Amity Academy

530 27 1
                                    


"Paanong nangyari ito?" Takang tanong nya sa lahat.

"Let's calm down wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda" sabi ni Tristan na pinapakalma sila.

"Well sinabi ko naman na sa inyo noon na hindi maganda ang idea na yan. No one listen" si Kylie na nag kibit balikat.

"I just want the best for her that's why" sabi naman niya na napasimangot.

"Wag na kayong mag talo alam naman nating darating ang panahon na ito. Hindi natin maitatago ang katotohanan ng panghabang buhay" tinig iyon ni Señor Montenegro na nag pabaling ng atensyon nilang lahat dito.

Mag kakaharap silang lahat ngayon sa malawak na living room ng Villa Esmeralda. Napaaga ang pag uwi ng grupo niya dito sa Pilipinas ng makarating sa kanya ang usapin tungkol sa paaralang pinapasukan ni Emerald ang Amity Academy.

"Tama ang Señor. Maswerte nga tayo umabot pa ng ilang taon bago ito nangyari. At least di ba maayos na ngayon si Emerald wala na tayong ibang problema... Hopefully wala na" sabi ni Trixie na nahuli niyang napasulyap kay Carmen ng bigkasin ang huling sinabi. Busy naman ang huli na nagtitingin tingin sa mga picture frame sa isang malaking display cabinet. Mayroong mga larawan doon sila Emerald at ang pamilya nito kasama si Señor Montenegro.

Napabuntong hininga naman siya hindi kasi niya natanggihan si Carmen ng mag pilit itong sumama sa kanila dito.

Oo sinabi nadin niya dito ang tungkol kay Emerald dahil alam nadin naman pala nito. Nag tanong na kasi ito sa kanyang mga magulang. At mula nga ng malaman nito ang tungkol kay Emerald parang biglang nag bago ang ugali nito.

Hindi niya maintindihan ngayon ang tumatakbo sa isip nito.

"Pero ayokong magulo ang buhay ni Emerald ng dahil na naman sa akin. Magkakagulo lang ang lahat pag nalaman nilang buhay sya. They will just bother her" Di napigilang lumungkot ang tinig na sabi nya.

Hindi siya nahirapan noon na itago ang katotohanang buhay si Emerald. Dahil mula ng kumalat ang balita noon na naging wild vampire ito at namatay wala ng ano pang lumabas na ibang balita tungkol dito.

Ibinalik naman nila ito dito sa Pilipinas kahit pa may risk na may makakilala dito doon. Iyon ay dahil sa hindi nila magawang ilayo ito sa bansang kung saan ito mas magiging komportable. Saka may palagay sila noon na dito ito mas mabilis na gagaling.

Ang pagkakamali lang talaga niya siguro ay masyado siyang na carried away sa pag bigay dito ng lahat ng kaya niyang ibigay. Hindi na niya ito ibinalik sa dati nitong buhay noon. Ibinigay talaga niya dito ang lahat ng kailangan nito. Sariling Villa, sariling academy, mga sasakyan, private body guards at kung ano ano pa. Kung kaya nga lang niya itong bigyan ng sariling Earth ginawa na nya maging maayos lang ito.

"I have an idea" Si Carmen na biglang nilingon sila gulat na napatingin naman silang lahat dito.

——————————

Welcome to Amity Academy basa nya sa isip sa signage ng school na pinapasukan niya. She love this school so much kasi lahat ng bagay na mahihiling nya sa isang eskwelahan ay nandito na. Bonus point pa na favorite nya ang kulay ng mga building dito na kombinasyon ng white at light blue. Ang malawak na green house sa gitna ng school garden nila ang pinaka nagustuhan naman niya sa mga dagdag na facilities ng school. Mahilig kasi talaga siya sa nature.

Kagabi hindi siya nakatulog ng mabuti dahil sa message sa kanya ni Annie. Nag simula na daw mag boycott ng klase ang mga estudyante sa KV UNIVERSITY sa Baguio dahil sa questionable nga na existence ng school nila kaya maaaring mapasara sila in the future.

Wag naman sana..

Malungkot na bulong niya habang nakatayo lang sa harap ng school building nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon