

"Still I marry you." sabi ni Dad. Tumingin si Mom kay Dad.

"Oo, pinakasalan mo nga ako. Binahay mo nga ako at minahal mo ang anak natin. Pero kahit anong gawin ko na pagmamahal sa iyo ay hindi mo parin nakakalimutan ang babaeng iyon. Patago ka paring gumagawa ng paraan para makausap o makita siya kahit na alam mo na meron ka nang pamilya at meron na din siyang pamilya. Ayaw mo pa rin siyang tantanan o bitawan. Kahit anak natin at anak niya pinakilala mo pa sa isat isa, para ano? Para maging magbala-e kayo? Para mapalapit ka sa kanya?" Tumutulo na ngayon ang mga luha ni Mom. Nag iwas naman ng tingin si Dad.

"Kaya nga, ang saya mo malamang mo na maging sila na ng anak natin at anak ng babaeng iyon. At alam mo bang nahihirapan na akong umarte sa harap ni Jdex na masaya tayo at perfect ang marriage natin para perfect family tayo kahit hindi naman. Ang unfair mo sobra David. Wala akong pagkukulang saiyo. Ang akin lang ay mahalin mo rin naman ako kahit konti."

"Mom" tawag ko sa kanya pero nilampasan lang niya ako. Tumingin naman ako kay Dad pero nag iwas siya ng tingin sa akin. Umakyat na ako at nagtungo sa kuwarto nina Mom pero hindi na ako kumatok dahil kahit sobrang lakas ng ulan naririnig ko pa rin ang pag iyak ni Mom.

















---













Third Person's POV








"Ma'am, pupunta na kasi kami ng ibang lugar ni Shidley. Doon na kami maninirahan sa Lola niya at kailangan na namin umalis ngayong sabado, kasi nagkasakit ang Lola ni Shidley and kami nalang ang pamilya niya." sabi ng Mama ni Shidley sa Director ng School.

"Next month na ang graduation Madam, uhm nasa last week of that month na iyon."

"Hindi po ba pwede mag advance si Shidley sa mga gawain niya Ma'am and maybe ang diploma niya ay ipadala nalang?"

"Hindi siya makakaakyat sa stage?" tanong nito. Umiling naman ang Mom ni Shidley.

"Gustuhin man namin Ma'am pero hindi ko rin naman po kayang iwan itong anak ko, lalo na't alam niyo naman po yung nangyari sa kanya. Tsaka po, kailangan na kailangan talaga kami ng Lola niya, baka wala po kaming maabutan roon kung magtatagal pa kami dito. Nakikiusap po ako Ma'am."

 Eye Love YouWhere stories live. Discover now