Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga nito. Nangilid ang luha ko pero mabilis ding pinigilan.


"I know you chose your dreams over me. Nalaman ko iyon Cleo... Humanga ako lalo dahil doon. But I'll wait... Maghihintay ako sa tabi mo. I can protect you.." bumagsak ang ulo nito sa aking balikat. I felt his tears on my shoulders.


"Then what? Screw it again? Baka tuluyan na akong mapaalis sa paaralan na ito. You told me how passionate I am about my dreams. You understand how can I do to achieve it. You got a dream, you gotta protect, right? Lalo pa at naging ganito ang aking pamilya. Then I'll tell you this Caden. I want you gone. " buo at matigas kong sabi.


Naramdaman ko ang paghigpit nito ng yakap sa akin.


"No please...please.. kahit sa tabi mo lang Cleo..."


Pilit kong tinanggal ang yakap nito sa akin.


"Respect it. Be gone. Be gone out of my life."


"Tell me. Hindi mo na ba ako mahal? Do you like him?" Sa unang pagkakataon ay tiningnan ko sya sa kanyang mga mata.


I remained calm and cold. Sa bahay na lamang ulit ako iiyak pagkatapos ng lahat ng ito. Ngayong narinig ko ang paliwanag niya ay napatunayan ko kung gaano ko siya kamahal. I want him back in my life but I know he can't help me right now. Hindi ko pa kayang ibalik sa kanya ang tiwala ko.


Trust is important in a relationship. It was a foundation of love. Kung wala kami noon ay wala rin itong halaga. Besides, Mommy wants me to be a doctor. I should not disappoint her. She experiences enough for us. Nagtiis ito ng matagal para lamang mapanatiling buo ang aming pamilya. Kaya kailangan kong makabawi at unahin naman siya.


Kung ito lamang ang paraan para sa malayo si Caden sa akin ay gagawin ko. Pinantayan ko ang mainit niyang titig sa akin.


"Hindi mahirap magustuhan si Seth. He was there when everything was messy. He becomes my med school buddy. Hindi nya ako kailanman pinilit na magkwento..." tumigil ako dahil kitang kita sa mata nito ang pamumuo ng mga luha. This is it. Kaunti na lamang Millie at susuko na ito.


"He taught me that a relationship isn't always 50/50. Some days one of you struggles. You suck it up and pick up the 80/20... because they need you and that's love" ngumiti ako.


Umiwas ito ng tingin at pinunasan ang mga luha.


"I need to go. Naghihintay na si Manong Roy. "


He didn't say a word. He just nods and smiles.


Pagkalabas ko sa kanyang sasakyan ay tumakbo agad ako at hindi na ito nilingon. I can't look at him. Dahil alam kong babalik ako sa kanya at yayakapin ito.


Nag-unahan agad ang aking mga luha. Halos hindi ako makahinga roon. Lahat ng emosyong itinago ko habang kasama siya ay inilabas ko. Ang makita syang nasasaktan ay doble sa akin. I know my words kill him. Pero makabubuti ito sa amin. Maybe this is worth it. If the sky wants us to be together, it will make a way.


Manong Roy silently watched me. Hindi ito nagsalita at patuloy lamang sa pagmamaneho. Hiniling ko na lamang na sana ay wag itong uulitin kay Mommy.


Magdamag kong iniyakan ang nangyaring iyon. Every time I closed my eyes. I see his face. How he begged and cry in front of me. Ilang beses ko ring pinigilan ang sarili ko na tawagin siya. I know myself, pag nakita ko siya bukas o pag kinausap niya ulit ako ay mawawala ang pader na itinayo ko. I will immediately go back to him.


Namumugto man ang mata kinabukasan ay pinilit ko pa ring pumasok sa school. Dahil din sa puyat ay nanghihina ako ngayon sa sasakyan. I want some cookies. Dumaan muna kami sa Mad X Coffee Shop and Pastries. I smiled bitterly. Ang lahat ng alaala namin dito ay bumalik sa aking isipan.


"Ma'am Millie. " si Kuya Roy iyon.


May pagtataka sa mukha ko dahil wala itong bitbit na cookies.


"Wala na agad cookies Manong?"


"Hindi na raw sila nagtitinda noon Ma'am. Nawalan na raw po ng stock mula kahapon?"


Nagulat ako roon. Hindi kaya.... but it would be childish right? Siguro ay nagkataon lamang iyon. Isa pa ay nawalan ng stock. Hindi naman sinabi na face out na iyon.


My phone rang and caught my attention. It was Cristy. Manager sa condo na tinuluyan ko.


"Cristy, hayaan mo na muna. Aalis din iyan agad o ka-"


"Ma'am ayon na nga po ang good news. Wala siya rito ngayon."


Napatigil ako sa sinabi niya. So Caden didn't wait for me there. Hindi na ito nagpakita sa condo ko. Was he gone?


I called Manang to get an answer to my question.


"Manang. Nandyan po ba sya?"


"Oo. Pero umalis din agad. Humingi lamang ng paumanhin sa amin dahil sa madalas na pagpunta niya rito. Hindi na raw mauulit."


Natulala ako roon. So my words affect him. Nakuha ko na ang gusto ko. He didn't bother me from now on. Pero bakit hindi ako masaya roon.


Marahan ang naging lakad ko papuntang classroom. This is his last routine, the flower on my desk.


"Millie. Himala ah. Sumablay ngayong araw ang nagbibigay sayo ng rose"  Lovely said.


May pagtatanong sa mata ni Seth noong bumaling sa akin. Pero wala itong sinabi. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. My heart is beating so fast para rin itong pinipiga. Dahilan para sumakit ito. Kasabay noon ay ang panlalamig ng aking tiyan. Sumuko na ba talaga ito?


The next day, it was the same. Wala ito sa condo. Wala sa bahay at wala na ring bulaklak. Seth asked some students too if they see someone that is not from our department. Pero pare-parehong wala ang sagot ng mga ito.


Tumingala ako at nakita ang langit. Sunset na. Panibagong araw na naman ang lumipas. I saw an airplane too matapang nitong hinarap ang mga ulap. Hinintay ko ang paglitaw nito pero hindi ko na muli nakita ang eroplano. The sky lost it.


"Was he really gone?" I whispered.


----------------
:)))) Thank you.

The Heartbeat of SkyWhere stories live. Discover now