2: Bold Move

76 5 0
                                    

"Shet, 'wag niyong inaano ano 'yan si Ly, crush yan nung poging taga-Manila!" Asar ni Giara nung nag-inuman kami sa Xyle's.

"Gago," Mura ko sakanya. "Mukhang trip lang ako pag-tripan."

"Ano ka ba, Lyra! Malay mo, 'yan na talaga!" Second year? Sure ka, Giara?

"Eh, mahina naman lumandi." Hindi naman sa ayoko sa slowly but surely na galawan ng mga lalaki. Mas okay lang sa akin na straightforward sila. Kung anong intensyon, iyon agad. Hindi yung parang mamimislead ka pa.

Naiwan muna ako sa couch dahil mas gusto ko munang uminom bago sumayaw sa dance floor, wala pa naman yung iba naming kaibigan kaya dito muna 'ko.

"Uy, Lyra!" Narinig kong sambit ni Vince at kumaway. Kasama niya pa si Achilles, isang linggo rin kaming hindi nagkikita kita dahil busy sa acads. Hindi pa naman malapit ang due nung play.

Ngumiti lang ako at kumaway pabalik. Naging busy ako sa cellphone dahil ayokong masabi ni Achilles na mag-isa lang ako.

Kahit totoo.

"You're here." He said.

"Hindi, clone ko 'to." Ang maldita ko na naman, mabait naman ako. Bakit ba ako ganito sakanya?

"Sungit ng crush ko, ah," Malambing niyang sambit.

"Trip mo 'ko?"

"Huh, hindi ah, crush kita."

"Crush mo ako tas papalaba mo panyo mo? Joke ba 'to?" Sabi ko, medyo tipsy na.

He chuckled a bit. Mas pogi siya tignan kapag lagi siyang nakangiti kasi lumalabas yung dimple niya.

"Bakit ka nandito?"

"Why? Am I not allowed here?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"I'm just asking, if you're finding a girlfriend here, this is no–"

"I'm not finding a girlfriend, Lyra. I'm here to have drinks with my friends." He explained.

"Oh? Bakit ka nandito sa harap ko, friends ba tayo?"

"I don't want to be friends with you." Seryoso niyang sambit at umiwas ng tingin.

I got hurt. Bakit? Is there something wrong with me?

"So, leave." Sabi ko.

"I can't be friends with someone I like, you know?"

Wow. Smooth.

Inirapan ko siya at pinigilan na mapangisi sa sinabi niya, uminom na lang ulit ako ng gin habang hinahanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Nasan na 'yon?!

Ayoko maiwan dito kasama siya, parang naiilang ako sa kanya.

"Achi!"

May tumawag sa pangalan ni Achilles at tumakbo ang babae papunta sa pwesto namin, nakita ko naman na napangiti agad si Achilles nung makita niya ito.

Eh sino ba 'di mapapangiti? Ang ganda ng babae niya, ah. Maputi ang kutis, dark honey blonde na buhok na wavy pa sa dulo, nakasuot siya ng white fitted crop top sapat para makita ang abs niya, pares naman nito ay isang jogger silk pants.

Tanging pisngi lang at labi niya ang mayroong palamuti pero ang ganda niya pa rin. Samantalang ako, pormang porma ako lagi dahil morena ako.

"Haze!" Achilles welcomed her.

Oh, edi kayo na. Cute kayo?

Mas cute kami ni Achilles, tse.

Syempre hindi ko pinahalata na medyo nainis ako dahil parang nakalimutan niyang kausap niya 'ko. Ano ba laban ko don? Acting lang ata eh.

We're Not In The Movies [Alcaviar Series #1]Where stories live. Discover now