"Anong desisyon mo, Chen?" Tita asked when the two left.

"Kung lilipat na tayo sa Manila, kulang pa tayo sa gamit d'on. Anong gagawin natin?"

Sumandal ako sa counter matapos tulungan siyang magligpit sa table.

"May inalkila ang Mama mo noon sa mga gamit. Hindi pa kompleto ang mga gamit pero naroon na rin naman daw ang mga importante kaya 'wag ka ng mag-alala. May ipon din ako kaya pwedi ng pangdagdag. "

"Tutulong din ba si Tito sa gastusin? Bakit kasi sa Manila pa mag-aaral si Sabine? Maayos na ang pag-aaral niya sa Xavier, ah?"

Inikot niya ang mata at umirap. Nang magsimula siyang maghugas ay tumabi ako sa kaniya para tumulong.

I never been this helpful to Tita. Natuto lang ako nang mag-France ako at bumabyaheng mag-isa.

"Ewan ko nga rin sa Sabine na'yun. Pero hayaan na natin, magpapadala rin naman si Carlitos, eh. Bati naman kayo ni Sabine, 'diba?" siniko niya ako at ngumisi.

Umismid ako at hindi nalang sinagot. Tinulak ko siya at nagpumilit na ako nalang ang maghuhugas.

The next days, Tito Carlitos came back with his wife this time. Pinag-usapan lang nila sa baba ang pagma-Manila namin kasama si Sabine.

Sinundan ko ng tingin ang puting sobre na inabot ni Tito kay Tita Helen. Umismid ako at mulig bumalik sa kuwarto.

I don't like the idea of us migrating in Manila. Kinakabahan ako sa mangyayari sa'min do'n.

Before our flight, I took an entrance exam in Crestwood online. Ganoon din kasi ang ginawa ni Sabine kaya sinabihan ako ni Tito na mag-take din.

Hindi ko pa natatanggap ang result hanggang sa flight na namin.

Hawak-hawak ni Tita ang kamay ko habang nasa loob kami ng SUV ni Tito Carlitos. Katabi ko rin si Sabine at ang asawa naman ni Tito ay nasa unahan.

I can't believe I'm staying in Manila. Not that I don't want it or I couldn't get used to it.

Naiisip ko palang si Primo ay kinakabahan na'ko.

I don't think Tita knows about Primo. Pero sa tingin ko ay sinabi ni Mama kay Tita ang tungkol sa pagtulong ng isang lalaki sa kaniya. Hindi rin naman siya nagsasalita tungkol sa lalaki.

"I'm sorry, Chen. Kung hindi lang magandang opportunity ang naghihintay sa'kin sa Manila, hindi na sana tayo pupunta d'on. " nanlulumong sambit ni Tita Helen.

"It's okay, Tita. To live there was really my Mama's plan, napaaga nga lang ngayon. " pampalubag-loob ko sa kaniya.

Sabine's parents cried the moment we arrived at the airport. I looked away when I remember Mama.

"Please take care of Carlitos, Helen. Sabihin mo sa'min ang problema doon, baka sakaling makatulong kami. " si Tita Sarah na pati kami ni Tita ay niyakap din.

I went to Tito and also hugged him. Nag-iyakan parin sila habang naglalakad na kami palayo.

Nilingon ko si Sabine na nagpapahid ng luha. Nagkibit-balikat ako at hindi siya pinansin.

Hindi ako nakatulog habang nasa plane na kami at bumabyahe na. I suddenly received email from Crestwood so I took a look on it.

Si Sabine ang katabi ko at nasa kabilang seat naman si Tita Helen. Lumingon ako sa katabi at nakitang nakatanggap din siya ng email.

"Learning in Crestwood could cost a lot of money. Bakit hindi ka nalang sa pam-publikong paaralan mag-aral para kahit papaano mabawasan ang gagastusin ng Mama mong nasa France?"

I passed the exam but here's Sabine, messing me up.

"Don't tell me aasa ka sa amin, Chen?" anas na naman niya.

"How can you be so rude and full of yourself when your family's kind and willing to help, Sabine? Kung sabagay, lumaki ka sa Yaya mo at hindi sa kanila kaya siguro ganiyan ka. "

"How dare you?" inis siyang humarap sa'kin.

Sinalpak ko nalang ang earphone ko pero bigla niyang tinanggal iyon at walang hiyang binuhos sa'kin ang juice niya.

"Don't speak with me like that. Palagi mong tandaan na may utang kang loob sa'min kaya hangga't hindi mo pa kami nababayaran, matuto kang gumalang sa'kin. "

Nagmantsa sa puting blouse ko ang binuhos niya sa'kin. Bahagya pang bumakat ang itim na bra dahil sa basa.

Hindi ko na tinuloy ang pagbabalak kong sakalin siya gamit ang earphone ko at tumayo na lang. Inis akong nagmartsa papuntang CR ng plane.

Kuyom ang kamao ko habang naiisip ang mukha ni Sabine at ang ginawa niya sa'kin. I wiped my blouse with a tissue as if it could remove the stain.

Papalabas na'ko nang makasalubong ko si Aiken. Gulat ako pero siya ay nakangisi lang sa'kin.

"Madame, ikaw pala 'yan. Akala ko sa Cagayan Valley ka. " napakamot siya sa ulo.

Umawang ang bibig ko at nataranta.

"Anong ginagawa mo dito? Galing kang Cagayan?" tanong ko habang napalinga-linga.

"Valley? "

"De Oro! Sino kasama mo, Aiken?"

Tumaas ang kilay niya at nakapamulsang nagpalinga-linga rin sa paligid.

"May inasikaso lang kami ni Primo sa CDO. Ikaw? Babalik kang Manila?"

Tumango ako at kinakabahang sinisilip isa-isa ang mga passengers. Nakangisi parin si Aiken nang lingunin ko siya.

I looked at the back and got astonished by Primo's presence. Kakalabas lang din niya galing CR.

I didn't feel anything on his eyes but cold. Hindi siya kumilos para umalis o lagpasan ako, nanatili lang ang titig niya sa'kin.

"Babalik na'ko, Aiken! Nice meeting you again. " mabilis akong humarap.

"Let's meet again in Manila, Madame. Ano? Libre kitang dinner. Tayong dalawa lang? Malinis ang condo ko, Madame."

Malokong ngumisi si Aiken sa nasa likuran ko. Tumango nalang ako dahil gusto ko na talagang makalayo.

"Text kita kung kailan. O tawagan na lang kita?" Aiken winked at me.

Biglang dumaan sa gilid namin si Primo at tinapakan sa paa si Aiken.

"Aray, gago. Ampotek, ang seloso. "

Napamaang ako nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. I can't help but to assume that it was because of me why they flew to Cagayan.

Ako 'tong naloko niya pero ako 'tong umaasa parin sa kaniya, at mas nakokonsensiya sa ginawa ko sa kaniya.

--

Settle a Score (The Ómorfos Series #1)Where stories live. Discover now