27: Time Stops For Us

26 0 0
                                    

"Uy, Lyra!" Tawag ni Kuya Seth.

"Kuya!"

"Grabe, ilang taon kitang hindi nakita! Kaya nanonood na lang kami nung mga palabas mo," Kwento ni Kuya Seth.

I haven't seen him for a decade, meron na kasi siyang trabaho kahit nung college pa lang ako.

"Muntikan na tayong hindi magkita kundi dahil sa kasal na 'to, Kuya," Kwento ko naman at binati ko na rin yung iba pa naming mga pinsan na 'di ko gaanong nakalapit nung dito pa 'ko nakatira.

"Pwede ba tayo mag-picture? Minsan lang 'to!" Iyon ang karaniwang sasabihin sa akin ng mga babaeng asawa ng mga lalaki kong pinsan pero masaya naman akong pumayag doon.

Medyo napagod lang yung panga ko kakangiti dahil may dumagsa sa akin na mga mukhang hindi ako pamilyar kaya baka hindi ko sila kamag-anak at yung bride ang may alam kung sino-sino sila.

"Kasal 'to, hindi meet and greet with LV!" Ryker said and made everyone around me laughed. "Joke, last na kayo, ah. May gagawin pa 'tong bisita natin sa kasal,"

Kumunot ang noo ko at tinignan siya. Binigyan lamang ako ni Ryker ng isang makahulugang ngiti dahil wala akong ideya sa sinasabi niyang gagawin ko sa kasal.

"Anong gagawin ko?!" Piningot ko ang tenga ni Ryker nung makaalis kami dun sa mga taong gustong makakuha ng litrato kasama ako. Mukhang naubos ko naman silang lahat.

"Tugtog," Nginuso niya kung nasaan si Giara. Ngumisi ang kaibigan ko habang nageensayo gamit ang gitara niya.

"Ha?! Kakanta 'ko?"

"Pwede kang sumayaw, kaso, masisira career mo 'pag ganon." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ka ba, para namang hindi ka magaling kumanta. Malay mo 'pag natapos 'yung kanta, may maging asawa ka na rin. Nasalo mo 'yung bouquet kanina, 'diba?"

"Ikakasal na ba agad kapag nasalo 'yon?! Gano ka kasigurado?"

"Hangga't gusto may pag-asa, hangga't may Achilles, kaya!" Mahinang sambit ni Ryker at tumawa sa sarili niyang biro.

Umirap ako sakanya at lumapit na kami kung nasaan si Giara. Tawang tawa sila na may biglaan akong intermission sa kasal na 'to, eh 'di dapat manghingi ako ng talent fee!

Giara started strumming her guitar again for the chorus. This time, my eyes went to Achilles' because I saw him get seated to his seat and gazed at my direction from there.

My legs trembled with how he looked at me, it makes me feel nervous and makes my heart go for a faster heartbeat like I just came home from a kilometre run.

"You said it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions, watching the shadows burning in the dark, and I'm in love, and I'm terrified, for the first time.."

I glanced at Achilles, and it's a timing that we both looked at each other for a second.

He gave me a bit of his smile and so I looked away.

"In the last time, in my only life.." Giara gave me a smile when I finished the chorus and I gave her a bragging grin about how great I was, that's a joke obviously.

Bumalik ako sa table kasama si Leticia na kababalik lang kung saan man siya nanggaling kanina. May dala na rin siyang pagkain para sa akin.

"San ka galing?" Tanong ko.

"Bumalik lang ako sa clinic saglit," Umiwas siya ng tingin at tumango na lang ako sa dahilan niya.

"Sayang, 'di mo 'ko narinig kumanta,"

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Where stories live. Discover now