I Mess You

1 0 0
                                    

"You. Shut up!" sigaw ko sa kaniya habang sinasamaan siya ng tingin.

Kita ko naman sa mukha niyang hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon sa kaniya, lalo na't hindi siya nakakibo agad. Pero napuno na talaga ako sa ugali niya kaya't ni mismong sarili ko ay hindi ko rin napansing sinigaw ko na pala 'yon kaya natigilan rin ako sa nagawa ko. Pero ilang segundo lang rin 'yon at nakabawi ako agad. I smirked at him.

Napaawang ang mga labi niya. Hindi ko pa man nabasa ang ekspresyon niya ay bigla na lang may dumating na mga men in black bodyguards at dinampot ako. Lumakas ang mga bulong-bulungan ng mga taong nakapaligid sa 'min. Pati na rin ang kaba ko.

"Wait, s'an niyo ko dadalhin?!" sigaw ko sa mga men in black bodyguards na 'to saka nanlaban.

"Young master," tawag ng men in black bodyguard na nakahawak sa 'kin sa lalaking nakaharap ko kani-kanina lang.

Kumunot ang noo kong pinagmasdan siya at ang men in black bodyguard na 'to sa tabi ko. Acer smirked at me before nodding his head to this bodyguard of his.

Sandaling hindi ko nagets ang mga palitan ng senyales na 'yon sa kanila pero nang buhatin ako ng bodyguard niya na parang isang sako ng bigas ay naintindihan ko na agad.

"What the fuck are you doing? Put me down this instant!" utos ko sa bodyguard habang pinaghahampas ko ang likuran niya. Pero parang wala lang 'yon sa kaniya at nagpatuloy lang sa paglalakad palayo sa hallway na 'yon.

"Pasensiya na young mistress Rian ngunit ang young master lang ang sinusunod namin." Tumigil ako sa paghampas sa kaniya at itinukod na lang ang siko sa likod niya bago pumangalumbaba.

Kunot noo kong pinagmasdan ang sahig na siyang kaharap ko lang sa ngayon na parang mabubutas na 'yon sa isang tinginan ko lang.

"Aurrrrrrrrgggghhhhhhh!" I grunted in annoyance and in frustration.

Nakakainis na wala akong magawa. At mas lalong nakakainis na naka-upside down ako ngayon!

"Aceeeeer! Seriously, tell this fucking bodyguard of yours to put me down. Mamamatay ako ng maaga nito!" reklamo ko habang bored na nakapangalumbaba pa rin.

Narinig ko pang tumawa siya sa unahan. And I really just have to roll my eyes for that. Tawa pa lang niya, nabubwesit na ako ng sobra.

"Wait, what? Mama—eh?" I rolled my eyes before scrunching my face in annoyance.

"It's ma-ma-ma-tay, idiot," sabi kong in-emphasize ang bawat syllable ng salita.

"Young mistress Rian, wag po kayong mapangahas pakiusap," paalala ng men in black bodyguard niya na in-charge sa 'kin.

"Yeah, sorry," sabi ko na lang.

"It's okay," saad ni Acer. Yumuko naman ang men in black bodyguard na 'yon sa kaniya.

Marami kasi talaga siyang men in black bodyguards at sa bawat fiancée niya ay may naka-assign na men in black bodyguard na alam ang local language ng fiancée na kasama niya. Ang social nga eh, pati men in black bodyguards niya, multi-language pa! At kailangan talagang alam nilang lahat kung paano magsalita ng English.

"Anyway, what does that mean? That word mamamatay," tanong niya na medyo natagalan pa sa pagsabi ng mamamatay.

"Seriously? Why are you even trying so hard to learn in how to speak Filipino?" iritang bwelta ko sa kaniya.

Naiinis na kasi talaga ako kung bakit gustong-gusto niya na matutong magsalita ng Filipino. Lalo na't ako pa ang pinepeste niyang turuan siya. Eh pwede naman siyang maghire ng tutor, kung gugustuhin niya. Though madali naman siyang turuan at sa katunayan nga'y nakakaintindi na siya ng Filipino, may mga words lang na hindi niya pa talaga maintindihan at hindi pa siya makapagsalita ng purong Filipino talaga.

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now