1: All Eyes

91 6 0
                                    

ACHILLES

"Big day today?" Sambit ni Papa nung nakita niyang medyo kinakabahan ako habang nag-aayos ng gamit.

Tumango ako sakanya. "I'll come home after Friday, Pa." Sabi ko.

"Kung may girlfriend ka na don, dalhin mo agad dito." Ngumisi siya sa akin at tinawanan ko lang siya.

"Pa, hindi babae ang hanap ko kaya ako lilipat don." Tumango ang Papa ko para tigilan ko na ang pag-depensa sa sarili ko.

Matagal ko ng gustong maging major sa paggawa ng pelikula o ano. Pangarap kong maging filmmaker, unang dahilan ay related ito sa arts. Pangalawa, naniniwala ako na magaling at mayaman ang bansang 'to kaso hindi lang nasuportahan ang field of Arts.

"Achi!" Tawag sa akin ni Tita–Ate Eissen, ayaw niya na tawagin ko siyang Tita dahil bata pa raw siya.

"Hm?"

"Aalis ka na?"

"Yes, Ate, I'll be back on Satur—" Niyakap niya na lang ako bigla bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Binaba ko ang hawak hawak ko at niyakap rin siya. Ang clingy niya talaga kahit kailan.

"Magiingat ka, don ah! Sumulat ka!" Pabiro pero malungkot niyang sambit. "Hindi pa naman kami nandoon para paalalahanan kang kumain sa tamang oras, Achilles! Umayos ka!"

"I promise to take care, Ate."

"Hoy, Eissen, feeling magulang ka talaga." Pang-aasar ni Papa sa kapatid niya. "May gagawin pa si Achilles ngayong araw kaya bitiwan mo na!"

"Fine." Sabi niya.

Maya-maya ay nagpaalam na ako na aalis, nagaantay rin kasi ang kaibigan kong si Vince doon. Nakakahiya naman sa kumag na 'yon, eh.

Tatlong oras ang pinaka matagal para bumyahe mula Manila papuntang Alcaviar, pero wala namang traffic sa highway ngayon dahil umaga pa naman at weekday pa. Isang oras at kalahati lang ang byahe.

"Bro!" Bati ni Vince sa akin pagtapos kong i-garahe ang kotse ko. "Balitang balita na agad pangalan mo sa mga babae," Ngumisi siya sa'kin.

"At wala pa rin akong girlfriend." Ganti ko nalang sa pang-aasar niya. Wala lang talaga sa isip ko yung ganun, siguro kapag maayos na yung magiging career ko pwede na.

Wala kasing sigurado pagdating sa mga ganitong trabaho o karera eh, hindi ka laging nasa taas o kaya minsan hindi mo mararanasan mapunta sa itaas.

"Lumipat ako dito dahil ito ang pinaka magandang film at theatre arts campus," Sabi ko kay Vince dahil nadidismaya na ako sa mga naga-audition.

"Lyra Venice Santiago." Banggit ko sa pangalan niya habang naglalakad palang siya papalapit.

Napakagat ako sa labi ko.

Gusto ko 'yung mata niya, wala pang eksena parang may sinasabi na agad yung ekspresyon ng mata niya.

Hindi niya kailangan magsalita para malaman ng iba kung anong nararamdaman niya.

Hindi ako nagbibiro kapag sinabi kong tumaas ang balahibo ko nung naluha na siya habang sinasambit ang linya ni Julia Roberts sa pelikulang 'to.

"Mukhang good mood na si Boss ah?" Panunuya ni Vince sa akin kinabukasan para sa last round ng auditions. Oo, pasok si Lyra dahil magaling at sanay siya sa mga ganitong audition.

Lagi akong napapakagat sa labi ko kapag siya na yung nasa eksena.

Ano ba 'to.

Hindi ko alam kung maiinis ako sakanya o matutuwa na nakita ko siya dito, eh.

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Where stories live. Discover now