5: Every Time

55 4 0
                                    

"Alam mo ang weird mo, isang linggo lang tayong hindi nagkita o nag usap kung makangiti ka, parang hindi ka na makakangiti bukas."

Achilles: Lyra, alam mo ba bakit gusto kong tawagin lagi ang pangalan mo?

Lyra: Bakit?

Achilles: Kasi bagay siya sa apelyido ko. Lyra Guevarra.

Napangiti naman ako ng malapad at pinalo si Giara dahil sa kilig! Ano ba 'to! Parang ewan! Hehe. Nakakamiss pala 'tong landi landi lang sa sangigilid ano?

Lyra: Sorry ka, hindi kita pakakasalan. Okay na 'ko sa Lyra Santiago.

"Oh eh bakit ka kinikilig?" Napaatras ako mula sa paglalakad nung nakita kong nasa harapan ko na si Achilles. "I caught you, Lyra."

"Epal ka!" Sabi ko na lang, "Giara halika na nga! Gusto ko don sa booth na 'yon."

"Achilles, kung hindi ka pa rin sinasagot ng kaibigan ko, ako na magsasabing Oo. Kayo na!" Sabi ni Giara habang hinihila ko siya.

"Napapagod na 'ko kahihila mo sakin, Ly! Teka lang naman!" Huminto kami dahil hiningal na si Giara sa akin. "Bakit hindi mo inaya yung dalawa? Mas energetic 'yon eh!"

"Ayan na nga sila!" I exclaimed and we saw our two twin friends, Elsy and Casey.

"Buti naman." Sabi ni Giara.

Para saan pa yung pangalan niyang katunog ng Gyera, eh hingal agad siya sa tinakbo namin. Hindi pa nga kalayuan 'yon.

Unlike me, Giara, Elsy and Casey studies in the same university, magkakaiba nga lang ng courses pero at least may mga kaibigan pa rin ako kahit na magkakalayo layo kami.

"Nasan na 'yung manliligaw nitong si Lyra?" Ayan lagi nilang bukambibig kapag kasama nila 'ko at wala silang makitang lalaking nakasunod sa akin. Ganon daw kasi 'yon, eh. Aba malay ko, wala 'kong alam dun.

Nasan nga ba 'yon?

"Ah, pinaalis ni Lyra. Sayang, tumili siguro kayo kasi gwapo." Si Giara

"Talaga? Shet! Bingo ka na talaga girl!" sabi ni Casey.

"Hindi 'ko nga sasagutin 'yon," Pilit ko.

"Oo pero kanina lang tumatalon talon sa kilig nung nag-chat, baliw ampota." Pambabara ni Giara.

Eh nakakakilig kaya. Minsan lang, eh.

Pumipila kami ng mga kaibigan ko sa isang org para makabili na ng tickets para sa concert sa darating na Friday. Hindi na rin ako makapapasyal bukas dahil kailangan mag-rehearse sa play.

"Pano pala 'pag nalaman ni Tito na nagpapaligaw ka?" Biglang tanong ni Elsy, "Nako! For sure sasabog si Sister! Haha!"

"Gago, pero true." Sabi naman ni Giara.

"Napaka layo ng building, eh. Hindi 'yon."

Ang totoo, hindi ko rin alam anong magiging reaksyon ni Papa kung malaman niyang may manliligaw ako.

Pero pakiramdam ko ay hindi siya matutuwa, sasabihan na naman ako non na 'di seryoso sa pag-aaral. Ang hirap kumbinsihin ni Papa na hindi naman lahat ganon.

Hindi naman lahat babagsak dahil lang may nanliligaw o may gusto ako.

Marami pa kaming napuntahan dahil sa energetic na kambal. Tama nga si Giara, halos maubos namin eh. Nakakatuwa naman na kasama ko sila hindi lang 'pag may inuman o birthday party.

Para kaming nabalik sa high school.

"Last na 'to, movie!" Sabi ni Casey.

"Anong panonoorin?"

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora