Training

2.3K 130 22
                                    


"That's all for today magpahinga na kayo" sabi nya sa mga kaharap saka siya napasulyap sa babaeng nakayakap sa kanya. Nakasubsob na ito ngayon sa gawing tiyan niya at ginawang unan ang binti nya. Panatag ang paghinga nito tanda ng mahimbing nitong pagtulog. Napakunot noo sya ng bahagya sa pagkakatingin dito. Bukod sa mga magulang nya isang tao palang ang nakayakap sa kanya ng ganito. Lihim syang napabuntong hininga ng maisip ang taong iyon.

"Mukang tulog na si Emerald, magulo ang kwarto nya ngayon. Ako ng bahala sa kanya sa silid ko na lang siya patutulugin" sabi ni Trixie sa kanya.

"No need I'll take care of her" maawtoridad na tugon nya dito sabay buhat sa tulog na babaeng nakayakap sa kanya at sa isang iglap lang nawala na siya sa paningin ng mga ito. Naiwan niya ang mga itong napakunot noo at nagkatinginan sa isat isa ng may pagtataka.

Pagdating sa silid niya inilapag niya si Emerald sa kama nya saka pinagmasdan ito ng ilang saglit bago niya tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan.

Matapos ang ilang minutong paliligo pinatutuyo na niya ang buhok habang pinagmamasdan muli ito. Ang totoo niyan hindi siya sanay matulog ng may katabi, kaya kanina bago siya maligo pinagmamasdan niya ito. Nagtataka kasi siya sarili at hindi nalang niya hinayaan na si Trixie ang mag asikaso dito.

At yung kanina bakit parang nainis siya sa idea na matutulog si Emerald at Trixie na magkasama sa isang silid?

At hindi lang yun..

For the very first time in her immortal life nakararamdam sya ng pag aalala. Pag aalala sa kaligtasan nito, sa kamay ng dalawang wild warewolves kanina. Laking pasasalamat pa niya kanina na hindi siya nahuli at inabutan niya itong buhay.

At muli hindi lang yun..

For the very first time in her immortal life nakararamdam sya ng palo ng konsensya. Iyon ay ng murahin niya ito at sabihan ng may utak nga pero wala namang laman. Sinalakay talaga siya ng konsensya nya ng makita niyang umiyak ito sa harap niya, kaya naman maghapon siyang hindi lumabas ng silid. Wala pa nga sana siyang balak lumabas kung hindi lang dahil sa misyon nila.

God damn it kailan pa ako natutong makunsensya?!

Ako na isang royal pure blood vampire?

Ako na walang awang pumatay nakaramdam ng konsensya dahil lang sa isang mortal?

"Funny" hindi napigilang sambit niya habang nakatingin dito.

Inilapit niya ang muka sa gawing leeg nito at sinamyo ang amoy nito.

"Well maybe this all because you're my personal bag of blood and I'm just protecting my food. Yeah that's right!I'm just concern about my food!" sabi niya saka nahiga na sa tabi nito. Napapitlag siya ng bigla yumakap ito sa kanya at isiniksik pa talaga ang muka sa gawing kilikili niya.

"Hey food nagiging habit mo na yata ang pagyakap sakin! Tssk! Your just a food!" Sabi nya saka hinayaan nalang ito at kunot noong pumikit na.


———

Mahigpit niyang niyakap ang unan niya at isinubsob pa niya ng mabuti ang muka sa malambot at mabangong bahagi nito. Pinagapang niya ang kamay sa malambot nitong tela hanggang sa dumapo ang kamay niya sa maumbok nitong bahagi at nasisiyahang pinisil pisil iyon. Napangiti siya.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon