The Elders

569 50 4
                                    


"Papatayin ko sila.. Pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nila sa akin lalong lalo na ang mga ginawa nila kay Amity" Sabi niya habang kuyom ang kamaong nag babalak na ngang sugurin ang bahay nila Dimitri. Nagkatinginan naman sila Tristan at Jethro sa narinig na sinabi niya.

"Here you go again nag papadala kana naman sa galit mo at saka gagawa ka ng mga desisyong hindi mo pinagiisipan" Ang daddy nya na nakasalubong niya sa pasilyo ng bilangguan. Mukang kalalabas lang nito sa silid na pinagdalhan niya sa impostor na Emerald kanina.

"I need to do this Dad kailangan nilang pagbayaran ang mga ginawa nila kay Amity! Hindi na sila mga normal na bampira mga halimaw na sila!" Galit na na sabi niya.

"Calm down Kristen! Alahanin mo nangyari din naman ang lahat ng ito dahil naging pabaya ka. Unang una gumawa ka ng kahinaan mo na syang malaking pagkakamali mo. Alam na alam din ng nga kalaban mo kung gaano kanipis yang pasensya mo and they are using that against you" Pag pigil na sabi nito sa kanya.

"Dad is this really the right time para pangaralan nyo pa ako ng ganyan? Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat ng ito kaya nga ginagawa ko nalang sa ngayon kung ano pa ang kaya kong gawin. Kung ano pa ang maaari kung magawa. Ang tanging hangad ko lang naman ngayon dad ay ang maparusahan ang nga nag laro sa buhay namin ni Amity, yun lang" sabi niya saka tinalikuran ang ama. Wala siyang balak magpapigil pa dito.

"Kristen!" Tawag muli nito sa kanya pero hindi na siya nag abalang lingunin pa ito. "Alahanin mo ako ang nag desisyon at nag plano na ikulong dito ang doppelgänger ni Emerald. Palagay mo ba hindi ko din pinagplanuhan ang mga gagawin ko sa mga involve dito?" Sabi muli ng kanyang ama na nagpatigil sa mabilis na paghakbang niya. At ng lingunin niya ito wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Kaya naman napakunot noo siya.

"Saan nag punta si Dad?" Tanong niya kay Tristan at Jethro.

Maayos na ang lagay ng mga ito, nagamot kasi agad ang lason ng mga ito sa katawan. Dahil ng mangyari ang kaguluhan dito sa bilungaan saktong natuklasan na ng doctor ng kanyang mga magulang ang lunas sa lason. At dahil malakas talaga ang katawan ng dalawang ito agad naka recover ang mga ito na parang di man lang ininda ang lason. Kahit nga bakas man lang ng lason hindi niya makita sa mga ito. Habang ang mga ibang warriors na nalason ni Emerald ay halos hindi padin makatayo ngayon. Si Kylie naman unti unti na ding gumagaling pero wala padin itong malay.

"Sa interrogation room" duet na sagot naman agad sa kanya ng dalawa na tinuro pa ang pinuntahan ng kanyang ama.

Mabilis na tinungo nga niya ang interrogation room at doon nakita niya ang ama na pinanonood ang ginagawang pag tatanong kay Dimitri pati na din sa mommy nito at kapatid.

"Nang sabihin sa akin ng elite warriors mo na si Kylie ang mga nangyari sa kanya kaagad na pinasubaybayan ko ang kilos nitong si Dimitri. At bago pa mag tangkang magtago itong si Dimitri pinahuli ko na siya agad pati ang kanyang buong pamilya ganun na din ang mga tauhan nila. Dahil batid kong gagawa at gagawa sila ng paraan para makalaya dito ang doppelgänger ni Emerald. Noong una hindi sila umaamin sa involvement nila sa nangyari kay Kylie pero ng mabuko na ang pagkatao nitong impostor na Emerald umamin din sila" Pag kwe-kwento sa kanya ng ama.

"Ano naman ngayon ang balak nyong gawin sa kanila dito? I know you well dad alam kong hindi mo parurusahan ng sobra ang mga iyan" May inis na sabi niya.

Ngayong nahuli na pala agad si Dimitri ng kanyang ama hindi na niya magagawang sapakin man lang ito. Shit!

"Malalim na ang pagkamuhi nila sa ating pamilya Kristen. Narinig mo naman ang sinabi sa atin ng doppelgänger na kinupkop mo. Hindi daw sila kailanman nagkaroon ng kapayapaan. Kaya anak kailangan nating pagsumikapang bigyan sila ng kapayapaan. Kailangan natin silang kausapin ng mabuti sa palagay ko naman hindi pa huli ang lahat" Sabi ng kanyang ama na lalong ikina inis niya.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon