Confusion

1K 87 37
                                    


"Papa Thomas!" Matinis ang tinig na bungad ni Amity pagka pasok na pagka pasok palang nito ng pinto. Lumiwanag naman agad ang pormal na muka ng Señor at masayang ngumiti kay Amity na lumundag agad sa kama nito at yumakap dito ng mahigpit.

"Emerald iha kamusta ka na?" Magiliw na tanong ng Señor kay Amity.

Emerald???

Tama ba ang narinig ko??? Tinawag niyang Emerald si Amity?! Naguguluhang isip isip niya.

"Okay lang po ako" magalang na sagot ni Amity habang mahigpit na nakayakap sa Señor, pamaya maya napansin nilang umiiyak na pala ito.

"Oh bakit ka umiiyak iha?" Puno ng pag aalalang tanong agad ng Señor dito. Habang sila at lalo na siya ay pilit na iniintindi kung ano ang ibig nitong palabasin.

"Emerald? Wala akong ibang kilalang Emerald kundi ang batang ngayon ay papasok na sa pintong iyan. Kaya sino ang batang kasama mo?" Pag aalala niyang muli sa isip sa mga katagang binanggit nito.

Are you fucking kidding me Señor Montenegro?! Ang ibig mo bang sabihin ngayon ay hindi si Emerald ang batang kasama namin at ang tunay na Emerald ay si Amity!

Naningkit ang matang pigil na pigil ang galit na inis na napabuntong hininga nalang siya habang nakatingin sa mga ito.

"Na..Nasaktan kayo dahil sakin, da..dapat hindi ko kayo ginambala sa inyong pakikipaglaban. Patawad po!" Umiiyak na matatas na tugon ni Amity sa Señor. Totoo naman kasalanan nga nito dahil sa pagtawag nito sa pangalan ng Señor kaya nawala ang konsentrasyon nito sa pakikipaglaban.

"Huwag mo ng intindihin iyon iha dahil maayos na ulit ang pakiramdam ko kaya huwag ka ng mag alala" Nakangiting pag aalo dito ng Señor habang masuyong sinusuklay ng kamay nito ang buhok ni Amity.

Walang pakialam na sumingit na siya sa drama ng mga ito at pagalit na sinabing. "Ang gusto nyo bang palabasin ngayon Señor Montenegro na ang batang iyan ay si Emerald?"

Napatingin sa kanya ang lahat ng kasama sa silid batid niyang kanina pa din nangangati ang mga ito na mag tanong sa Señor tungkol sa bagay na iyon. Lahat sila ay pawang nagugulahan at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Lalo na siya na hindi talaga naniniwala dito!

Hindi naman nag abalang tumingin man lang sa kanya ang Señor na ang buong pansin ay na kay Amity lamang.

"Bakit kailangan mo akong tanungin ng ganyan? Ikaw ba talaga ang lumikha kay Emerald? Bakit tila hindi mo siya lubusang kilala?" Nang uuyam ang tinig na tugon din naman nito.

Uminit agad ang ulo niya sa sinabi nito "Kilala ko si Emerald, Señor kaya huwag nyo ng bilugin ang ulo ko. Kung sa palagay nyo malilinglang nyo ako gamit yang alagad nyo nagkakamali kayo!" Napipikon na bulyaw niya dito.

"Hahahahaha!" Biglang pag hagalpak ng tawa ng Señor na hindi kinatutuwa ng lahat. Napalapit naman sa kanya ang mommy niya upang pigilan siya sa gagawing paghakbang palapit sa Señor upang sana ay sapakin ang pagmumuka nito.

"Thomas anong nakakatawa? Maari bang ipaliwanag mo nalang ng mabuti ang ibig mong sabihin?" kunot noo ng tanong ng kanyang mommy na nararandaman na ang hindi magandang kahihinatnan ng pag uusap nilang dalawa ng Señor.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyong anak Kristine hindi ko siya pipiliting paniwalaan ako. Dahil kung totoong matalino talaga ang anak mo hindi niya ako paniniwalaan o kaya ay paniniwalaan niya ako? Hahahahaha!" Parang baliw at magulong saad ng Señor na sa kanilang mga mata ay isa ng demonyo.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon