Ligalig

359 46 3
                                    



"Sige sabihin na nating ganoon nga Lady Kristen pero paano kung ikaw pala ang nag kakamali? Paano na lang kung totoo pala ang mga sinabi ni Kylie at ni......"


"Señor Montenegro... paano kung  si Amity pala talaga ang totoong Emerald?" Seryosong seryoso ang mukang sabi ni Tristan sa kanya na ngayon ay nakikipag tagisan sa kanya ng titig.

Bigla nasindak siya at nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

NO!


THAT'S NOT TRUE!

"Don't say something so stupid Tristan! Paniniwalaan ko na ang mga baliw dyan sa kanto pero hindi ang mga salita ng napakasamang si Señor Montenegro! Ano ba talaga ang pinakain sa inyo ng Señor na iyon at ni Amity at parang lahat kayo ay ganyan ng mag isip? Saka nakalimutan nyo na ba ang lahat ng mga masasamang ginawa ng matandang iyon? Pano nyo ba nasisikmurang maniwala doon?!" Pabulyaw na sabi niya dito ng makabawi sa pagka sindak. Hindi kayang tanggapin ng kalooban niya ang sinabi nito dahil kung iyon ang totoo.

Isang napakalaking kamalian ang nagawa niya!

At hindi iyon pwedeng mangyari.

Hindi niya iyon matatanggap!!!

"Lady Kristen hindi ko sinasabi na ito na talaga ang totoo. Ang gusto lang namin ay manigurado at hindi kami basta nag titiwala na lang sa mga salita ni Señor Montenegro. Pero what if... what if kung iyon talaga ang totoo?" Pilit pa din nito sa kanya.

"What if??? Pareho lang yun! Nagtitiwala padin kayo sa demonyong iyon!" Sagot naman niya dito.

"It's not like that! Kailangan din naman nating maging open minded! Dahil hindi natin maayos ang gulong ito kung isasara natin ang isip natin sa ibang posibilidad, hindi iyon sa nagtitiwala agad!"Tumataas na ang tanong sabi ni Tristan sa kanya.

"Tama na Tristan! Pakiusap tama na!!! I get your point! Naiintindihan kita! Naiintindihan ko naman kayong lahat! Si mommy! Si daddy! Oo naiintindihan ko kayo! Pero kayo?! Naiintindihan nyo din ba ako?!" Pahiyaw na sabi niya kasabay ng pagbalibag sa hawak niyang alak saka napaluhod nalang sa sahig at napasubsob sa sariling palad. Napaiyak na lang siya.
"There's no way I can accept that.. you know.. Hindi yun madali! Because if that's the truth.. if I am wrong... a..ano na lang mangyayari sakin?" Sabi niya na umiiyak.

Nararandaman na lang niyang may yumakap sa kanya. Niyakap siya ni Tristan.

"I'm sorry... I'm sorry... Pasensya na" malumay na sabi nito habang hinihimas ang likod niya.

"Pa..Pasensya na din kayo kung hindi ko kayang tanggapin ang sinasabi nyo. Dahil mas madali para sa akin ang patunayan na inosente si Emerald.. mas madaling gawin yon Tristan.." Sabi pa niya na sumubsob sa dibdib nito.

Parang pinipiga sa sakit ngayon ang puso niya sa isiping baka nagkakamali siya. Hindi niya ito gustong paniwalaan dahil alam niyang hindi niya talaga ito kayang tanggapin.

"Sshhh tama na Lady Kristen. Huwag ka ng mag isip. Kung ano man ang magiging hakbang mo makakaasa kang susunod ako. Huwag kang mag alala hindi ka namin pababayaan" Sabi ni Tristan sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya.

Sa huli alam naman niyang lalabas din talaga kung ano ang totoo at hindi niya mababago ang magiging takbo niyon. Hindi niya magagawang iayon sa gusto niya ang mga mangyayari. Ang tanging magagawa lang talaga niya ay ang umasam at manalangin na sana hindi siya nagkakamali.

Dahil pag nagkataon...

Baka mapatay niya ang sarili sa sobrang pagsisisi!



"Nasa kulungan ngayon si Emerald sa Vampwolve town. Pero hindi naman nila ito ikukulong sa isang silid. Ang kailangan lang ay limitahan ang lugar na kikilusan ni Emerald at ang plano ay i-trigger itong ilabas ang totoo nitong pagkatao" Paglalahad ni Jethro sa plano ng kanyang ama.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon