19: Small Details

23 0 0
                                    

"Gusto ko ng umuwi ng New York," Iyon ang una kong sinabi kay Ryker nung pagkapasok ko sa opisina niya.

Nilapag niya ang folder na binabasa niya at nagbigay ng atensyon sa akin.

"Wow. Good evening," Sabi niya sa akin. Siya lang naman kasi ang kilala kong dito sa Maynila nagtatrabaho.

"I can't be near Achilles, but what's worse is that I get to work with him,"

"Talaga? Magiging workmates kayo? Pano kayo nagkita kanina? I-kwento mo lahat, please." Parang bata na lumapit si Ryker sa akin habang inaabangan ang mga susunod kong sasabihin.

"Hindi mo ba narinig yung part na sinabi kong ayoko siyang makasama? Hindi pwede!"

"Bakit? Kasi may feelings ka pa rin?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil hindi naman ako sigurado. Hindi ko naman alam. Ayoko lang.

"Hindi ko siya pwedeng makita, marinig, makausap, makasama. Hindi pwede."

Kasi nahihiya ako kay Achilles.

Nahihiya ako sa lahat ng mga ginawa ko sakanya.

"Hindi pwede kasi ayaw mo, eh. Ly, hindi naman na ikaw yung babaeng iniwan siya ngayon. Marami ng nagbago sayo, lalo na yung focus mo sa buhay. Hindi na kay Achilles umiikot yung mundo mo, sa trabaho na lang. Be professional,"

Tumango ako. "Tama ka, libre mo 'ko hapunan." Sabi ko at tumayo. Dinala ang bag ko at tinignan siya.

"Baka panlasang America ka na rin ah? Sa street food kita pakakainin kung ganon!" Biro niya nung kinuha niya ang black coat niya.

"Ikaw, kamusta?" Tanong ko sakanya nung nakalabas kami ng building nila.

He let out a deep sigh. "Miss na miss ko siya pero okay lang, kasalanan naman naming dalawa."

"Ayaw mo siyang makita?" Tanong ko.

He smiled a bit and looked at me before opening his car, "Natatakot na 'kong magmahal, Ly. Natatakot ako kasi alam kong siya pa rin mamahalin ko..."

He got really hurt about his last break up, that was the very first time that my cousin felt scared about dating again. He was a risk-taker back then, a young guy who just loves to get chances.

I don't know if that's a good or bad change but I hope he'll be genuinely happy again. Nalulungkot rin ako dahil wala ako nung mga panahong kailangan niya 'ko, nung nahihirapan siyang makausad.

Umalis na agad ako, biglaan akong umalis at iniwan sila dito.

"Ikaw? Bakit ayaw mo talagang makita si Achilles?" Balik niya sa tanong ko.

"Wala naman na 'kong magagawa ngayon 'di ba? 'Di bale, 3 months lang naman ako dito at aalis na 'ko agad. Kakayanin ko 'yon, mabilis lang naman.."

"Mabilis lang 'yung tatlong buwan kapag mahal mo pa, kasi magiging masaya ka. Pero kung hindi, kung ayaw mo siyang makasama..." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin at nag kibit balikat.

Mabilis lang ang tatlong buwan.

That week was fine, mas nakilala ko lalo ang mga ka-trabaho ko, nagawa namin ni Edward ng maayos ang look test kasama ang iba pang cast. Ang totoong laban ay ngayong linggo dahil start na ng taping.

Morning, Baguio.

Iyon ang caption ko sa bago kong story sa instagram. Nag-reply naman ang mga close friends ko from NYC na miss na nila 'ko at pati sina Giara.

Giara happily working with her job while maintaining a nice career in the music industry, she became one of the most famous female vocalists in Alca when we were in college. No wonder how that success happened when she entered the professional industry in Music.

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Where stories live. Discover now