Unwanted Love

1 0 0
                                    

Nikolai's POV

Lahat na naman ng mga mata ay namamanghang sinulyapan siya habang naglalakad sa parte na 'yon ng aming paaralan. Lahat ng mata'y humahanga at kulang na lang ang basbas ng mga bituin upang opisyal na ipamatnugot na ang mga ito'y nagniningning na kauri nila. Pero hindi lang iyon ang masasalamin mo sa kanilang mga mata, pagkat sa likod ng paghahangang 'yon ay nagtatago ang takot na kanilang nadarama.

Reila. Ang gandang pangalan para sa isang babaeng tinuturing na pasaway, isang babaeng walang takot na sirain ang nakasanayan na ng lahat ng tao, isang babaeng walang pakialam lumabag sa mga batas na sa tingin niya'y walang kwenta at nakakatapak na ng moral, isang babaeng hindi takot isiwalat ang katotohanan kahit sa mata ng iba ay maling-mali, isang babaeng walang pakialam sa sasabihin ng iba hangga't sa tingin niya'y tama ang ginagawa niya at wala siyang inosenteng taong natatapakan at nasasaktan sa proseso.

Sa tingin ng lahat, nakakahanga ng sobra at nakakatakot pero nakakahanga pa rin. Bakit nga ba hindi? Halos lahat ng tao ay naghahangad ng kalayaan sa buhay. At ang pagiging isang katulad ni Reila na parang walang pakialam sa lahat ng bagay ay siyang pinakamainam na paraan upang maging malaya. Pero mali sila sa isang bagay, dahil hindi madaling maging ibang tao. Hindi madaling maging isang Reila.

Iba't iba ang mga pinagdadaanan nating lahat. May mahirap. May mabigat. May maliit. May malaki. May katamtaman. May hindi na nakakaya pero kakayanin. May muntikan ng isuko. May iiiyak muna. May ipapahinga muna. May nakakainis na. May nakakapagod nang talaga. At marami pang iba. At lahat ng iyon ay hindi dapat minamaliit kahit gaano pa kalamang ang sakit na nararamdaman natin at kahit gaano pa kabigat ang pinagdadaanan natin kaysa sa kanila. Dahil lahat ng iyon ay may iba't ibang klase ng epekto sa 'tin. At sa simpleng rason na, walang nakakaalam ng nararamdaman at iniisip nating lahat sa oras na pagdadaanan natin ang iba't ibang uri ng karanasan. Ganun lang naman kasimple.

Isarili na lang natin ang mga komento natin sa kanila dahil kahit gaano 'yon kaliit para sa atin. Kahit gaano 'yon kababaw hindi natin malalaman ang magiging epekto nun sa kanila.

"Ito. Pakipasa na lang sa masungit nating guro," maangas at naiinis niyang sabi sa 'kin habang binibigay ang isang proyekto na dapat ay sa apat na susunod na araw pa ipapasa.

"At ito, ipasa mo 'to mamaya. Ayokong may hindi ako nagagawang takdang aralin. Ito ring isang 'to, pakipasa na lang sabay nang sa'yo. Ah basta! Ikaw na ang bahala sa mga 'yan," naiinis na tapos niya saka tinambak sa harapan ko ang lahat ng dapat na ipasa namin ngayong buong Linggo sa paaralan.

Nakatulala lang ako sa kaniya habang sinisilip kung gaano na naman kabigat ang ipinapahiwatig ng mga mata niya. Maangas lang siyang tingnan sa labas pero hindi lang siguro siya napagsabihan na pinagtataksilan siya ng inosente niyang mga mata.

"Hindi ka na naman ba natulog nung Sabado?" walang emosyong tanong ko sa kaniya.

Nahinto siya sa ginagawang pagpapatong-patong ng mga proyekto niya sa mesa ko saka nanghihinang sinulyapan ako. Sa tatlong segundong iyon ay nakita kong bumalik ang dating Rei na kilala ko. 'Yong kaibigan ko. 'Yong kababata ko. Umiwas siya ng tingin at antipatikang umirap sa hangin. At sa pagbalik ng mga mata niya sa kin ay nawala na naman siya. Hindi ko na naman mahagilap si Rei sa kaniya hangga't hindi ko siya tingnan sa mga mata.

"Ano ba namang pagpipilian ko? Ayokong makitang disappointed na naman sila sa 'kin nang dahil lang sa hindi ko masusunod ang isang bagay na gustong-gusto nilang gawin ko. Tss! And they want me to join business parties these coming days! And we have tons of projects to pass this week!" Napailing ako at suminghal.

"Ang lakas mong lumabag ng mga alituntunin sa paaralan pero kahit ni isa ay 'di mo malabag 'yang nakamamatay na mga gusto ng mga magulang mo." Napatiim-bagang ako nang hindi siya nakasagot at sa halip ay nagsindi lang ng isang pirasong sigarilyo —na hindi ko alam kung saan na naman niya nakuha—habang nakatalikod sa 'kin.

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now