Chapter 17

41 0 0
                                    

Third Person's POV








Nakaupo ngayon ang mga Lions sa lunch spot nila.

"Ano bang meron ngayon? Kulang kulang eh." biglang sabi ni Drake habang nag iisip.

"Kulang kulang? sino ikaw?" asar na tanong ni Grey sa kanya.

"Baka ikaw!" asar rin niya pabalik.

"Shhh tumigil nga kayong dalawa." awat ni Jasper sa kanila.

"Di seryoso kasi. Kulang tayo oh." sabi ni Drake sabay turo sa nga bakanteng upuan. Tumango naman ang ibang Lions.

"Si Captain probably busy yun kay Veatrice, si Marco baka kinukulit na naman niya yung kapatid ni Veatrice, si Scherzinger naman nasa Ella niya, si Hawkins may asawa diba, si Lou busy yun panigurado sa Dad niyang demanding, si Chua sa darating na kasal niya, si---" napatigil naman si Dwayne sa sinabi niya at napatingin sa Lions.

"Si Lawrence pala, asan?" takang tanong niya.

"Yan ang ibig kong sabihin bro, may kulang eh." sabi ni Drake at thumps up.

"Teka, hindi ko nakikita si Lawrence this past few days." sabi ni Jasper.

"Ako rin, ilang klase na namin na wala siya." - Shone.

"Di ko rin nakikita ang kotse niya." - Chen

"Tawagan ko nga." sabi ni Shone sabay dial sa phone niya.

"Oy Bro, bakit 'di kana pumapasok?" tanong ni Shone ng masagot agad agad ni Jdex ang tawag nito.

"Eh loudspeaker mo." sabi ni Drake. Ni loudspeak naman ni Shone.

[Some stuffs] sagot lang ni Jdex.

"Start na ba ang training mo?" takang tanong ni Dwayne.

[Not yet, uhm...like what I've said. Just some stuffs] walang ganang sagot niya. Nagkibit balikat naman sila.

Dumating naman si Shidley at lumapit ito sa mga Lions.

"Excuse me, Hi Lions, si Dexter ba nakita niyo ngayon?" tanong niya.

Sa kabilang linya naman. Narinig ni Jdex ang boses ni Shidley kaya inend call na niya ang tawag.

"Wala siya, pero kausap namin siya ngayon." sabi ni Jasper.

"Ito oh" sabay bigay ni Shone ng cellphone niya na hindi niya alam na inend call na ni Jdex ang tawag kanina pa.

"Hello, Dex? Hello. Wala eh." sabay bigay ulit kay Shone ng cellphone.

"Hinang up na niya?" tanong ni Drake. Napailing naman si Shone at nag dial ulit sa phone niya.

"He turn it off." sabi ni Shone. Napabuntong hininga naman si Shidley.

"Ayos ka lang Shidley?" tanong naman ni Grey ng mapansin niya na malungkot ang mukha ni Shidley.

"Galit siya." sabi ni Shidley. Nagtaka naman ang mga Lions.

"Upo ka muna Shidley." pinaupo naman siya ng mga Lions.

"Galit siya sa akin." sabi ni Shidley ng makaupo siya sabay napayuko.

"Kayo na ba?" tanong ni Shone. Umiling naman si Shidley.

"Bakit Arellano? Sila man o hindi, lagi naman yung galit si Lawrence lalo na towards Shidley." sabi ni Jasper.

"Manahimik ka nga Anderson."- Chen. Simimangot naman si Jasper.

"Maybe, galit rin siya sa parents niya." sabay buntong hininga ni Shidley. Nagkatinginan naman ang mga Lions.

 Eye Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon