3: Coffee

77 5 0
                                    

"Oh, Venice," Bati ni Mama nung dumating ako. Mukhang hindi pa sila kumakain ng hapunan, wala pa rin si Papa.

"Si Papa?"

"May night class daw sila, anak. Hindi ba kayo nagkita kanina?" Professor ang tatay ko sa University pero hindi naman kami laging nagkikita dahil malayo ang building ng tinuturuan nito.

"Hindi po, eh, si Leticia?"

"May lakad sila ng kaibigan niya, anak. Did you eat?" Umiling ako. Mukhang si Mama lang ang laging nandito sa bahay, high school palang si Leticia pero kung makaalis ng bahay mas gabing gabi pa ang uwi kaysa sa akin.

Sinabayan ko si Mama na kumain ng hapunan.

"Nagkikita pa kayo ng mga pinsan mo?"

Tumango ako. "Opo. Hindi nga lang ako nakakabisita sa bahay nila. Lagi lang ako nasa trailer ni Ryk," Kwento ko.

"Bakit nga pala dun na talaga siya namalagi, ang laki ng bahay nila sa Forte." Sabi ni Mama.

"Feeling independent 'yon si Ryker, Ma, eh." Banat ko na lang dahil kahit ako rin nagtataka bakit gustong gusto niya don sa trailer. Okay naman sakanila.

Nang matapos kaming kumain, naghugas ako ng plato at pinagpahinga ko na si Mama sa taas. For sure, kung si Leticia rin ang nandito? Si Mama pa rin ang naglinis.

I waited for my sister until 1 am, and a minute after it, she arrived home. Where did she go? Huh?

"San ka galing?" Mahinahon kong tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Oh, so you're concern now?" She said and gave me a smirk, what the fuck? "I told Mom already, I was with my friends."

"Leticia, the malls closed at 10 PM. Where did you go after that?"

"I'm tired, Ate. Isumbong mo na lang ako ulit kay Papa, okay lang. Magaling ka naman dun."

"I'm just looking out for my sister, what's wrong about that?"

"You don't have to, Ate. You don't need to." Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang galit na dala ni Leticia pagdating sa akin. Wala naman dapat eh. Magkapatid kami, eh.

Hindi tuloy ako nakatulog agad dahil nga madaling araw na rin. Malamang ay nasa party si Ryker kasama ang tropa niya, dahil biyernes ngayon.

At bukas, magkikita kami para sa script reading for Act 2. Dalawang linggo na lang ay final play na namin. Sakto 'yon sa opening ng Fair sa University. Kahit hindi iyon ang ideal date, mas marami rin sigurong manonood kapag ganon.

I found myself searching for Achilles Guevarra.

Achilles Guevarra (@achigvrr)
'Time you enjoy wasting was not wasted.' - John Lennon | Film Student
0 posts - 3,546 followers - 20 following

Wow, walang post? Sa dami ng achievements na meron pamilya niya, at mismong siya, wala? Sayang. Akala ko ay mas makikilala ko kung sino siya dito sa mga account niya.

Pero may isa siyang instagram story highlight, kaso parang hindi na rin ako natuwa dahil isang picture yun nilang dalawa ni Haze. Buhat niya si Haze sa likod niya habang naka photo bomb ang dalawang kaibigan nila.

He captioned it, 'Skin ship.'

It usually means they're close and platonic as friends. They can show affection but still it's called friendship.

Maybe for him, not for her.

Pumunta naman ako sa facebook niya, puro tagged posts lang ng mga kaklase niya noon, kaibigan niya sa Manila at pati pamilya niya.

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Where stories live. Discover now