Marry me my way

0 0 0
                                    

Napairap na lang ako sa hangin nang nahuli ko na naman siyang nakatitig sa 'kin. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang nakaw na tingin niyang mga 'yon sa 'kin na para bang may pinapahiwatig. His eyes were giving me signals all this time. And damn my own eyes for receiving the message he's trying to tell! Hindi rin naman kasi ako manhid para hindi mapansin na may pagtingin siya sa 'kin. It's so damn obvious! And damn him too for not denying it!

Sa t'wing nararamdaman kong may nakatitig sa 'kin ay napapalingon talaga ako sa kung saan 'yon nanggaling. But he wouldn't avoid my gaze! Mas pipiliin niyang makipagtitigan sa 'kin hanggang sa ako na lang ang naiilang at ako na rin lang ang iiwas ng tingin! He would just stare at my eyes dangerously, as if saying that I would just back off because he is being true with his feelings for me and I can't do anything about it to waver. The intensity of his gaze makes me uncomfortable that I can't stand an eyes to eyes with him.

Napayuko ako sa frustration na nararamdaman. I hate his stares! I hate the intensity it proclaims! I hate how he can make me uncomfortable just with that! And I hate him for that! Kailan pa kasi kami uuwi?! Kinalabit ko si kuya na nasa gilid ko lang. Binalingan niya naman ako matapos ko siyang makalabit ng pang-anim. He looked annoyed at me for being an annoying sister so I pouted at him as a response.

He frowned. "Ano na naman Lexi?!" pabulong ngunit pagalit niyang tanong sa 'kin.

"Inaantok na po ako kuya, uwi na tayo please.." pagsusumamo ko sa kaniya. He just frowned deeper at me, ayaw maniwala! So I faked a yawn with my hand covering my mouth.

I'm really tired! Hindi sa antok na talaga ako kundi dahil nakakapagod talaga 'yong mula kaninang dinner (6:00 PM) hanggang ngayong 9:00 PM na ay tungkol pa rin sa politika ang pinag-uusapan nila. At hindi ako makaentra sa mga pag-iinarte ko kasi wala naman kami sa bahay namin. We're invited by our mayor, who is by the way running again for the upcoming election, to have a dinner. We're friends with the family. At ang dinner na 'yon ay nahantong sa walang kamatayang usapang politika. Interested na interested naman silang tatlo ni mama, papa, at kuya dahil ewan! Maybe because we're a family of lawyers na mukhang mabebreak ko because I'm taking military nursing. Kaya heto ako, inaartehan si kuya para mauna na kaming umuwi na mukhang wrong move naman yata dahil nabaling ang atensiyon ni tito(mayor) sa kin!

"Oh. Inaantok ka na ba iha?" I smiled awkwardly to tito bago umiling.

"Hindi po. Uhm. . ."

He smiled sweetly at me, parang naiintindihan niyang hindi ko gusto ang pinag-uusapan nila at nabuburyo na ako dito. "Mauna ka na kayang magpahinga iha. Mukha kasing mataas-taas pa ang pag-uusap namin dito. Just stay in one of our rooms."

Iiling na sana ako at tatanggihan ang offer ni tito, natigil lang nang bumaling siya sa nag-iisang anak niyang lalaki na nakatitig pa rin sa 'kin at kinausap ito. "Blake, why don't you show Lexi a cozy guest room to rest in?" My face literally turned sour, lalo na nang umangat ang isang gilid ng labi ni Blake, a familiar ghost of a cruel smirk forming his lips.

"Sure. Come Lexi." His baritone husky voice made something crawl underneath my skin and goose bumps to form on it. Napakagat ako sa ibabang labi. For some reason, my heart boomed uncontrollably inside its cage. Tumayo na rin lang ako, nahiya ng tumanggi dahil nakapagdecision na rin naman si tito.

"Mauna na po ako." magalang kong paalam sa kanila. Kuya just looked at me in a serious expression then to someone behind me, Mama embraced me for a short second sweetly while bidding me a goodnight, Papa just nod at me, while tito and tita just smiled at me sweetly.

Tinalikuran ko silang lahat at humabol kay Blake na nauna ng naglakad, kabang-kaba pa rin ako. Hindi ako mapakali habang nakasunod sa kaniya dahil naalala kong noong una kong nakita ang nakakatakot na smirk niyang 'yon ay kinuha niya ang first kiss ko ng walang pasabi at ni hindi ko ginusto 'yon! It was so fast na hindi ko nasundan ang mga galaw niya, natauhan na lang ako nang kinakagat-kagat niya na ng mahina ang ibabang labi ko. I slapped him hard that day! I even told him I hate him and probably would never like him in my entire lifetime! At ngayon, nakita ko na naman 'yon...

Under the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon