Race for Marriage

5 0 0
                                    

Dannaya's POV

Panay pikit ang ginagawa ko habang nakaangkas ng motorsiklong pinagdadrive ni Papa. Nahihiya kasi ako sa t'wing may mga taong napapasulyap sa 'kin nang dahil sa suot ko. Sino ba kasing tanga ang magkakaideya na magsuot ng dress na hanggang ibabaw lang ng tuhod habang nakasakay ng motorsiklo? Wala ng iba, ako lang!

Paano ba naman kasi, pilitin ba naman daw ako ni Mama na isuot ang mga damit na minsanan ko lang na sinusuot. Kaimbyerna kasi! Nang nalaman niyang may lakad ako, e ipinaghanda na niya ang dress na isusuot ko at kinandado ang cabinet ko. Hindi niya man lang inisip ang kalalagyan kong sitwasyon dahil sa ipinasuot niya sa 'kin! Hayss...

Buti na lang at nainda ko ang kahihiyang inabot ko hanggang ngayong pauwi na kami ni Papa sa maliit na bayan namin.

Screeeeeeech!

Muntik na akong lumipad sa ibabaw ng ulo ni Papa dahil sa biglaang pagpreno niya. Phew! Anong nangyari?

Naidilat ko tuloy ng walang oras ang mga mata ko. Hindi naman kasi ako nakapaghanda sa surprise brake na yon! Kaloka!

"Okay ka lang diyan 'nak?" Unconsciously, napatango ako sa tanong ni Papa kahit 'di lang rin naman niya ako nakikita. At nang marealize ko 'yon ay nagsalita na ako. Para akong tanga!

"Oo 'Pa, anong nangyayari?" Hindi pa man sumagot si Papa ay nagkusa na rin ako sa pagsilip sa unahan. At dun, may nakita akong kotseng nakaharang sa dadaanan dapat namin.

Napakunot pa ng sobra ang noo ko para isipin kung saan ko nakita ang kotseng sobrang familiar na nasa harapan namin. At nang lumabas sa driver's seat ang nagdadrive niyon ay dun ko napagtantong kotse nga pala 'yon ng anak ng mayor ng bayan namin.

Si Flint Skyler Braxton, isang ¾ Filipino at ¼ American na ubod ng sungit at suplado. Sa school, walang nakakatibag diyan kasi bukod sa kadahilanang kanila yong school, e aba! Asahan mo na lang na masasangkot ka sa isang financial breakdown. At dahil dun, crush ko siya in a not higher level. Sino ba namang hindi hahanga sa tulad niyang gwapo at mayaman, e untouchable pa. Tanga lang sila kung ganun! But I'm not one of those girls who fell head over heels for him, kulang na lang ay lumuhod ang mga 'yon sa harap niya at sila na ang magpropose na maging boyfriend siya. Cause come on, they're just exaggerating their admiration for him.

"A-ano pong problema?" See? Pati si Papa, mukhang kinabahan pa sa kaniya. Intimidating naman kasi siyang kaharap. Pero ewan ko ba't hindi ako natatablan sa kaniya.

Ipinilig niya lang ang ulo niya sa direksiyon namin-- "Let's park our vehicles aside first." --bago naglakad pabalik sa kotse niya.

Bumaba na lang ako ng motorsiklo kasi mukhang magkakaaberya pa ang byahe namin. Pati si Papa e bumaba na rin at pinark na muna ang motorsiklo sa tabi ng kalsada para di naman kami makaabala ng iba pang taong dadaan na mukhang wala naman yata. Malayo-layo kasi talaga ang bahay namin sa kabihasnan. At dahil sobrang malas ko na mula nang ipinanganak ako ay kapitbahay ko pa ang mayor namin, which means, kapitbahay ko rin si Skyler.

Ang dami ko ngang friends dahil dun e. Palaging bumibisita sa 'min, nagbabakasakaling masulyapan si Skyler sa pagpunta sa 'min. Dami tuloy naming gastos nun, pasnack sa mga feeling close friends ko nun. Mga damoves nga naman ng mga tao. Tsk tsk tsk!

Akalain mo 'yon, masulyapan lang nila si Skyler okay na sila, buong-buo na ang araw nila. E kumusta naman kaya akong gabi-gabing nasusulyapan siya sa balkonahe ng kwarto niya (na kaharap ng balkonahe ng kwarto ko) na naggiguitar at kumakanta pa! Ang swerte ko 'no. Well, hindi naman masyado para sa isang scholar sa school nila na katulad ko. Kailangan ko kayang mag-aral sa t'wing free time ko sa kwarto, at ang marinig ang pagkanta niyang boses mala-anghel ay super duper nakakadistract sa pag-aaral ko. Sa inis ko tuloy, palagi ko siyang pinagsasarhan ng pintuan ng balkonahe ng padabog para malaman naman niyang nakakaistorbo siya ng ibang buhay ng tao. Kahit ang totoo, gustong-gusto ko naman talaga siyang marinig na kumanta kasi naiimagine kong parang hinaharana niya ako gabi gabi. Ang feeler ko rin 'no? Wala e, kahit papaano, crush ko rin kasi. Haha.

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now