Tied

0 0 0
                                    

"Baby, please.." I closed my eyes as a knot on my forehead formed.

"Stop calling me that, you idiot!" I retorted in a gritted teeth. Binalingan ko siya ng masamang tingin. Napalabi naman siya dun.

"Alam mo, ang gago mo. Kung may makarinig sa 'yo? Ang alam ng lahat ay naghiwalay na tayo. Ayoko ng gulo Renzel, pwede ba!" bulyaw ko sa kaniya.

Lumipat ako ng upuan upang makalayo sa kaniya kahit alam ko namang susunod lang rin siya sa 'kin. Wala lang, na-stress lang ako sa kaniya at may kung ano lang na nagtulak sa aking umalis sa kinauupuan ko kanina. Nagbitiw ako ng buntong-hininga. Sana pala'y 'di na lang ako dumalo sa kasal niya.

"Ayokong makasal sa kaniya baby. Ikaw lang 'yong gusto ko, ayokong masakal ng tuluyan sa ugnayang 'to."

Napapikit na naman ako sa mga narinig ko. Kung hindi lang rin ako nakatali sa responsibilidad ay magrerebelde na rin siguro ako sa 'king pamilya. Pero kasi.. Nakagat ko na ng tuluyan ang aking ibabang labi. Nakakabaliw, mababaliw na talaga ako!

"Anong gusto mong gawin ko kung ganun?" mahina at nanghihinang tanong ko sa kaniya. Parang konti na lang at bibigay na ako sa mga pakiusap niya.

Niyakap niya ako mula sa likuran at sinubsob ang mukha sa may leeg ko. "Samahan mo ako, magtanan na tayo," bulong niya sa 'kin na nagpatindig ng lahat ng balahibo sa katawan ko.

Nakagat ko uli ang labi ko sa sinabi niya. Sana ganun lang kadali. Sana madali lang na balewalain lahat ng mga responsibilidad ko sa buhay at talikuran ito ng tuluyan para sa kaniya, para sa taong mahal ko, para sa kaligayahan ko.

Pero bakit ganun? Bakit kahit mahal na mahal ko siya, hindi ko pa rin kayang talikuran ang lahat para sa kaniya? Parang ang hirap kumawala sa mga taling pilit akong pinipiit sa gitna, kahit gusto ko nang kumawala, kahit ayoko na rin katulad ng sinabi niya sa 'kin. Bakit parang wala naman yata akong pagpipilian kahit ang sabi ng karamihan ay meron naman? Bakit ang sakit?

Napayuko ako. Ang sakit sa dibdib, nakakaiyak. Parang... ewan, hindi ko matukoy sa pamamagitan ng salita.

"Hindi kasi pwede Zel," mahinang sambit ko sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi ko, hindi siya gumalaw.

Parang kahit ang sabihin lang 'yon sa taong mahal ko ay lumalason na sa buong pagkatao ko. Parang pinipiga 'yong puso ko sa sakit. Parang pinupunit 'yong lalamunan ko, parang ang bigat, parang may bumabara. Ewan ko, basta ang alam ko lang, sobrang sakit.

Naramdaman ko na lang na basa na 'yong bandang leeg ko. Mas lalong piniga ang puso ko dun.

Ang gago. Nasasaktan ko na naman siya. Ba't ganito? Ba't kailangang ganito? Bakit 'di na lang maging kami? Ba't 'di na lang muna kami pagbigyan? Ba't walang may gustong makinig sa 'min? Ba't ang daya nito? Bakit ang sakit magmahal? Bakit naman kasi hinayaan pa kaming pagtagpuin kung hindi man lang rin kami magkakatuluyan?

"Sorry Renzel, sorry.. 'Di ko si-sinasadya. Sorry.." Napahagulhol na lang ako ng tuluyan.

Ang sakit na wala man lang akong magawa ngayon. Ang sakit na wala man lang nakakaalam ng sakit na aming pinagsasaluhan. Ang sakit..

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. Parang nagsasabing ayaw niya na akong bitiwan. Parang nagsasabing kahit hawak niya ako ngayon ay nangangamba pa rin siyang bigla na lang kaming paghihiwalayin. Parang nangangahulugang ito na ang huli, parang pamamaalam. Masakit na pamamaalam..

'Yong kahit 'di niyo kumpirmahin o sabihin man lang ay alam niyo nang ito na talaga ang huli, ito na ang katapusan ng lahat. Ito na 'yong pagtatapos ng lahat ng nasimulan niyo na hindi man lang matatapos ng matiwasay. Ganung klase ng pamamaalam. Isang pamamaalam na hindi kailanman ninais at nanaisin pero nangyayari ng walang pasabi ninuman. Nakakagago.

Under the MoonlightWhere stories live. Discover now