The Truth

474 51 9
                                    


Parang wala ng katapusan ang pagpatak ng mga luha niya habang buhat niya si Emerald palabas ng pinto.

"Kristen anak kailangan nating mag usap sag.."

"Hindi na kailangan dad ako ng bahala dito" Matigas ang tonong putol niya sa sasabihin ng ama na hindi na kumibo pa ng mag salubong ang paningin nila.

Laglag ang balikat na nag pa tuloy siya sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng bilangguan. Tahimik na sinundan naman siya nila Tristan at Jethro ganun nadin ng kanyang ama na bakas ang pag aalala sa muka. Nag paiwan naman si Trixie na syang umasikaso kay Señor Montenegro at Amity.

"Ang sakit po ng sugat ko lady Kristen" Daing sa kanya ni Emerald na hawak ang nasaksak na balikat.

"Tiisin mo lang saglit malapit na tayo" Sabi niya hanggang narating na nga nila ang isang special na silid na siyang pakay niya. Pumasok siya doon at saka binaba si Emerald sa kama na nandoon at malungkot na pinagmasdan ito.

"Hmm so you know my secret huh?" Sabi ng batang binaba niya ng mapansin ang silid na pinag dalhan niya dito ganun na din ang uri ng pagkakatingin niya dito.

Bigla nagbago ang ekspresyon ng muka nito tumalim ang mata nitong nakatitig sa kanya na kanina ay parang isang maamong tuta na nag papaawa.

"Yah" May pait ang tinig na tugon niya at saka inalala ang mga nangyari kanina.

"Kristen umalis ka na din muna at ako na ang bahala dito, walang makikialam sa inyo" Sabi ng kanyang ama na ikinagulat niya.

Pinalalabas na nga siya ng kanyang ama sa pinto ng bigla nalang itinarak ni Amity ang hawak nitong patalim sa gawing balikat ni Emerald!

"Ahhhhh!" Rinig niyang hiyaw ni Emerald sa nadamang sakit.

Doon dumilim bigla ang paningin niya at sinugod nga niya si Amity at saka hinawakan ang kamay nitong may hawak na patalim at itinarak iyon pabalik dito saka niya ito itinulak palayo kay Emerald. Dinig pa niyang napaigik sa sakit si Amity bago lumagabog ang maliit nitong katawan na sumalya ng malakas sa dingding ng silid.

"Emerald!" Tarangtang sambit niya saka mabilis na tiningnan ang sugat nito sa balikat.

Bigla natuptop niya ng kamay ang bibig at nalaglag nalang ang mga mga luha niya.

Iyon ay dahil sa nakikita niya at naaamoy...

May mga dugo ang kuko ng batang inaakala niyang si Emerald at malinaw na naaamoy niya sa mga dugo na nasa kuko nito ang pagkakakilanlan ng mga iyon. Tulad ng dugo ni Tristan at Jethro!

"E..Emerald.." tanging nasambit niya saka nasasaktang niyakap ito. Iyon ay upang hindi din nito makita ang muka niya na punong puno ng pagkalito. Ohh god!

"Ayos lang po ako lady Kristen wala po ito, malayo sa bituka" Nagbibiro pang sabi nito sa kanya at saka ngumiti.

Hindi siya nakakibo sa isip niya..

Napaka galing talaga nitong umarte, kung hindi siguro ito na corner ni Trixie hindi magiging padalos dalos ang mga kilos nito at hindi padin niya malalaman ang totoo. Mananatili padin siyang tangang pinuprotektahan at pinaniniwalaan ito. Damn!

"I'm sorry" Sabi niya habang hindi talaga mapigilan ang hindi maiyak. At kahit na nanghihina dahil sa mga natuklasan pinilit padin niya itong buhatin upang dalhin sa isang silid na para sa mga katulad nito.

Silid para sa mga napakasamang bilanggo. Kailangan madala niya ito doon upang hindi na ito makatakas pa at gumawa ng panibagong gulo.

"How did you know?" Diretsong tanong nito na parang wala ng iniindang sugat sa balikat. Hindi siguro talaga masakit ang sugat nito at nag dra-drama lang kanina.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon