When the sea takes you away...

2 0 0
                                    

"Hoy, Tin! Nakikinig ka ba?"

"Ano ulit?" Binaling ko ang paningin sa kaibigan. Kinunotan niya ako ng noo bago sinilip ang taong tinititigan ko kanina. Nang makita niya kung sino ay tinaasan niya agad ako ng kilay.

"Anong meron kay Kaizer?" mapang-usisa niyang tanong sa 'kin. Hindi ako sumagot. Paano ko naman sasabihin sa kaniya ang nakita ko kagabi? Magmumukha lang akong baliw.

"Gusto mo 'no? Yiiieeee. Nagdadalaga ka na Tin!" tukso niya. Inirapan ko siya habang hagikhik lang ang sinagot niya sa 'kin.

"Hindi ko siya gusto kung mas higit pa sa pagiging kapatid o pagkakaibigan ang iniisip mo. Baliw ka talaga eh kapatid ko 'yang tinutukoy mo. May iniisip lang ako kaya't tumigil ka na diyan, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Ang lakas talaga ng boses mo," sita ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako bago hinampas at tumawa na naman, mas mahina na nga lang kumpara kanina.

"Hindi naman kasi bawal at mas lalong hindi incest. Inampon lang naman siya ni tita kaya why not 'di ba? Besides, ang gwapo ni Kaizer," she sigh dreamily while looking at Kaizer playing basketball.

Ako pa talaga ang tinutulak niya. Baka siya nga 'tong may gusto sa adopted brother ko. Kung makatingin, akala mo'y nakahubad na si Kaizer sa harap niya. Napailing na lang ako.

"Back to practice!" Napaigtad ng wala sa oras si Raia.

"Hala ka! Nandiyan na si Sir at Ma'am, Tin, iwanan na muna kita diyan," sabi niya sa 'kin bago nagtatakbo pabalik sa sentro ng gym. Kumaway siya sa 'kin kaya nginitian ko na lang rin.

Kasali sa mga cheerleaders ng school si Raia kaya nasa gym sila ngayon. Ako ay kasama lang sa mga taong nakikinood sa kanila at ng basketball team ng school na mag-ensayo. Mula kay Raia ay nalipat ang tingin ko kay Kaizer na kasalukuyang naglalaro ng basketball kasama ang mga kagrupo. Pawis na pawis na siya at hingal na rin, gaya ng iba, pero nagpatuloy pa rin sila sa paglalaro.

Kumunot na lang ang noo ko nang yumuko siya at dinama ang dibdib. Maya maya pa ay umiling ng ilang ulit na parang mawawalan na ng malay. Napatayo ako. Ewan ko kung bakit pero tumayo ako.

"Kai! Patungo sa'yo 'yong bola!" Huli na, nasapol siya sa noo. Nagsigawan ang mga kasamahan ni Raia sa cheerleading nang bumagsak bigla si Kaizer sa sahig. Natulala ako.

"Kaizer!" Nagsipaglapitan naman sila kay Kaizer. Bumaba ako mula sa mga upuan para mas makita pa kung ano na ang nangyari at huminto lang 'di kalayuan sa kanila.

"Oh. May lagnat ka pala, bakit sumali ka pa sa laro?" rinig kong tanong ng coach ng team nila sa kaniya, si Sir Morris.

"Ayos lang po ako." Dahan-dahan siyang tumayo at inalalayan naman siya sa mga kasamahan niya sa team.

"Anong ayos lang? Pasaway kang bata ka. Talaga naman!" gigil na wika ni Ms. Perez sa kaniya, siya ang coach ng cheerleading team. Nang namataan ako ni Ma'am sa gilid ay nginitian niya ako. Ngumiti rin ako ng pabalik sa kaniya.

"Nandito pala si Tin. Pwede bang samahan mo itong si Kai sa clinic Tin?" Nagkatinginan kami ni Kaizer. Hindi siya umimik kaya't itinulak siya ni Ma'am ng mahina papunta sa 'kin.

"O siya! Balik sa practice!" sigaw na uli ni Ma'am. Nagsipagbalik naman ang dalawang grupo sa ginagawa habang panay sulyap sa aming dalawa.

Ang mga kasamahan ni Kaizer sa grupo ay panay ngisi sa 'kin. Nailing na lang ako. Paano ba kasi, pare-pareho silang lahat ni Raia kung mag-isip. Ma-issue. Si Raia naman ay ngumiti lang sa 'kin ng tipid at sumenyas na mauna na lang akong umuwi.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya Tin. Pahinga ka bro!" Tumango ng tipid si Kaizer sa kanilang team captain.

"Uh.. Tara, samahan na kita sa clinic," sabi ko. Hindi siya umimik pero nauna na rin naman siyang naglakad kaya't sumunod na rin lang ako.

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now